5| Pangeeet

16 2 0
                                    

"Pangit ba ko?" tanong ni Samantha sa lalaking katabi nito. 

Kapwa sila nakasandal sa sasakyan habang umiinom ng bottled juice. Nakaparada pa rin sila sa tabi ng talahiban kung saan siya nag-inarte; nakatanaw sa mga nagdaraang sasakyan.

Tinignan siya ng lalaki. Parang blanko lang itong tumingin sa kanya ng ilang segundo, tapos binalik ang tingin sa kalsada. "Beauty is in the eye of the beholder. Sa mukha ng iba maganda ka, sa iba pangit," sagot nito. "Ubusin mo na yan at aalis na tayo."

"Naranasan mo na bang... magmahal?" tanong ulit ni Sam.

"Bakit mo naitanong?"

"Basta. Naranasan mo na ba?"

"Siguro. Ewan. Parang hindi pa. Bakit mo ba kasi tinatanong?" aburido nitong tanong din sa kanya.

"Kasi...ikaw yung taong, parang walang kadrama-drama. Boring."

"Boring ako?" salubong ang kilay na tanong ng lalaki sa kanya, na para bang siya lang ang nagsabi noon. Parang umaasa rin itong babawiin niya ang sinabi.

"Oo," confident na sabi ni Sam. " Sana lang hindi ka nabuburyong sa buhay mo."

"Depende lang 'yan sa tao," nakangising sagot ng lalaki. "Masaya 'ko sa ganito, walang drama."

"Pag na-in love ka, magiging madrama ka rin," sabi niya. "Magiging senti, magiging corny. Parang ako."

"Sa totoo lang, yung tagpo kanina, yung eksena kaninang umiiyak ka, masasabi kong yun na ang pinakamadramang nakita ko."

"Halata nga. Di ka makarelate. Pag nainlove ka, mauunawaan mo rin ako."

"Alam kong pagdating sa pag-ibig, may drama. Parang teleserye. Kung gagawin mong sentro ng buhay ang pag-ibig, puro kadramahan talaga," umiiling na sabi nito.

"Gano'n naman talaga dapat. Love is the root of everything. Love is not the center of life. Love is life. To live is to love—to love you, your beauty and flaws, your failure and success, your fears and dreams, your family and friends, the people you'll meet..."

"Sabihin mo 'yan sa sarili mo. To live is to love," nakangising sabi ng lalaki.

"To live is to love," pag-uulit ni Samantha. "Alam ko naman yun. Kaya nga 'ko nagpakamatay e. Kasi ayoko ng mabuhay. Palpak ang pag-ibig ko at madadamay buong buhay ko. Lahat-lahat."

"Yun nga ang sinasabi ko," sabi ng lalaki, tonong nagsesermon."Kung anong meron ka, wag mong ibuhos lahat sa lovelife o kung sinumang iniibig mo. Para 'pag umalis siya, parang nagpaalalam ka lang sa bisita sa bahay. Kumpleto ka pa rin. Kumpleto pa rin ang buhay mo. Puso mo lang ang apektado, ang wasak. Pag binigay mo kasi lahat at bigla kang iwan, pakiramdam mo nawalan ka ng kutsara, tinidor, damit, ilaw, sofa."

"Anong alam mo, e hindi ka pa nga nagmamahal? Tsaka, alam mo ba ang buong kuwento?"

Katahimikan.

"May girlfriend ka?" tanong ni Sam.

"W-wala."

"Sabi ko na nga ba," sabi niya kasabay ng mahinang pagtawa. "Parang hindi ka pa rin nakaka-move on sa past relationship."

"Hindi pa 'ko nagkaka-girfriend," kaswal na sabi nito, hindi naman nahihiya o nalulungkot sa confession na 'yon.

"Seryoso?" taas-kilay na tanong ni Samantha.

"Kelan ba ko nag-joke?"

"Seryoso? No girlfriend since birth ka? Ilang taon ka na ba?"

"26."

Doon nanlaki ang mga mata ni Samantha sa gulat. "26 at never nagka-jowa? Masama na ito. "

"Bakit ba kung magsalita ka parang hindi pa 'ko natuli? Alam mo yun...parang, isang malaking problema at kahindik-hindik na bagay pag hindi ako nakanap ng karelasyon sa edad kong 'to. Hindi necessity ang lovelife. Hindi lahat nang nag-iisa, malungkot. At hindi lahat ng may karelasyon, masaya. Masaya ako—noon, ngayon, at kailanman. Ikaw, halos mabaliw ka na dahil sa lovelife."

Gusto niyang kutusan ang lalaki. Madali lang naman kasi magsalita pag hindi brokenhearted. Pinagmasdan niya na lang ito habang nagrarason—ang itsura, ang pangangatawan, pananamit—ulo hanggang paa. At kung bakit wala pa itong lovelife, alam na ni Samantha.

"Ganiyan ka na ba talaga eversince?" tanong niya sa estrangherong hindi pa nagkaka-lovelife sa edad na 26.

"A-anong ganiyan?"

"Ganiyan. Dugyot. Parang stressed. Parang laging bagong gising. Naghihilamos ka ba?"

"Nang-aasar ka ba?"

"Sinasabi ko lang ang totoo," sabi niya kasabay ng pagkrus ng braso. "Nagsasalamin ka ba? Ang dull ng face mo. Ang haba ng buhok mo. Nagfa-fly away, parang kay Wat-si-Lei. Hindi lang mukhang malagkit, malagkit talaga. Ang baduy ng suot mo—maluwag, malaki, kupas. Hindi naman kailangan mamahalin o branded o imported, basta malinis lang. Paano ka magkakahanap ng magmamahal sa 'yo, e kitang-kitang hindi mo mahal ang sarili mo?"

"Mahal ko ang sarili ko. Masaya 'ko kung ano at sino ako ngayon."

"E hindi nga halata. Para kang thesis, kelangan pang idefend. Mas maganda yung unang kita pa lang, maganda agad yung impression sa 'yo. Tipong kahit bobo ka, tingin sa 'yo matalino."

"Matalino ako. Magaling. Hindi ko kailangang idefend 'yon."

"Kung totoong matalino ka't magaling, dapat alam mo ang makakabuti sa 'yo. Sa personal hygiene pa lang, bagsak ka na. Hindi mo ba natutunang dapat magputol ng kuko kapag mahaba na? Na dapat magsuklay? Na dapat gupitin ang buhok 'pag mahaba na para hindi natatakpan ang mukha? Na dapat maghilamos? Na ayusin ang damit sa aparador, plantsahin kapag aalis? Basic lang 'yon. Common sense."

"Close na ba tayo para sabihin mong pangit ako?"

"Hindi ko sinasabing pangit ka. Walang taong pangit, tamad lang—tulad mo."

Umalis ito sa tabi niya't binuksan ang sasakyan para magmaneho.

"Sandali," madiing sabi ni Samantha.

Nang huminto ang estranghero ay inunahan ito ni Samantha sa upuan. "Mukhang pinagtagpo talaga tayo para maging anghel mo. Pinadala ako sa 'yo para i-makeover ka. Tara."

"Ano'ng ginagawa mo diyan?" tanong ng lalaki, nakaupo na ang babaeng estranghero sa driver's seat.

"Sumakay ka na," utos niya. "Ako'ng bahala sa 'yo. Pasasalamatan mo 'ko pag katapos nito." 

Sana Happy EndingWhere stories live. Discover now