13| Eat.Paint.Love

21 1 0
                                    

"Sigurado ka'ng hindi mo kailangan ang tulong ko?" nakangisi at nanunubok na tanong ni Travis.

Confident na umiling si Samantha, kasabay ng pag-sway ng paintbrush para sabihing "Hindi."

Dinala ni Travis si Samantha sa Eat. Paint.Love. Bagong bukas na resto ito sa Kadiwa. Mga five months na, at unti-unti nang nakikilala. Kakaiba 'to sa lahat ng resto na napuntahan niya dahil bukod sa kumain ng salad at gulay-gulay, uminom ng shake at smoothies, kape at cupcake, donut at iba't ibang klaseng tinapay, meron silang art studio kung saan puwede kang magpinta.

Magpinta kasama ang taong gusto mong makasama habang kumakain, tumatawa at walang inaalala, di ba masaya?

"So, let's start!" pananabik ni Samantha. Handang-handa na ito sa suot na apron, hawak na ang palette at paintbrush.

Baliktaran ang canvas nila, bale magkaharap na magpipinta silang dalawa.

"May naisip na 'kong idrawing," nakangiting sabi sa kanya ni Samantha. Nagsimula na itong gumuhit.

Ano ba'ng magandang idrawing? tanong ni Travis sa sarili. Luminga-linga siya—nakatingin sa kanya si Mona Lisa. Sa kanan, nakatingin ang babaeng may perlas na hikaw, likha ni Johannes Vermeer. Sa isang sulok, mapanghamon ang titig sa kanya ni Van Gogh.

Ibinalik ni Travis ang tingin sa blankong canvas. At sa babaeng kaharap niya. Si Samantha, magandang likha ng Diyos. Pwe, korny na naman.

"Hay nako, Travis," sabi nito habang nagpipinta. "Wag ka masyadong ma-challenged sa 'kin. Beginner lang ako. Wag ka'ng tense." Sumulyap ito, mahinang tumawa.

Tuwid na umupo si Travis, pumustura. "Aba, naghahamon," biro nito. "Hindi ako magpapatalo sa make up artist na 'to. Linya ko 'to e."

Ngumisi ito. "Travis, hindi na bago sa 'kin ang pagkulay. Make up guru ako, illustrator ka—parehas lang tayong nabubuhay sa pagkukulay."

"Pero etong gagawin ko—" sabi ni Travis, "siguradong bibilib ka. Mas magaling ako sa 'yo pagdating dito."

"Talaga lang ha? Itong gagawin ko, siguradong....Basta. Basta magpinta ka. Tignan na lang natin kung sinong mas magaling."

Nagpinta sila.

"Travis?"

"Hmmm?"

"Kung hindi tayo nagkakilala, sinong kasama mo sa mga oras na 'to?"

"Siguro, mag-isa lang ako," agad niyang sagot. "Siguro nasa studio, o di kaya nagpipinta mag-isa sa rooftop, humahanap ng inspirasyon."

Tumango-tango naman si Samantha, pero nakatingin pa rin sa canvas. Mukhang kina-career talaga.

"Dini-distract mo yata ako e," biro ni Travis.

"Para-paraan," nakatawang sagot naman nito.

Dinalhan sila ng waiter ng blue lemonade. Inilapag sa coffee table nila. Nagpatuloy sila sa pagpinta, kapwa tahimik. Komportableng katahimikan.

-♥-

"HAPPY BIRTHDAAAY TO YOUUUU. HAPPY BIRTHDAY TO YOU...."

Natigilan si Samantha sa pagpipinta nang marinig ang malakas, masaya at nakakagulat na pagtugtog ng Happy birthday. Lahat ng tao saglit na napatigil sa ginagawa—pinagmasdan ang tatlong crew na nagmamartsa habang kumakanta kasabay ng tugtugin. Ang isa may hawak na maracas. Ang isa naman tambourine at ang huli, birthday cake.

"Happy birthday happy birthday, happy birthday to you..."

Halos mapunit ang pisngi ni Samantha nang makita ang tatlong crew sa harap niya, kinakantahan siya. Napatakit pa na lang siya ng bibig dahil parang ngiting kabayo na. Inabot ni Travis ang cake.

"Humiling ka," sabi ni Travis.

"Sana, lahat ng nangyayari sa buhay ko, at sa mga mangyayari pa, sana matanggap ko," bulong niya. Hinipan niya ang kandila kasabay ng pag-asang magiging masaya siya ngayon at sa mga susunod pang araw, taon hanggang sa mapagtanto niyang hindi mahahanap kay Jacob ang pag-ibig.

Pumalakpak ang lahat.

"So, bago natin kainin, ipapakita ko muna ang napaka-astig at napaka-ganda kong gawa," sabi ni Travis. Tinanggal nito ang canvas sa easel para iharap ang painting sa kanya.

Ang ipininta ni Travis? Siya.

Pinagmasdan ni Samantha ang sarili niyang nakalapat sa canvas—mas masaya, mas makulay.

"Eh ikaw, anong pininta mo?" tanong ni Travis. 

Sana Happy EndingWhere stories live. Discover now