20| HANGING BRIDGE
"Sigurado ka na ba talaga?"
Natawa si Sam sa seryosong mukha ni Travis bago sila bumaba ng kotse nito. Natatanaw niya rin si Jacob na naghihintay sa kanilang dalawa sa mesa, abala rin sa laptop nito. Sa tabi nito, may frappe at doughnut.
"Wala naman akong choice kundi mag-move on, Travis," sagot niya. "Sasamahan mo naman ako di ba?"
Tumango ito. KInuha nito ang painting na nakabalot sa diyaryo na naghihintay sa compartment. Ngumiti pa ang guard at ang barista kay Sam. Dati, parang pangalawang bahay niya yung coffee shop. Mas matagal pa siyang tumambay dito kesa sa salon niya.
"Good afternoon," bati ni Travis kay Jacob, as usual, tipid ang ngiti.
Lumingon si Jacob. "Good afternoon din," sagot nito kay Travis, kasabay ng pagkumpas ng kamay banda sa bakanteng upuan, senyales na umupo sila. "Hindi mo naman sinabi na kasama mo si Sam. I'll get her a drink."
"Hindi," agad na sabi ni Sam. "Hindi rin naman kami magtatagal."
Hinintay muna ni Jacob makaupo sila, tsaka ito nagtungo sa barista.
"Nakaka-miss lang," bulong niya kay Travis. Ngumisi lang ito. Hindi nabilang ni Sam kung ilang segundo siyang nakatulala kay Jacob. Basta noong magtama ang paningin nila, agad siyang umiwas ng tingin. Nag-Facebook—at status pa talaga ni Jacob ang unang post sa newsfeed: PREPARING FOR A ROMANTIC SURPRISE. FRIDAY NA.
Capslock para ipamukha kay Sam na excited na ito at tuloy na tuloy na sa Friday. Ngumisi si Sam, umiling. Kung alam mo lang na hindi ka type ng Lovelyn mo!
"Here it is."
Napatingin siya sa inihain ni Jacob. Blueberry shake at ang paborito niyang cupcake—yung may puting icing na binudburan ng pulang sprinklers na hugis puso. "Your favorite," nakangiting sabi ni Jacob.
"Mas gusto ko yung doughnut," sabi ni Sam kasabay ng pagpalit ng puwesto ng pagkain. Iniharap niya ang cupcake kay Travis na hindi naman tumanggi, at agad niyang kinagat ang doughnut.
Pinakita ni Travis ang painting—larawan ng dalawang taong enjoy na enjoy sa pagkukwentuhan sa coffee shop.
"Gusto ko siya," puri ni Jacob habang hinahaplos ang pintura sa canvas. "And I'm sure magugustuhan niya 'to. She loves pastel colors. Tsaka yung mga whimsical, parang surreal na scenarios. By the way, ano pa bang naisip mong gawin sa susunod na limang paintings?"
"Ikaw at siya—nanonood ng sine. Ikaw at siya, sa park. Sa ferris wheel. Sa ilalim ng payong, habang umuulan. Kagaya pa rin ng pinag-usapan natin last time."
"Oo, yun nga," tatango-tangong sabi nito. "Paki-dagdag pala yung butterflies sa park. Mahilig kasi siya doon e. Tsaka, as much as possible, sa mga paintings, lagi kaming nakatawa. Ano pa ba? Yun lang siguro. Tiwala naman akong kaya mong hilahin yung puso niya pabalik sa 'kin."
Wow. Napahigpit na lang ng hawak si Sam sa plastic container ng blueberry shake sa halip na isaboy ito sa ex na hindi man lang naisip kung masasaktan ba siya sa mga pinagsasasabi nito. Pero sa bagay, wala na nga sila. It's over na daw. At siya naman ang nagpumilit na sumama. At sabi niya kay Travis, okay na siya, wala siyang choice kundi mag-move on.
Kinuha ni Sam ang frappe na hawak ni Travis. Siyempre natigilan si Travis—tumingin sa kanya, ang mga mata'y nangungusap ng "Anong trip mo?" Ngumiti lang si Sam at sumipsip sa parehong straw na ginamit ni Travis, sabay sulyap kay Jacob na nakatingin rin sa kanya. O, ano, 'kala mo ikaw lang ang sweet? Kami rin no! sigaw ni Sam kay Jacob—sa isip.
YOU ARE READING
Sana Happy Ending
Genç Kız EdebiyatıMay kuwentong true-to-life. May kuwentong sana totoo na lang. Kwentong ikaw lang ang may alam. May kuwentong matagal ng tapos. At kuwentong dinugtungan para lang masaktan ulit. May kwentong tinapos bago magsimula. May kuwentong sana wala ng katapusa...
