"Hindi ka kumakain ng gulay?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Samantha sa kanya.
Tniginan ni Travis ang plato. Paubos na ang manok at kanin, ni hindi man lang siya kumain ng mixed veggies. "Lettuce? Pechay?"
"Ayoko ng greens," umiiling na sabi niya.
"Kalabasa?"
"Ayoko rin."
"E pampalinaw ng mata yun e," sagot nito. "How about sitaw, bataw, patani..."
"Lahat ng gulay sa bahay kubo, ayoko."
"Paano ka naka-survive?"
"Noong bata 'ko, sapilitan akong pinapakain ng gulay. Pero siyempre ngayong mag-isa na lang ako—"
"Ngayong mag-isa ka na lang, puro noodles, itlog, de lata o pagkain sa coffee shop ni Jake," dugtong ni Samantha. "Hindi na maganda. Simula bukas, kakain ka ng gulay."
"Pera ko naman 'to kaya malaya akong bilhin ang gusto kong kainin. Okay?"
"Ipagluluto kita," madiing tugon ni Sam, parang nanay. "Hindi na tayo bibili."
Uminom siya sa halip na sumigaw ng Yes, ipagluluto ako ni Sam!
-♥-
Pagkatapos kumain ay hinatid muna ni Travis si Sam sa salon nito, sa ikatlong palapag ng mall. Tumambay muna sila sa labas, tinatanaw ang kalsada, ang mga sasakyan at ang Little Champions Learning School.
"Mukhang masaya yang Art Camp ha," puna ni Sam.
Doon naalala ni Travis ang tungkol kay.... "Sam, may sasabihin pala 'ko." Tumingin naman si Sam sa kanya. "Wag kang mabibigla."
Natatawang tinampal ni Sam ang braso niya. "Ano ka ba Travis? Nasa teleserye ba tayo? Ang OA mo."
"Nakita ko yung babae ni Jacob kanina."
Natigil sa pagtawa si Sam, pero nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya. Hindi malungkot, hindi galit. Hindi niya maipinta.
"Principal pala siya ng school na 'yan," dugtong ni Travis. "Kaya lang, parang... Kung tumingin siya sa 'kin, parang kilala niya rin ako. Parang...ewan. Hindi ko alam."
"Anong pangalan niya?"
"Lovelyn. Love."
"Pangalan pala yung Love. Kala ko term of endearment sa kanya ni Jacob," tumatango-tangong sabi ni Sam. "E ano naman? Kung sila man ang magkatuluyan ni Jacob, bahala na sila. TInapon ko na ang pake ko. Ayoko ng pulutin. Mag-move on na tayo, okay?"
Ngumiti si Travis.
"So, anong oras ang out mo mamaya?" tanong ni Sam.
"Alas-tres."
"Anong plano mo pagkatapos?"
"Yayayain sana kitang manood ng sine. Kaya lang, dahil hindi kami nagkita ng kliyente ko—"
"Si Jacob?"
"Oo. Kanina dinaanan ko siya sa shop niya, pero wala siya. Kaya ngayon ko pa lang ipapakita yung..." Yung boses niya parang radyong palakas pahina. Nag-aalangan siyang magbanggit ng may kinalaman kay Jacob.
"So plano mo'ng daanan muna si Jacob para ipakita yung painting na pinapagawa niya para surpresahin si Love?"
Tumango siya.
"Walang problema. Daanan mo 'ko mamaya. Samahan kita kay Jacob. Tapos, mag-date na tayo."
"D-d-date?"
"Friendly date. Di ba sabi mo yayayain mo 'ko mag-sine?"
"Sige. Ganoon na lang gawin natin," sabi ni Travis. "Paano, babalik na 'ko sa school." Pinagmasdan niya muna si Sam na pumasok sa salon sa harap nila. Tsaka siya umalis, sabik na matapos ang araw.
-♥-
Papasok na sana si Love sa kotse niya nang matanaw niya sa balkonahe ng ikatlong palapag ng mall si Troy. Si Travis pala. May kausap itong babae na siguradong siyang kilala niya.
"Makinig ka naman sa 'kin, Lov---"
"Wag. Mo. Kong. Matawag-tawag. Na. Love," madiin niyang sabi noon kay Jake nang sumugod ito sa bjhay niya. Paano namang hindi siya maiinis dito—manloloko pala ang lalaking pinakilala sa kanya sa double date.
Kahit kelan, hindi pinroblema ni Love ang February 14. Ano kung single siya at nabakante ng nine years? Choice niyang mapag-isa. Hindi niya ikamamatay ang kawalan ng date sa araw ng mga puso. Pero bago ang Valentine's, kinukulit siya ng co-teacher niya. Lumanghap daw ng sariwang hangin. Magrelax. Meet new people. Sa resto, kasama ni Love ang co-teacher niya. Siyang pagdating ng boyfriend ng co-teacher, kasama naman nito ang lalaking malamang ay irereto sa kanya—si Jake.
Okay naman ang lalaking 'to, napagtiyagaan niya naman ang kakornihan ng tatlong araw. Pero no'ng Valentine's day, nasangkot siya sa eskandalo. Nakita sila ng girlfriend nito na all this time akala niya'y single. Pakiramdam niya'y kabit siya. Hindi niya naisip na isang araw, masasangkot siya sa ganoong senaryo.
"Ex ko nga lang si Sam. Tapos na kami," paulit-ulit na sinabi ni Jake.
"Pero bakit umabot pa kayo sa puntong 'yun, Jake? My goodness, wala 'kong balak makipag-agawan. Bumalik ka na sa kanya."
Ginagap ni Jake ang kanyang kamay, pero pumitlag siya.
"Lovelyn, listen to me. Cool-off na kami. Eventually, sinabi ko rin na it's over. Siya lang talaga yung mapilit."
"Jake, ikaw ang makinig," madiin niyang utos dito. "Magulo ka. Cool-off, tapos it's over? Ano ba talaga? Umasa yung tao kasi nagpaasa ka. How old are you na nga ba Jake? 28. Grow up. Be a man. Teenagers lang ang gumagamit ng cool-off cool-off na 'yan. Pag ayaw mo na, sabihin mo'ng ayaw mo na. Hindi yung basta basta ka na lang aalis."
"Love, please. Wag ka'ng magalit—"
"Hindi ako galit," tugon niya. "At ayoko ng umabot sa puntong iyon. Kaya bago pa kita kamuhian, lubayan mo na 'ko. Makinig ka—IT'S OVER. Ayoko na. Wala na 'kong balak kilalanin ka pa. Kung nagawa mong iwan ang girlfriend mo sa ganyang paraan, sigurado 'kong kaya mo rin yang gawin sa 'kin pagdating ng panahon. At uunahan na kita. Ayoko na."
Akalain mo nga namang magkakilala pala si Travis at Sam? Maliit lang talaga ang mundo, lalo na ang Cavite.
Kapag nakausap na niya ang babaeng nagwala noong Valentine's, makakahinga na siya ng maluwag.

YOU ARE READING
Sana Happy Ending
ChickLitMay kuwentong true-to-life. May kuwentong sana totoo na lang. Kwentong ikaw lang ang may alam. May kuwentong matagal ng tapos. At kuwentong dinugtungan para lang masaktan ulit. May kwentong tinapos bago magsimula. May kuwentong sana wala ng katapusa...