9| Alak

18 1 0
                                    

"Sabi ko naman sa 'yo, pabayaan mo 'ko."

Lunod na sa alak nang madatnan ni Travis ang estrangherong-kilala-pero-di-ang-pangalan. Sa bawat buga nito, parang malalasing rin siya sa amoy. Nang nasa biyahe, pinipilit pa rin nitong magsalita.

Ayaw daw nitong umuwi kasi siguradong masasabon ito sa tita nito. Sasabihin na naman na pare-pareho ang mga lalaki at lahat ng kabitteran na pinamudmod nito mula pa pagkabata. Tapos, panigurado, may viral video na naman—yung eskandalo kanina sa harap ng SM Molino nang makita nito si Jacob. Gusto daw muna nitong magpalamig, makalimot—tulad rin ng ginawa ni Jacob.

Natigilan si Travis nang makarating sa gate ng Evergreen. Saan sa malaking village na ito niya dadalhin? Kung kelan pa kailangan niya ang kadaldalan ng babae, doon naman ito tulog—o nagtutulug-tulugan. Hindi na ito sumasagot nang itanong niya kung saan ito nakatira.

Natuon siya sa bag ng babae. Kinuha ang cellphone. 15 missed calls galing kay MAMA MAYLABS. At tumawag ulit. Pinindot ni Travis ang "Accept" button.

"Hoy babae! Ala una na! Naghanda-handa pa kami para sa birthday mo tapos hindi mo naman pala kami uuwian. Saang lupalop ka na naman dinala ng Jacob na 'yan?" singhal agad ng babae sa kabilang linya.

Klinaro ni Travis ang lalamunan. Pumustura na para bang kaharap na niya ito. "Hello po, kaibigan po ako ni....Ni..."

Napabuntunghininga na lang si Travis.

"Sino 'to?" kalmadong tanong na ng ginang.

"Si Travis—"

"Nasaan si Samantha?"

Samantha. Samantha pala ang pangala---

"Excuse me, nasaan ang anak ko?" tanong nito, tumaas na ang boses.

"Ah, nandito po kami sa gate ng Evergreen. Puting sasakyan. KIA."

"Sige, papunta na kami."

Natapos ang usapan. Ibinalik ni Travis ang cellhone sa bag. Akala niya tumawag ulit, iyon pala humihilik lang ang babaeng katabi, si Samantha.

"Happy Birthday, Samantha," sabi ni Travis. Mukhang mahimbing ang tulog nito at hindi rin siya maririnig, At kung marinig man, lasing na para maalala pa lahat kinabukasan.

"P-pangit ba 'ko?" biglang tanong nito, pero nakapikit pa rin.

"Bakit mo naman natanong?"

"Basta," mahinang sabi nito. "Maganda ba 'ko?"

Ngumiti na lang si Travis. Hinawi ang buhok ng babae na tumatakip sa mukha nito. "Hindi ka man sapat sa kanya, para sa 'kin, ikaw ang pinakamaganda."

"I love you," sabi nito. Natigilan si Travis. "Jacob. M-mahal na mahaaal...."

Ilang minuto lang, kinuha si Samantha ng mama nito—ito siguro yung tita na kinikilala na niyang nanay. Si Tita Pilita. Mukhang masungit. "Salamat iho", iyon lang ang sabi nito. Napabuntunghininga na lang si Travis habang hinahabol ng tingin ang kotseng daladala ang wala ng kamalay-malay na si Samantha.

Sana Happy EndingWhere stories live. Discover now