"Mr. Lawrence John, this is my son, Pierre Jeffrey."
"Please to meet you, Sir John."
Nakipagkamay si Pierre sa bisita ng ama. Nasa opisina sya nito dahil tinawagan sya nito na ipapakilala sya ng ama sa Amerikanong investor. Unang araw nya sa huling taon nya sa klase at inagahan nya ang gayak para daluhan ang ama at ang bisita nito. Mamaya na sya pupunta ng Bonifacio University pagkatapos non.
"Hi! So you are Pierre that Rowell is talking about. A very good looking boy and the future CEO. I heard a lot of good things about you."
Napangiti sya. Ilang beses na ba nyang narinig ang mga ganong klaseng papuri.
"It's in the genes, Lawrence." Natatawang sagot ni Rowell, ang daddy ni Pierre. Natawa rin silang dalawa ng kausap. Hinayaan lang nya ang ama at ang bisita nito na mag usap hanggang sa maisipan nyang magpaalam na sa mga ito.
"Dad, Mr. John, I have to go. I still have to check my schedules at school."
"Okay, son."
"Okay, you study hard, Pierre."
"I will. Thanks Mr. John."
Iniwan na nya ang mga ito at bumyahe na papuntang Bonifacio U sakay ng kanyang kotse. Pagpark palang nya ng kotse ay natanaw na nya ang mga babaeng tila hinihintay ang pagbaba nya. Isinuot nya ang black shades at tuluyan ng bumaba ng kotse.
"Ahhhh! Hi Pierre!" Bati ng mga ito sa kanya.
"Hi!" Ganting bati nya sa mga ito at nilagpasan na. Hindi nakatakas sa pandinig nya ang mga sinabi nito.
"Ahhh! Binati nya rin tayo! Ang gwapo gwapo nya talaga!"
Nangiti na lang sya sa narinig. Maging sa school ay ganoong compliments pa rin ang maririnig nya. Sanay na sya doon.
"Dude!"
"Hey!" Nakipaghighfive sya sa mga kaibigan na hinihintay sya sa tambayan nilang bench sa school.
Si Arman, ang bestfriend nya, si France, Patrick, George at ang iba pang bagong recruit nilang volleyball players sa pangunguna ni Den ang nadatnan nya doon.
"Pakiss nga Papa Pierre!" Sigaw ni Den.
"Bakla!" Sigaw ni France kay Den.
"Pre, ang pogi eh! Nakakabakla!" Sagot pa nito. Natawa na lang si Pierre. Pati ba naman mga lalaki?
Nakilala nila ang mga bagong recruit na Spikers noong summer class at ngayon nga ay opisyal na nila itong kagrupo. Sila naman ni Arman at graduating na sa parehong kurso na Business Management.
"Den, tigilan mo nga yang bola! Baka kung saan mapunta yan!" Bawal ni Patrick sa kasama dahil panay ang paikot at patalbog nito sa hawak na volleyball.
"Eto saluhin mo!" Sigaw ni Den at biglang inihagis kay Patrick ang bola. Nagulat si Patrick dahil sa biglang paghagis ni Den at sa halip na masalo nya ito ay naiwasan nya ito.
"Ulol!" Sigaw ni Patrick.
"Aray!"
Sabay sabay silang naglingunan sa tinunguhan ng bola. Narinig kasi nila na may sumigaw na babae.
"Miss!"
~~~~~~~~~~
Takbo si Sasa palapit sa babaeng nabuwal sa harap nya dahil tinamaan ng bola. Tinulungan nya itong bumangon at hawak nito ang noo na ngayon ay namumula dahil sa tama ng bola.
"Miss, miss okay ka lang?"
Nilingon sya ng babae. Hindi ito gaanong makadilat.
"O..oo okay lang ako. Salamat."

BINABASA MO ANG
My Fate is You
Storie d'amoreAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)