15| Alamat

23 1 0
                                    

Kanina pa si Travis daldal ng daldal habang nagpipinta sila ni Sam.

Tungkol sa pamilya niya sa States, sa ate niyang doktor at sa kuya niyang engineer at sa tulad niyang pintor/ilustrador. 

Kung paanong nakayanan niyang mag-isa kahit aburida siya minsan sa buhay niya.

Kung anong ginagawa niya pag parang tuyo ang utak at uhaw siya sa inspirasyon para sa isang proyekto. Na sa ref niya, hindi mawawala ang chocolate dahil stimulant niya ito. Na dapat uminom ng 2 glasses of water pagkagising sa umaga, isang baso bago kumain, isang baso bago maligo at isa pang baso bago matulog. Pero panay tango lang ang babae, kasabay ng pagduyan sa paintbrush.

Pinagmasdan niya si Sam. Parang kamay lang ang gumagalaw. Ang mata, tulala. Tila tinangay ng hangin ang diwa.

"Sam?"

Klinaro niya ang lalamunan. "SAM?"

Natigilan ito. Lumingon sa kanya. "Ha?"

"Nandiyan ka pa ba?"

"Ay wala. Aparisyon ko lang 'to," sarkastikong tugon nito, mahinang tumawa.

Pilit na ring tumawa si Travis. "P-para kasing...parang malayo ang isip mo kahit...kahit katabi lang naman kita."

"Ayan ka na naman sa mga salita mo," sabi nito kasabay ng pagngisi. "Makata-Travis!" Kinuha nito ang kahon ng cookies na nakapatong sa mesa. "Wala kang balak kainin 'to?"

Binuksan ni Sam, kumuha ng isa. Kumuha rin si Travis ng isa pero bago isubo, may naalala. "Sam, kilala mo si Jake?"

"Si Jacob?"

"Si Jake—yung kausap ko kanina," sagot ni Travis. "Nakita kita kanina, parang kaharap mo siya. Kilala mo?"

Bumuntung-hininga ni Samantha sa halip na sumagot. Umiwas ng tingin—itinuon ang mga mata sa canvas na pinintahan nito ng bahaghari.

"Siya si Jacob. Everybody calls him Jake. Pero ako, Jacob ang tawag ko. Para kahit nakapikit siya, o kahit maraming tao sa likuran niya, alam niyang ako ang tumatawag sa kanya," sabi nito matter-of-factly. "Pero minsan, pag kami lang, siyempre babe tawag ko. O di kaya mahal. O honey. O daddy..."

"Ang dami naman."

"Kahit madami pa yang terms of endearment, alam niyang ako lang 'yon no."

"P-pero teka...Boyfriend mo si Jake?" gulat niyang tanong.

"Si Jake ay si Jacob na ex ko," sagot nito. "Siya ang dahilan kung bakit wasak ako no'ng Valentine's. Kung bakit ginusto kong mamatay na hindi man lang inisip kung ayaw ko na ba talagang mabuhay."

Nagpatuloy magpinta si Sam.

"3 years din kami. Para sa taong naniniwala sa sumpa, para sa taong hindi naniniwala sa forever, achievement yung 3 years na 'yon. Kala ko nga noon hanggang weeksary lang kami," kuwento nito. "Pero matagal rin kami. Hanggang sa siya na naging buhay ko. Hanggang sa naging oxygen ko siya. Hanggang sa maniwala na 'kong hindi ko kaya pag wala siya. Hanggang sa nauhaw ako sa pagmamahal niya na pinagtiya-tiyagaan ko yung mga cool-off cool-off, basta wag lang siyang tuluyang mawala. Hanggang sa sinisigurado kong babalik siya sa kin bago matapos ang three-month rule. Pero minsan, kahit 5 months na walang paramdaman, basta kumatok siya, tinatanggap ko pa rin. Kasi nga, kahit buhay ako't humihinga, patay na patay ako sa kanya."

-♥-

Noong unang panahon, nagtayo si Samantha nang napakataas na kastilyo sa tuktok ng Bundok Tralala upang makita ang lahat ng tao, at tingalain ng lahat ng tao. 

Sana Happy EndingWhere stories live. Discover now