24| Ingay

39 3 2
                                    

"Sam. Makinig. Ka."

Pinagmamasdan lang siya ni Sam. Pilit na ibinubuka ni Travis ang bibig, pilit na inilalaglag ang mga dalawang salitang nakakapit sa dulo ng dila. Pilit hinahabol ang hininga. Si Sam, walang katinag-tinag. Di kumukurap.

"S-s-s..."

"Tara na nga. Sabihin mo habang naglalakad tayo."

Tahimik niyang sinundan si Sam sa patungo sa hagdan. Pinapakinggan niya lang ang takatak ng heels nito.

"Sam. Gusto. Gusto kasi...Gusto ko...Gusto ki—"

"Ay tokwa!"

"SAM!"

Natapilok si Sam. Mabilis itong nakakapit, buti hindi nahulog. Napaupo ito sa staircase, umaaray sa paa na tila na-dislocate ang buto.

Nataranta naman si Travis—di alam kung bubuhatin ito, tatakbo't kukuha ng yelo o first aid kit o tatawag ng ambulansya. Para siyang may apoy sa puwet na pilit inaapula.

"Sam. Relax. Sam..." nakayukong sabi niya dito.

Iyak-tawa naman si Sam habang tinitignan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang-pisngi. "Ikaw ang mag-relaks. Ano ba! Di ako manganganak!"

"E ikaw kasi---Ano ba, okay ka lang ba?"

"Para kang pusang hinahabol ang sariling buntot," sabi nito, pigil ang tawa. Pero biglang umaray na naman sa paa.

Sinabit ni Travis ang paper bag sa braso at walang salita, binuhat niya si Sam na para bang bagong kasal silang dalawa.

Agad namang napakapit si Sam sa leeg ni Travis. Nanahimik din ang una, siguro dahil sa sakit na nararamdaman. Ang huli naman, tahimik naman talaga simula't sapul.

Malapit na sila sa parlor. Hahayaan niya bang matapos ang pagkakataong 'to? Hindi puwede. It's now or never. Game.

"GUSTO KITA."

Sa wakas, nasabi rin niya! Achievement unlocked para sa tuod na tulad ni Travis Bahaghari! Nasabi rin niya ang di maamin—kasabay ng pagkulog at pagkidlat.

"A-ano ulit?" tanong ni Sam, ang kamay ang nakatakip sa magkabilang tenga. "Nagulat ako sa kulog e."

Nanlambot si Travis na halos mabitawan niya si Sam, pero napakapit naman si Sam sa leeg niya.

Saktong paglabas ni Marimar sa salon at nakita sila. "Wow ha, kung maka-karga ka naman, feeling honeymoon lang?" nang-aasar na sabi nito sa kanya.

Nang makaupo sa purple na sofa ay agad naging abala si Sam sa pag-utos kay Marimar—kuha daw ng salon pas sa aparador, kuha din ng ointment, ng ganito ganyan.

"Travis, umalis ka na," pahapaw na sabi nito sa kanya, sabay baling ulit kay Marimar.

Pinagmasdan niya lang ito, pilit hinuhuli ang tingin ni Sam. Iniisip kung hindi ba talaga nito narinig o ano. "Huy, Travis. Bumalik ka na sa school. Okay na nga ako."

Tumalima naman si Travis. Sa bawat hakbang ng mga paa ay bumabagsak din ang question marks sa dinadaan niya—masyado bang maaga na umamin ako? Overconfident ba 'ko? Kelan ba'ng masasabing wrong timing? Hindi kaya narinig niya at di niya alam ang isasagot?

Tama bang sumunod siya sa horoscope, fortune cookie at signs? O dapat naniwala siya sa mga torpe sa teleserye, na paulit-ulit na namamatay dahil sa kinikimkim na pagtingin?

-♥-

"Gusto kita."

Oo, kumulog pero nahagip ng tenga ni Sam ang dalawang salitang 'yun. Yung katagang 'yon, hindi lumabas sa kabilang tenga kundi bumaon sa puso niya. Korny. Pero bakit ganon?!?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana Happy EndingWhere stories live. Discover now