Chapter Seven
"G-ago ka!" I shouted as I punch him.Hindi siya pumalag. Hinayaan niya lang akong sapakin siya ng sapakin.
"S-hit Seb! Tama na!" Kesz cried while trying to put me away from Drei.
Pero hindi ko siya hinayaang mailayo ako sa kay Drei.
"Get dressed Kesz! 'Wag mo nang tangkaing pigilan ako kasi hindi mo ako mapipigilan pa!" I shouted at her but she still stood there, crying.
"I said f-ucking get dressed!" Sigaw ko ulit sa kaniya, at unti-unti niyang pinulot ang mga damit niyang hinubad niya kanina.
"At ikaw! Ang kapal ng mukha mong hayop ka!" Sinapak ko ulit si Drei.
Putok na ang labi niya pati na ang kilay at ilong niya, but I didn't want to stop.
Hinihingal na 'ko nang bitiwan ko siya. Nakita ko si Kesz na lumabas nang nakabihis na.
Hinila ko siya sa pala-pulsuhan at hinatak papalabas ng condo unit ni Drei. Umiiyak pa din siya. Nakakabadtrip.
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay umiiyak pa rin siya at sinusubukang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Get off me!" She hissed.
At binitiwan ko nga siya.
"Bakit parang ako pa ang lumalabas na may kasalanan dito?! Ha Thalia Kesz Cuerva?" I asked, trying to sound calm but my voice failed me.
"Dahil ikaw! Ikaw nga ang may kasalanan!"
What the hell? Paano ko naging kasalanan kung silang dalawa 'tong gumagawa ng milagro?
"That's bulls-hit! I've been nothing but a good boyfriend to you! Tapos ako pa?! Ako pa talaga?!"
"Pwede bang mag-usap naman tayo nang maayos?! How could I explain if you're like that?!" She asked.
"Like what? Angry? Shouting? Bakit ano bang gusto mo? Magpa-party pa ako dahil nahuli ko kayong dalawang may ginagawang milagro?!" I said then she slapped me.
Napatigil ako. Nanahimik. Mukhang nareyalisa din niyang nasampal niya ako.
"Mas mabuti sigurong mag-usap na lang tayo kapag kalmado na 'ko." I said walk away.
"I'm breaking up with you." I heard.
Wow.
Napalingon ako sa kaniya nang bahagya dahil sa sinabi niya. Gano'n na lang pala kadaling itapon ang five years.
"Do you know the reason why? I'm choosing Drei over you!" Pagpapatuloy niya.
I didn't want to hear another word coming from her mouth but it seems like my feet are nailed to the ground.
"You have your petty assistant right? Hindi pwedeng ako lang ang maiiwan mag-isa."
Tuluyan na akong napalingon at lumapit sa kaniya.
"Don't you dare include Sean in this conversation." I seriously said.
Wala siyang kinalaman dito, kaya't bakit niya isasali ang isang taong walang kasalanan?
"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang magkaroon ng iba? Well, hindi ko hahayaan na ako... " She trailed then point her finger on herself.
"Iiwan mo lang." She finished.
"Drei was the best option. Kasi gusto niya 'ko. So I better get that opportunity right?" She smirked.
Nababaliw na ba siya?
"And besides, siya lang ang pumupulot sa'kin whenever I feel that I'm worthless.
"When we have that dinner na sinabi kong pupunta 'ko sa hospital? I really went to Drei. No'ng nag-away tayo after we had our family dinner? I also went to him.
"Kanina, nung nalaman 'ko na after nating mag-away, nag-date pa kayo sa coffee shop nung assistant mo? I went here. Then that happened, you saw us." She shrugged.
"'Yun lang ang dahilan mo? We weren't dating for heaven's sake! Kailangan niya ng kaibigan kaya ako nandoon!"
"Oh really? Well I don't care! You have her, I have Drei! And we're breaking up!"
Tinalikuran ko siya nang hindi ko na sinagot ang sinabi niya.
"Did you hear me?! I said were breaking up!"
Huminto ako at bumuntong-hininga. Ano bang gusto niyang gawin ko pa? Lumuhod? Magmakaawa? I'm not that immature.
"Okay." I said.
"'Yun lang? You're just okay with that?!" I looked at her, confused.
"I said okay. Like you said, we're not kids anymore. Mukhang alam mo naman ang ginagawa mo. Then fine, break na tayo." I said as I enter my car.
Nasaktan na niya 'ko, pati ba naman pride ko kukuhanin niya? Bakit, ano bang inaasahan niyang gagawin 'ko?
Ang pigilan siya?
Kung ganon lang kadali para sa kaniya itapon ang lahat nang pinagsamahan namin, bakit ko ikukulong ang sarili ko doon?
Ang sakit. Hindi ko maipinta kung gaano kasakit. Para akong binaril sa likod nang hindi ko alam kung anong nangyayari.
I drived and drived. Hindi ko alam kung saan pupunta.
Sa condo ko? Ako lang mag-isa doon and I didn't want to feel alone.
Sa club? I don't drink any kind of liquor except wines and I hate crowded places.
I fished my phone inside my pocket, pero sino namang matatawagan ko?
'Yung kaisa-isa kong kaibigan, sinulot pa 'yung girlfriend ko. Grabe, nakakatawa.
Bakit hindi ko man lang nahalata? Bakit parang ako lang ang walang napansin?
Kaya pala gano'n na lang ang pagkabog ng dibdib ko kanina, may makikita pala akong kahayupan.
I never expected this coming. Drei and Kesz? It never crossed my mind.
Siguro tama 'yung sabi nila na kung gaano ka katalino sa isang bagay, ganoon ka din katanga sa pag-ibig.
Patuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa madaanan ko ang Brix's.
Nahagip ito nang mga mata ko pero nalagpasan ko na. Babalik sana ako pero naalala kong magsasara rin ito pagsapit ng gabi.
I want somewhere wherein I could stay for the night.
I want to divert my mind into something, para hindi ko maisip ang mga nangyari at nakita ko kanina.
Then I stopped at a 7-Eleven. It's near Sean's condo. Gusto ko sana siyang tawagan pero baka makaistorbo lang ako.
Lumabas ako nang kotse at pumasok sa loob. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansin kong kakaunti na lang ang tao.
Bumalik ako sa sasakyan at ipinikit ang mga mata. Naalala kong tatlong oras ang tulog ko, pero pakiramdam ko pagod na pagod na ang utak ko.
Sinubukan kong matulog pero hindi ko kaya. 'Yung nakita ko kanina at 'yung mga sinabi ni Kesz, it just flashes again and again in my mind.
And then I heard my phone beeped, meaning that I either have a text or a notification.
I opened and stared at it because of disbelief.
Eliseanna Esquires sent you a message.
![](https://img.wattpad.com/cover/216684946-288-k217324.jpg)
YOU ARE READING
Between those Pages ||COMPLETED||
Roman pour AdolescentsPages make up a book, and I can also say that these make up a story. A story that can make your heart pound, and can give a lot of realizations to your mind. ©to the rightful owner of the photo.