What's bad for your heart is good for your art, sabi nga.
Sa panahon ngayon, konting kurot, konting kibot, hugot na.
Mas appreciative ang mga tao ngayon—hindi lang sa emotional na song lyrics o sa mga bagay na may kinalaman sa past. Dahil ngayong Valentine's, mabenta ang shop nilang Art-For-The-Heart sa SM Molino.
Umiikot at nagni-ningning ang mga mata ni Travis habang pumapasok sa shop, sinusundan siya ng babaeng sawi na sapilitan niyang sinagip.
May mga mag-jowa, mga singles, mga tropa at mag-anak na sa wakas ay bumisita at bumili sa shop nila. Pini-picture-an yung mga papel na may hugot lines na nakasabit sa fairy lights. Mahaba ang pila sa cashier—may bumili ng paintings, statement shirts na "Makakahanap Ka RIn" at "Puro Ka Hugot, Pwe"
Mabenta rin ang maliliit na cactus, sabagay masaktan ka man ng cactus pag hinawakan mo at least di ka nito iiwan. Hindi tulad niya, nang kung sinumang naisip mo. Mabenta rin ang planner, buti naliwanagan sila na kahit February na, hindi pa huli para magplano sa panibagong simula. Kahit saang sulok ng shop, merong taong nakaka-appreciate.
Sana hindi lang tuwing Valentine's nakaka-appreciate ng art ang mga tao, sa isip ni Travis. Sana hindi lang puro arte, dapat may art. Pagkatapos umiyak, sana magpinta. Pagkatapos mo siyang murahin, sana isulat mo siya. O di kaya, kung winakasan na niya ang kabanata sa paraang hindi mo gusto, hayaan mo siya. Tapusin mo na, isara na at magbuklat ka ng panibago at simulan ang bagong kwento na hindi umiikot sa kanya.
"Travis," tawag ng kasamahan niya kasabay ng pagtapik sa balikat.
"Uy Becca. Nice, mabenta ha."
"Oo nga e," sagot nito. "Napapaisip pa rin ako kung bakit. Dahil ba relatable ang mga hugot? Dahil ba maganda at affordable? Dahil ba ginawa natin yan with love?"
"All of the above," tugon ni Travis.
"Sino nga pala yung kasama mong girl kanina? Yung naka-red..."
Naalala ni Travis at agad na inilibot ang tingin para hanapin.
"There she is," sabi ni Becca habang nakaturo sa Hugot Wall—sa pader na malaya kang magsulat ng kahit ano. Pwedeng humugot, magmura, magsulat ng favorite line ng theme song niyo, maghanap ng textmate at kahit ano wag lang ihian—makatulong lang sa mga tao na maglabas ng saloobin.
Naroon siya—ang babaeng sapilitan niyang sinagip dahil ayaw magpasagip.
HINDI KA KAWALAN !
BABALIK KA RIN
Napakamot na lang sa kilay si Travis nang mabasa ang dalawang sinulat nito. Contradicting.
BIGAON! LAW-AY! MANOL! KASABAD SA IMO!
"Magsulat ka lang diyan" bulong ni Travis sa estranghero. "Wag ka aalis ah. Babalikan kita."
"Kahit wag ka nang bumalik. Hindi naman kita mahal."
"GEH."
Bitbit ang portfolio, lumabas siya ng shop, nagtungo sa resto sa 2nd floor ng SM Molino para sa naghihintay na kliyente.
-♥-
Desidido nang tumalon si Sam sa building. kanina.
Nakakatamad bumili ng blade para ipanglaslas, baka hindi rin naman siya matuluyan, indahin niya pa akirot sa epic fail na pagpapakamatay. Baka maputol lang din ang lubid at mabali lang ang buto niya. Baka ma-overdose lang siya sa lalaklaking tableta at pagkagising sa ospital, tatalakan lang siya ni mama ng "Anong nakain mo?!"
Ayaw na talaga ni Samantha. Suko na siya. Sa kakaisip kung anong gagawin sa buhay niya, o kung may rason pa ba para mabuhay, natanaw niya ang isang building. Nakaisip siya ng pinakamabisa, pinakamabilis at pinakatipid na paraan para sayangin at tapusin ang buhay na ipinagkaloob sa kanya.
Isa. Dalawa. Tatlo. Talon! Pero bigla siyang hinatak—pksht.
"PAKSHET!" sigaw niya ulit kasabay nang pagbato ng Sharpie marker sa dingding na sinusulatan niya kanina. Pksht dahil naalala na naman niya ang nangyari kanina. Pakshet dahil naalala na naman niya ang nabitin na pagpapatiwakal. Pakshet dahil naalala na naman niya kung sino ang dahilan ng lahat. Pakshet dahil in the first place, siya lang ang nagmahal. Pakshet dahil hanggang ngayon ang corny niya pa rin pag nasasaktan. Aburido siyang lumabas sa shop kung saan siya dinala ng estranghero. Yung mokong na iyon, parehas kay Jacob—dadalhin sa lugar na hindi niya hiniling mapuntahan, tapos mang-iiwan. Magkaiba lang nang lugar pero parehas nang-iwan. Denotatively, sa shop, connotatively, sa lugar nang pag-ibig at pasakit. Paksht.
"Ay, sorry," agad na sabi ng babae nang masagi siya.
Nagsimulang maglakad si Sam, hinayaang masagi ng mga tao. Bahala na kung saan siya dalhin ng bawat tulak sa likuran
YOU ARE READING
Sana Happy Ending
ChickLitMay kuwentong true-to-life. May kuwentong sana totoo na lang. Kwentong ikaw lang ang may alam. May kuwentong matagal ng tapos. At kuwentong dinugtungan para lang masaktan ulit. May kwentong tinapos bago magsimula. May kuwentong sana wala ng katapusa...