Pinagmasdan ni Travis ang portrait ng lalaking may nakatawang mata, pero tipid na ngiti sa labi.
Hindi niya kamukha, pero nakasulat sa ibaba ng painting, Travis. Tapos may pirma ni Samantha. Isinabit niya sa dingding ng kwarto ang painting na hinandog ni Sam, courtesy of Eat.Paint. Love.
Hinaplos niya ang painting. Bilang isang artist, nakakataba ng puso kapag nagustuhan ng kliyente ang painting o illustrations na ginawa niya. Pero ngayon, iginuhit siya ni Samantha—wala siyang mapaglagyan ng saya. Kanina nga, nung pinakita ni Samantha yung painting nito at sinabing "Ikaw 'to Travis," kinuha niya lang, tipid na ngumiti. Pero nais niyang magtatatalon, o ipagmayabang kay Van Gogh na "Kita mo to? Kita mo to? Ginuhit niya ko. Sa dinami-dami ng wonderful creations sa mundo,ako ang tinitigan niya't pininta! Ano, ano, puwede na ba 'kong mag-assume? Puwede na ba 'kong umasa?"
Pero bumuntung-hininga siya sa harap ni Samantha, sabay sabing "Salamat. Maganda. Salamat."
Bumalik siya sa kama. Kinuha ang nakabukas na laptop at nagtipa: youtube. com
Tinipa niya ang Samantha Sawi, at bumungad ang di mabilang na videos. "Si Sam ba 'to?" kadalasang nasasabi niya sa bawat thumbnail ng video.
Ibang klase rin. Yung mukha niyang walang kakulay-kulay, tatabunan niya ng sandamukal na concealer at kung ano pang parang gawgaw, tapos kukulayan ang talukap, patatangusin ang ilong sa pamamagitan ng paglagay ng noseline, tapos maglilipstick—minsan peach, minsan red, violet o black. Kaya niyang magmukhang Barbie. Angelina Jolie. Tyra Banks. Cinderella. Magmukhang 10 years younger, o 40 years old. Kaya niyang magbago hanggang sa hindi mo na siya makilala bilang Samantha.
Napangiti siya. Buti na lang, nakilala niya ang taong 'to. Nakita niya ang tunay na Samantha. Kahit walang make up, kahit lumuluha, ito pa rin ang pinakamaganda. Hay, kumo-korny na naman.
Nagising na lang si Travis kinabukasan na para bang nag-uumapaw ang ideas. Dali-dali siyang bumili ng kape sa coffee shop sa ground floor ng condo. Tapos bumalik sa kwarto, lumabas, nagtungo sa rooftop dala-dala ang mga kagamitan sa pagpipinta. Mabilis siyang kumilos bago pa matuyo ang creative juice sa utak niya.
-♥-
Lunes.
Hapon na nang magtungo si Sam sa Skylight Tower—yung nag-iisang condo sa Brgy. Salawag. Ipinuwesto niya ang sasakyan sa tapat ng coffee shop na nasa ground floor ng condo. Bago bumaba ay tinawagan niya muna si Travis kung nasaan ito. Sakto, nasa condo daw ito.
"I'm here," sabi ni Sam. "See you."
Hindi na niya pinasalita si Travis, agad niyang pinatay ang cellphone.
Bago bumaba ng sasakyan, pinagmasdan niya ang coffee shop ni Jacob. Sinilip ang mga tao, wala ito. Kinuha niya ang kahon ng cookies na ginawa niya para kay Travis.
Lumabas siya ng sasakyan, nilampasan ang shop na nakagawian niyang tambayan. Dire-diretso siya hanggang makapasok ng lobby ng condo.
At sa dinami-dami ng makakasalubong—si Jacob ang nakahagip ng kanyang mata. Kapwa sila natigilan sa paghakbang. Magkaharap, malayo sa isa't isa.
Kumapit si Sam sa paperbag na hawak. Hinigpitan niya ang paghawak. Pero hindi niya inaalis ang tingin kay Jacob. Dapat ba kong umiwas? Kanan? Kaliwa? Lalabas sa condo at babalik sa lungga?
Alam niyang nagulat rin si Jacob. Master na niya ang facial expressions nito. Nagpatuloy sa paglakad si Jacob papunta sa kanya. Para harapin siya. Sinalubong siya nito, salubong rin ang kilay. Kapalmuks.
"Sam," galit na tanong nito "what are you doing here? Di ba sinabi kong ayoko na."
Doon lang nagising si Sam. Sarkastiko siyang tumawa. "Tanga, di ikaw ang pinunta ko," malutong niyang sabi. "Wag kang feeling heartthrob. Bakit naman kita hahabulin? Di ba nga, it's over?"

YOU ARE READING
Sana Happy Ending
ChickLitMay kuwentong true-to-life. May kuwentong sana totoo na lang. Kwentong ikaw lang ang may alam. May kuwentong matagal ng tapos. At kuwentong dinugtungan para lang masaktan ulit. May kwentong tinapos bago magsimula. May kuwentong sana wala ng katapusa...