Chapter Twenty One
"Mukhang close na kayo, ah? May na-miss ba ako?" Sean said kaya sa kaniya na napako ang atensyon ko.
But I can't still help to think kung ano na nga ba talaga ang nangyayari sa kaniya.
Nakabalik na si Triton at kinakausap niya si Sean, at mukhang masigla na siya pero may kulang sa mga ngiti niya.
At isa pa, kaninang tinatanong niya si Triton kung ano 'yung mga nangyari kanina, nagso-sorry siya sa'kin at naiinis daw siya sa sarili niya kunv bakit daw niya nakalimutan.
Hindi kasi nakaligtas sa paningin niya 'yung pagyuko ko at pagpikit kaninang nagtanong siya. Tsh.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone nang maramdaman kong nag-vibrate ito.
Come here immediately. The OR cases increased due to an accident.
"Sean, ayos ka lang ba talaga?" I asked para masigurado kong ayos na talaga siya bago ako umalis.
"Sobrang ayos na talaga ako, Nyx. Promise." Sagot naman niya at nginitian ako.
"Kailangan na kasi ako sa ospital. And since doon ka naman din ililipat, I'll try to do something para makita ka, okay?" Ginulo ko ang buhok niya.
"Grabe, flattered naman po ako." She teased.
Ngumiti na lang ako at tinanguan si Triton bago umalis.
"Ah Nyx?" I heard Sean called me kaya napalingon naman ako.
"Sorry ulit kung may nakalimutan ako, ah? Pero salamat, kasi alam kong espesyal 'tong araw na 'to. Hindi lang para sa'yo, kundi para sa'ting dalawa." Sabi niya at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman niya kasalanan kung may nakalimutan niya. Hindi naman niya 'yun sinadya.
And I hope that if she really has an illness, ay magamot 'yun dahil ang hirap para sa'kin na makita siyang nagpupumilit na maalala ang mga bagay para hindi ako masaktan.
Umalis na rin ako at dumiretso sa ospital, pagkarating ko naman doon ay ibinigay sa'kin ang charts nang mga pasyente.
Mabilis naman na tumakbo ang oras at madaling araw na.
Nang matapos naman ang trabaho ay dumiretso na muna ako sa office para makaidlip bago ako umuwi.
Pero bago pa man ay may kumatok na sa pinto.
"Seb?" I heard someone called me.
"Come in." Sabi ko na lang habang nakapikit ang mga mata.
"I saw Dr. Esquires kanina sa lobby." Si Vin pala ang pumasok.
"Dr. Esquires?"
"Sean's father, you moron." Sagot naman niya.
"How did you knew him?"
"Ah, there's things called photos?" He sarcastically said.
Tsh.
"Maybe he already admitted Sean here." Wala sa sariling usal ko, at bigla kong na-realize na pupuntahan ko dapat siya.
Napatayo ako at iniligpit ang mga gamit dahil pupuntahan ko siya.
"Wait, what? Sean? Admitted here?" Sunud-sunod na tanong naman niya.
"She collapsed earlier. Dinala ko siya sa ospital. I'll visit her." Sabi ko na lang.
"Ha? Teka, sama 'ko!"
Hindi ko na lang pinansin pero alam kong nakasunod na siya sa'kin.
Bumaba pa kami sa mismong reception para tanungin kung saang room naka-admit si Sean.
Room 105
Kumatok muna ako at pinagbuksan naman ako kaagad ng tatay ni Sean.
And I realized that this is the first time I've seen him in person because I only knew him by pictures.
"Good morning po." Vin and I said in unison.
Tumango ito at sinabing, "Who are you two? And what are you doing here?"
Kinabahan naman ako sa pagtatanong niya kaya napalunok ako bago sumagot.
'Yung nararamdaman ko ay para akong high school student na magpapaalam manligaw. Tsh.
"Dr. Nyx Callego, Sir. And if she didn't tell it to you yet, I'm her boyfriend." I said at napatango siya.
"I'm Dr. Alvin Peralta, Sir. I'm her friend." Sabi naman ni Vin.
Pinapasok niya kami at naibaling ko naman kaagad ang paningin ko kay Sean na natutulog.
"This kid... Wala man lang ikinwento sa'kin. Well, wala rin naman siya sa bahay." Dr. Esquires chuckled.
Nagulat ako nang matawa siya. He seems that he's just cool with it, even if I expect na magagalit siya or something.
"Sir, nalaman niyo na po ba kung anong diagnosis sa kaniya ng mga doktor?" I asked.
"Don't call me Sir, nagmumukha akong matanda. Just call me Tito since you're her boyfriend." Sabi niya pero hindi pa sinasagot ang tanong ko.
Nabalot lang kami ng katahimikan, tanging tunog lang ng air con ang maririnig sa paligild sa loob ng ilang mga minuto dahil hindi naman sumagot si Tito.
Wala na rin naman akong balak magtanong ulit dahil baka makulitan siya sa'kin.
Pero maya-maya pa ay siya rin naman mismo ang bumasag ng katahimikan.
"Ae, or Sean as she wants to call herself, is really a good kid." Sabi niya.
"Kahit na sinuway niya 'ko nang ipilit niya ang pagiging graphic artist niya, I still think that I raised her right by my own.
"Kahit na ipina-cancel ko ang application niya sa isang art company, I never felt that she hated me.
"Pumupunta pa rin siya kapag pasko at birthday ko, binibigyan ako ng regalo, kahit na alam kong nagalit siya sa'kin noon." He smiled as he tells us kung paano bilang anak si Sean.
Hindi na ako magugulat pa kung ganoon siya bilang anak, because that's her nature.
Noong mga panahong napag-uusapan namin ang tungkol sa kani-kaniyang pamilya, ni hindi ko siya kakitaan ng sama ng loob kapag kinukwento niya 'yung tungkol sa mga magulang niya.
'They gave birth to me, doon pa lang sobrang thankful na 'ko.' , 'Wala namang perpektong tao, siguro nasaktan ako no'n pero oks na 'ko ngayon.' 'Yun ang mga sinabi niya nung minsang tanungin ko siya sa kung ano na ang relasyon nila ng mga magulang niya.
Tinitigan ko si Sean habang natutulog, and all I can say is that she's too good to be true, yet I have her and I'm really thankful for that.
"Kaya nga nagtataka ako kung bakit ganito ang pagdadaanan niya ngayon." Napalingon naman ako kay Tito kaya nakita ko ring tumulo ang luha niya.
"Brain tumor." He said.
"Po?" Tanong ni Vin.
"You're asking about what's the diagnosis of the doctor on her condition earlier, right?"
"My daughter has a brain tumor." He smiled sadly.
YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Teen FictionPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.