17

14 5 0
                                        

Chapter Seventeen

And as I plan, we're going out today.

After a 12-hour shift in the hospital dahil dumami uli ang mga cases ay natulog muna ako kaninang umaga.

Ngayong hapon, I'm picking Sean up and we're planning to go to Intramuros because she's the one who suggested it.

Akala ko nga galit pa din s'ya sa'kin nung niyaya ko s'yang lumabas pero hindi naman daw, na-hurt lang daw siya ng 'di ko siya pansinin.

Nakailang katok ako sa pinto bagi may nagbukas, pero hindi si Sean 'yun. It might be her best friend.

"Parang kilala kita, ah?" Nagulat ako ng sabihin niya sa'kin 'yon.

Kilala niya 'ko? Pero sa pagkaka-alala ko naman ay hindi ko pa siya nakikita ng personal.

I knew him by Sean's diary, at nung isang beses na sinabi ni Sean na iti-treat s'ya nito nung birthday niya.

"I'm Nyx--"

"Ah ikaw pala 'yun. Pero kamukha mo talaga si Sebastian." He blurted out.

Mas nagulat naman ako nang sabihin n'ya 'yun. Hindi ko alam kung kamukha ko lang ba 'yung tinutukoy niya o ako talaga 'yun dahil 'yun ang madalas na tawag sa'kin.

"Hoy! Anak ni Poseidon! Anong ginagawa mo kay Doc Nyx, ha?" Biglang lumabas na si Sean.

Anak ni Poseidon? Oh. Hahahaha. I guess he's really is Triton.

"Wala. Aalis ba kayo?" Tanong niya kay Sean.

"Obvious ba? Hahaha. Hindi ko pa ba nasabi? Pero, oo aalis kami. D'yan lang naman sa Intramuros, wala kang dapat alalahanin, Itay. Hahaha."

"Panget mo. Maka-Itay ka d'yan, mas matanda ka nga sa'kin ng 2 hours." Sagot naman ni Triton at pumasok sa loob.

Nagkatinginan kami at hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya.

"Hi!" She greeted me but I didn't respond dahil nakatingin pa rin ako sa kaniya.

She's wearing a blue hoodie again but with a different print on it, khaki shorts, white converse sneakers and a cap.

Wala namang kakaiba sa suot niya pero parang nahigit ko ang hininga ko nang makita ko s'ya.

She is really cute.

"Ah, nand'yan ka pa ba?" Tanong niya kaya napatigil ako sa pagtitig sa kan'ya.

"You're cute." I blurted out.

Huli na ng ma-realize kong nasabi ko 'yun dahil namula na siya.

And she gets cuter whenever she blushes.

"Hoy, babae! 'Wag ka ng babalik dito! Inubos mo na naman 'yung Dutch Mill ko!" Narinig kong sumigaw si Triton mula sa loob.

"Tara na?" Nagtanong siya pero hinatak na niya ako papaalis doon.

Nakababa na kami hanggang sa parking lot at sumakay na sa loob ng kotse.

Ini-start ko na 'to at nagsimula na kaming umandar papuntang Intramuros.

"Uhm, Doc Nyx?" She called.

"Nyx na lang sabi, e." I chuckled.

"Ah Nyx, saan nga tayo ulit pupunta?" She asked.

Nagtaka naman ako sa tanong niya. She's the one who suggested na doon pumunta, tapos nakalimutan niya.

And besides, kakasabi lang niya kanina kay Triton kung saan kami pupunta 'di ba?

"You said we're going to Intramuros, right?" I asked her back.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko, sorry."

I smiled at her pero nagtataka pa rin ako kung bakit niya nakalimutan.

Hindi naman siya makakalimutin kahit noon pa tapos ngayon, nakalimutan niya?

After a few minutes of thinking, I just let it pass. Baka nga nakalimutan lang talaga niya.

And then we arrived there. Medyo maraming tao dahil hapon pa lang naman.

Napagpasyahan naming kumain muna sa Ilustrado bago kami umikot sa Intramuros.

Mukhang manghang-mangha naman siya sa mga antique decorations na makikita sa loob nito.

"First time ko dito." Sabi niya bigla nang kumakain na kami.

Kaya naman pala kanina pa niya inililibot ang tingin sa paligid.

"Dito sa restaurant o dito mismo sa Intramuros?" I asked.

"Dito. Sa intramuros." Sagot niya habang kumakain.

I must say that she has a big appetite, pero hindi siya tumataba.

Habang kumakain siya ng halo-halo, may dungis na siya ng ube ice cream sa gilid ng labi niya.

Parang nagkaron na naman ng sariling buhay ang mga kamay ko at pinunasan ito gamit ang tissue.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at namula.

"Oh, I'm sorry." Napapahiyang sabi ko.

"Hahaha. Oks lang. Ang cute mo pala kapag nahihiya." She chuckled.

And with that, mas lalo akong nahiya at mas natawa naman siya.

But amidst that, I love the way she laughs.

Nang matapos naman kami sa pagkain ay nagsimula na kaming maglibot sa Intramuros.

Lumubog na ang araw kaya naman bukas na ang mga ilaw na mas lalong pinaganda ang paligid.

But I felt that Sean made the whole place a lot more beautiful than it already is.

She smiled as she looks around the place and I can't help to took a picture of her.

"H-Hoy! Ang daya! Dapat dalawa tayong may picture!" She said nang mahuli niya 'kong kinukunan siya.

She took my phone and take a selfie with me with a wacky face. Pero ako nakatingin sa kaniya.

"Tingin ka dito sa cam." Sita niya kaya naman napatawa ako at tumingin na sa camera.

Ibinalik niya sa'kin 'yun pagkatapos at naglakad na kami habang tinitignan ang paligid.

"Grabe, ang ganda talaga dito." She said.

'Pero mas maganda ka.' I thought.

"I'm really fond of old things." Sabi niya habang nakatingin sa'kin.

"Kasi sila 'yung nakakita nung mga nangyari sa nakaraan. Sila lang 'yung nakakita sa mga bagay na hindi ko na inabutan." She explained.

Napatingin naman ako sa paligid. Tama nga naman siya. It's really fascinating knowing that the walls and every part of this place saw things that happened way back into the past.

"Kung papipiliin nga ako, mas gugustuhin kong mabuhay sa past, e." She said.

"Kasi mas simple 'yung buhay at pangarap, mayroong sariwang hangin, at kung anu-ano pa." She looked at the sky while smiling.

"Pero siguro kung sa past ako nabuhay, hindi kita nakilala." Then she looked at me.

I think that my heart stopped beating at that moment at para akong nawalan ng hininga.

"At hindi ko rin mararamdaman 'yung mga bagay na nararamdaman ko kapag kasama kita."









Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now