Nitong umaga ng Linggo, isinilang ang bagong Travis.
Bagong laba ang mga damit. Bagong palit ang punda at bedsheets. Bagong linis ang banyo. Bagong linis ang buong condo unit. Bagong pagkain sa ref at cabinet, bawas nga lang ang sitsirya at inumin kahapon dahil kay SAMANTHA.
Nag-ayos siya. Ningitian niya ang sarili sa salamin. May igagwapo pa pala siya. Parang katropa lang niya si Piolo Pascual at Orlando Bloom. Mas lalo nang maghilamos at nag-Facial wash na bagong bili ni Samantha. Tinapon niya na rin ang toothbrush na isang taon nang di napapalitan. Lahat ng gamit bago, galing kay Samantha. Isinuot ang bagong polo shirt—ocean blue ang kulay. Bagong pantalon—nakakapanibago dahil hindi ito maluwag, at medyo hapit. Pero sabi ni Samantha kahapon, yun daw ang uso, yung medyo hapit. Yung fit sa katawan. Isinuot ang bagong sapatos, loafer daw tawag.
Satisfied siyang umalis ng Room 555. Nagtungo siya sa coffee shop sa ground floor ng condo para doon na mag-almusal. Tinatamad siyang magluto.
"Excuse me. Can we talk?"
Natigilan si Travis sa pagkain ng pancake nang may magsalita sa harap ng mesa niya. Lalaki, ka-edad niya rin siguro. Napansin niyang parehas sila ng hairstyle. Asul din ang polo shirt nito. Kelan pa siya natigilan para suriin ang panlabas na kaanyuan? Natigilan lang siya dahil parang parehas sila ng outfit ngayon.
"I'm Jake. I'm the owner of this shop," sabi nito kasabay ng pag-upo. "Artist ka di ba?"
Tumango si Travis.
"Buti. Akala ko kasi nagkamali ako. Nanibago kasi ako sa ayos mo. 'Kala ko ibang tao," sabi pa nito.
Lalong hindi nakapagsalita si Travis. Compliment ba 'yon o—
"Well, you look great, baka na-misinterpret mo kanina."
Tipid siyang ngumiti.
"Siya nga pala, nandito ko to ask you a favor. Hindi lang ito ang unang beses na nakita kita. Mga pang-apat o pang-lima. Nakikita minsan na may dala-dalang illustrations, painting. Sabi ng barista ko, artist ka raw. Minsan nakikipag-meet up ka sa mga client for different book projects. Saktong nag-iisip ako kanina ng surprise, at nakita kita."
"So, anong maitutulong ko?"
"A month ago, I dated a girl. It's a double date," panimula nito. "Sabi ng kaibigan ko, siya yung babaeng hindi pa nakakamove on sa boyfriend niyang namatay nine years ago. Imagine, ang tagal. Alam mo yung feeling na, ngumiti siya? Feeling ko, achievement yon. It was the best day ever—nanood kami ng sine. Kumain sa resto. Nasundan ng date sa Enchanted Kingdom. Stargazing . For 3 consecutive days, I felt something special. It's like, we have a connection. Alam ko sa sarili ko na I want her for the rest of my days. Pero kahapon lang, nagalit siya sa 'kin, pero pilit 'kong nagpaliwanag. But she was not convinced. Para bang sinara na niya yung puso niya't tinapon lahat ng pinagsamahan namin. Siguro nga, wala lang sa kanya yung mga araw na 'yun, pero sa kin, mahalaga iyon. I want to win her back..."
Habang nakangiting nagsasalita ang lalaki, habang inilalabas nito ang mga alaala na posibleng magbigay ng ideas para sa proyekto, unti-unti ring lumilinaw kay Travis ang gumugulo sa isipan niya kaninang madaling araw. Bakit ikakahiya niya ang nararamdaman? Sa kliyenteng ito, hindi siya nag-iisa. Normal pa rin siyang tao, kahit nakakaramdam siya ng mahiwaga na hindi niya maipaliwanag.
"Magpapagawa ako ng paintings, na nagpapakita ng mga masasayang alaala namin..."
Masayang pag-uusap sa resto. Yung pinanood nilang That Thing Called Tadhana. Rio Grande sa EK. Stargazing sa Nuvali. Streetfood.
"Teacher siya at nabanggit niyang mahilig siya sa paintings. Lalo na yung heartwarming, yung parang may kuwento. Ayaw niya ng abstract."
Matapos magdiskusyon tungkol sa Operation: Win Her Back, nagpalitan sila ng numero, nag-set ng deadline (Feb.20, Friday para sure na hindi busy ang babaeng sosorpresahin). Nag-kamayan at tinapos na rin ni Travis ang pagkain.
Sabik siyang matapos lahat ng dapat gawin ngayong araw. Meron siyang bibisitahin.

YOU ARE READING
Sana Happy Ending
Romanzi rosa / ChickLitMay kuwentong true-to-life. May kuwentong sana totoo na lang. Kwentong ikaw lang ang may alam. May kuwentong matagal ng tapos. At kuwentong dinugtungan para lang masaktan ulit. May kwentong tinapos bago magsimula. May kuwentong sana wala ng katapusa...