12

17 5 1
                                        

Chapter Twelve

I'm still on leave kaya araw-araw na akong nandito sa clinic.

Hindi ko pa rin napag-iisipan kung babalik pa ba ako sa ospital, kaso walang maiiwan kasama si Sean dito.

Wala rin naman akong mahanap na willing maging substitute ko kapag may schedule ako sa ospital.

Naalala kong ngayon naka-schedule ang medical mission na gagawin ng mga taga-St. Michael's.

Walang mga pasyente pang dumarating dahil Monday ngayon at ganito naman ang nakasanayan tuwing Monday.

Tinawagan ko ang kakilala kong doktor na sasama sa medical mission para tanungin kung pwede pang sumama at pumayag naman.

"Sean," I called her.

"Po?"

"Are you in for Talim island medical mission?" I asked.

"Kailan po?"

"Ngayon."

"Ha? Agad-agad? Pero ayos lang. Kabored dito, e. " She said.

"Kaso 'di ba--ah." Hindi niya naituloy ang sinasabi at napahawak siya sa ulo.

"What happened? Are you okay?" I asked as I went to her.

"Ayos lang ako." She said.

"Ano 'yung sasabihin mo nga ulit kanina?"

"Wala, nakalimutan ko na. Hahaha. Sabihin ko na lang kapag naalala ko." She said and I just let it pass through.

It's just a one-day medical mission kaya sumunod na lang kami. Nagdala kami ng mga goods at ilang mga gamot dahil paniguradong may mga equipment naman sila doon.

Pagdating namin sa Binangonan kung saan sasakay kami ng bangka para makapuntang Talim ay naabutan pa namin silang pasakay pa lang.

"Buti nakaabot ka." Bati sa'kin ni Doc Foller at kinausap muna siya kung may program pa bang isasagawa 'pag dating sa isla.

Magkakaroon lang daw ng opening remarks at pagkatapos ay magbibigay na ng mga medical assistance sa mga pasyente.

Magsasagawa din daw sila ng feeding program para sa mga bata.

"By the way, sino 'yang kasama mo?" Tanong ni Doc Foller.

"Oh, I forgot to introduce her. She's Sean Esquires, my friend. Isinama ko na." I said at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

Hindi ko na lang pinansin kahit na alam kong may gusto siyang ipahiwatig.

Hindi ko naman din alam kung nakaabot na ba sa kanila ang nangyari sa'min ni Kesz, and besides that's months ago.

Sumakay na kami sa bangka dala-dala ang mga gamit na kakailanganin at pagkain na ipamimigay mamaya.

Buong biyahe ay tahimik lang si Sean sa tabi ko which is really unusual.

"Ayos ka lang ba?" I asked.

Tumango lang siya at ngumiti, pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa labas kung saan matatanaw na ang isla.

Makikita ang ilang mga bangka sa paligid nito at mga kabahayan na naliligiran naman ng mga puno.

Napatingin naman ako uli sa kaniya.

May masama ba sa pakiramdam niya? Dapat siguro 'di ko na siya sinama kanina pa lang na sumakit 'yung ulo niya.

Nanahimik na lang din ako hanggang sa makarating sa isla.

Unang beses ko makarating dito kaya naman namangha ako sa lugar.

You can see a lot of trees which is literally far from what you'll see in Manila.

Mayroon ng lugar kung saan nakaayos na ang mga upuan at mga mesang gagamitin para mamaya.

Nagsimula na din ang lahat. Opening remarks na sinundan ng pagpapakain sa mga bata at ang medical assistances.

Napansin ko namang giliw na giliw makipag-usap si Sean sa mga pasyenteng nag-iintay na ma-check-up.

She really has a way to communicate with people.

Napangiti na lang ako at itinuloy ang pag-check sa pasyenteng kaharap ko.

Inabot na kami nang hapon sa pag-aasikaso sa mga dumating na pasyente. Hindi ko inaasahang madami rin pala ang nangangailangan ng medical attention dito.

"Bakit hindi po kayo pumupunta as doktor kung medyo nahihirapan na kayo sa sitwasyon niyo?" Narinig kong tanong ni Sean sa isang pasyente.

"Wala pong pera ma'am, at saka malayo-layo rin po kaya tiis-tiis na lang tutal hindi naman ganoon kalala." Sagot nito.

"Nako kuya, kapag lumala 'yan paano na? Baka kung ano pa ang mangyari sa inyo, kaya pupunta po kayo sa doktor kapag kailangan ha?"

"Eh ma'am wala nga pong pambayad, e. Pero sige po kapag kinailangan talaga, pupunta ho ako."

"'Yaan mo kuya, kapag may time pupunta ako dito para matulungan kayo." She smiled to him.

"Pupunta kami ulit." I said.

"Maraming salamat po, Doc at Ma'am."

"'Wag mo na nga akong tawaging ma'am, kuya. 'Di naman ako teacher. Sean na lang ho." She said.

Napatingin ako sa kaniya.

Kanina no'ng tinawag siyang 'Doktora' nung isang pasyente, nagulat siya at ang sabi niya ay hindi siya doktor.

Kaya naman tinawag siyang 'ma'am' pero napansin kong hindi siya mapakali nung tinatawag siyang gano'n.

Hindi na 'ko nagulat na sinabi niyang Sean na lang ang itawag sa kaniya.

She finished her studies, even though she didn't took that board exam.

But it seems she's uneasy being recognized as a professional or something.

This girl... Is she really that down to earth?

Nang matapos na ang lahat ay nagdaos ng isang boodle fight an inihanda ng mga taga-isla.

Tinawag ang lahat ng mga tumulong para kumain sa isang mahabang mesang puno ng mga seafoods, kanin, at manggang hilaw.

"Let's go." Yaya ko kay Sean.

Agad naman siyang sumunod matapos niyang ayusin ang gamit niya.

Kumain na ang lahat ngunit ng malapit ng matapos ay biglang bumuhos ang ulan.

Kanina ko pa napapansing makulimlim at malamig ang simoy ng hangin kaya hindi na ako nagtaka.

Sumilong ang lahat sa mga kabahayan na malapit sa'min.

"'Yun pala ang nakalimutan ko kanina." Biglang sabi ni Sean.

"Huh?"

"Nakalimutan kong sabihin na may tropical storm nga pala." She said.

"Akala kasi namin ay hindi matutuloy ang pag-ulan dahil maaliwalas naman kaninang pagpunta natin." Sabi ni Doc Foller.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Mas mabuti siguro dito na muna kayo magpalipas ng gabi. May mga ilang kabahayan naman na maaaring magpatuloy muna sa inyo." Sabi ni Kap Ted.

"Siguro nga ay 'yon ang mas mabuti." Sagot naman ni Doc Foller.

"Delikadong sumakay ng bangka dahil maulan. Dito na tayo magpapalipas hanggang sa tumila-tila ang ulan." Dagdag pa niya.

I guess we're really spending our night here.















Between those Pages ||COMPLETED||Where stories live. Discover now