Sinimulan ni Samantha ang kanyang umaga sa pagkakalkal ng mga "basura" sa kaniyang kwarto.
Kinatok kasi siya ni Sally kagabi tungkol sa Garage Sale nito ngayong umaga. Pandagdag kita para sa pag-uwi nito sa probinsiya.
Una niyang binuksan ang aparador. kinuha ang little black dress na niregalo ni Jacob noong first anniversary nila. At ilan pang mga damit na sinuot niya sa mga okasyong dinaluhan nilang magkasama. At mga damit na binili ni Jacob para sa kaniya sa tuwing makikipagbati ito sa aso't pusa nilang pag-aaway. Pati teddy bear. At aso na nagsasabi ng I love you sa tuwing iha-hug. Kuwintas na silver-silveran at yung mga nasasangla. Pati couple shirts.
Nang mapagod ay umupo siya sa kama, nakatuon sa balikbayan box na punong-puno ng mga bagay na minsan niyang pinahalagahan, pero ngayon ay sinusumpa niyang wala na siyang pake. Tila buong buhay niya ang nakatambak sa kahon. Pati siya, naka-kahon. Pero ngayon, pinili niyang gumapang, umakyat palabas sa kahon na nilulunod siya ng mga alaala. Kung nakaya ni Jacob sabihing "Ayoko na" bakit hindi niya rin kakayanin? Kung si KC nga nakayanan ang break up nila ni Piolo.
Maluwag na ulit ang kwarto. Para na ulit itong kwarto sa tuktok ng kastilyong itinayo niya tatlong taon ang nakakalipas.
Nagtungo siya sa veranda, lumanghap ng sariwang hangin. Banda roon, tatlong taon na ang nakakalipas, nakatayo si Jacob, sinisigaw ang nakamamatay na "mahal kita." Banda dito tumayo si Sam. At pagkalipas ng tatlong taon mula nang maging sila ni Jacob at kahit wala na ito, kahit bumalik pa ito, at kung sakaling may bagong dumating, dito pa mananatiling nakatayo si Samantha. Hindi na siya tatalon. Hindi na siya bababa. Hindi na niya susuungin ang lahat, masunod lang ang puso niya.
Kahit kelan, hindi nagkamali ang kaniyang utak.
Kaya kahit nakabukas ang pinto at bintana, nakakatiyak siyang naka-kandado ang puso niya—gaya ng dati.
"Good morning," bati ni Mama sa kaniya nang matanaw siyang bumababa sa hagdan. Pinaghahanda nito ang kapatid niyang si Sofia ng almusal.
"Good morning rin," nakangiting sagot ni Sam kasabay ng pag-upo sa tabi ng kapatid. Inilapag niya ang hawak na cellphone sa mesa.
"Ang aga mong magising ate," sabi nito. "6:30 pa lang."
"At malapit nang mag-alas siete at male-late ka na kaya bilisan mo na'ng kumain."
Nakisali na rin si Mama sa mesa. Ngumiti si Sam. Tignan mo nga naman si Mama, cool lang. Hindi nase-stress sa lovelife. Sa edad na 50, may gana pang magkulay ng buhok at mag mani-pedi. Single at walang ganang maki-mingle. Dahil kuntento na siya.Ang happiness talaga pinipili, hindi inaasa sa iba.
"O, natulala ka na diyan?" tanong ni Mama sa kaniya.
"Wala po," sagot niya. "Nakaka-miss lang yung ganito, yung sabay tayong mag-aalmusal." Madalas kasi, lalo na noong sila pa ni Jacob, na-aalibadbaran na si Sam kay Mama, lalo na sa mga sermon nito sa umaga. Kaya hindi na rin siya sumasabay kumain dahil masisira lang ang araw niya. Pero ngayon...
Tumunog ang cellphone—tumatawag si Travis.
"G-good morning," bungad nito sa kanya. "Gising ka na?"
Dumistansiya si Sam sa dalawang pares ng matang nakatingin sa kanya. Nagtungo siya sa sala, pero tanaw pa rin ng ina at kapatid na hinihintay siya sa hapag-kainan. "Napatawag ka?"
"W-wala. Kinakamusta ka lang," sagot nito. "Hindi ka ba nagka-lagnat? Basang-basa ka kasi sa ulan kahapon."
"Okay lang ako," tugon ni Sam. "Siya nga pala, baka daanan kita sa unit mo. Isasauli ko yung pinahiram mong tshirt." Yung tshirt na pinangpalit niya sa basang-basa niyang damit.
"Ay hindi na kelangan. Dadaanan na lang kita sa salon," sagot agad ni Travis. "May Art Camp kasi kami sa school sa tapat ng District mall."
"Yung school sa harap ng shop ko? Little Champions?"
"Yun nga. Daanan na lang kita."
"Okay. Sabay tayo mag-lunch."
Nagbalik siya sa pagkain.
"Akala ko ba suko ka na kay Jacob?" taas-kilay na tanong ni Mama sa kanya.
"Ma, hindi si Jacob 'yun," tugon niya, sabay higop ng lomi.
"Kung hindi si Jacob, sino na naman?" tanong nito.
"Bagong kaibigan."
"Ito ba yung naghatid sa iyo...."
"Siya nga po."
Napahalukipkip si Mama. "Puwede bang manahimik ka muna at magpahinga? Bakit ba hindi mo kayang mag-isa?"
Natigilan siya.
"Nakakayanan mo, nakakasanayan mo ng lagi kitang pinagsasabihan. Pero hindi mo kaya na walang lalaki sa tabi mo," dugtong nito. "Para kang mauubusan."
"Mama? Ganyan ba talaga tingin mo sa 'kin? Malandi? Uhaw sa pagmamahal?"
"Saan pa bang anggulo kita titignan? Ano ba dapat ang isipin ko?"
"Ma, si Jacob lang naman ang unang lalaking pinatapak ko sa bahay. Si Jacob lang naman yung minahal ko."
"Mula nang dumating si Jacob sa buhay mo, nasira na tayo. Nag-iba ka na."
"Kasi imbes na intindihin niyo 'ko, eto na naman tayo—paulit-ulit na lang tayong nagtatalo," paglilitanya ni Sam. "Magkaibigan lang po kami ni Travis. At hindi siya tulad ni Jacob. Hindi rin siya tulad ko. Masyado siyang mabait, fragile, at ayokong mangyari sa kanya ang nangyari sa amin ni Jacob."
YOU ARE READING
Sana Happy Ending
ChickLitMay kuwentong true-to-life. May kuwentong sana totoo na lang. Kwentong ikaw lang ang may alam. May kuwentong matagal ng tapos. At kuwentong dinugtungan para lang masaktan ulit. May kwentong tinapos bago magsimula. May kuwentong sana wala ng katapusa...