11| Social Media

19 1 0
                                    

Sinadyang mag-Facebook ni Samantha sa cellphone, para pilitin ang mga matang magising sa nakakasilaw na screen.

Friend 1: Sobrang saya ko ngayong Valentine's! Thank you boyfie. I love you na talaga.

NBSB friend is in a relationship. Feeling loved

Bitter Friend Forever: Mabuhay ang mga single! Mamatay ang mga dahilan kung ba't ako single! Bwahahaha

Workaholic: Business as usual. Makisali na sa growing empire namin. Ito ang totoong networking!

Sa kaka-scroll down, nakita ni Samantha ang video post—yung eskandalo niya sa labas ng SM kahapon.

Minahal lang naman kita ng sobra-sobra, babe. Ako pa ba ang masama?

Sa sobrang laki ng halaga ng pag-ibig na binibigay mo, wala na kong panukli.

Tatanggapin ko naman kahit kulang ang sukli. Kahit hulugan. Paunti-unti. Maghihintay naman ako, sabihin mo lang na mamahalin mo rin ako ng buo. Buong-buo.

AYOKO NA

Three years, Jacob. 1,095 days, 65,700 hours ng buhay ko ginugol ko sa 'yo. Tapos sasabihin mong ayaw mo na?

25 ka pa lang. Marami ka pang makikilala. Hindi lang ako ang lalaki sa mundo.

Pero ikaw ang mundo ko!

E ayoko na nga! Tama na Sam. Ayoko na. Thank you for spending three years of your life with me. For being there, always, during my ups and downs. It has been a....not-so-happy journey in a long and winding road. Thanks for the ride. Dito na ko bababa. Bye, thank you. Bahala ka na sa buhay mo.

"Bahala ka na rin sa buhay mo!" sigaw ni Sam kasabay ng pagbato ng cellphone sa pinto. Natuon siya sa picture frame sa dingding. Litrato nilang magkasama ni Jacob, tatlong taon na itong nakakabit sa pink na dingding. Padabog siyang naglakad, kinuha ito at ibinato kung saan man. Nabasag. Pero ang espasyong pinaglapatan nito ng tatlong taon, bakat na bakat at buong buo.

Habang nakahandusay siya sa dingding, bumukas ang pinto. Nagkatinginan sila ni tita Pilita—ni Mama.

"Sam," sabi ni Mama. Umiwas ng tingin si Sam. Alam na niya ang sasabihin nito, parang automated text lang. Ang tigas ng ulo mo, sinabi ko naman sa 'yo na yung mga lalaki pare-pareho. Hindi ka pa nadadala. Didikdikin lang nila ang puso mo na parang crushed grahams. Kelan ka ba matututo. Ang mga lalaki ganito ganyan...

Pero mali. Walang sinabi si Mama, niyakap lang siya nito. "Happy birthday, anak. Kain na tayo."

-♥-

"Anong nakain mo?" tanong ng editor ng Malikhain Publishing. Napatayo ito at sinuri mula ulo hanggang paa—di man lang nag-alok na paupuin si Travis na kanina pa nakatayo sa pinto. "Sa pitong taon nating pagsasama bilang ilustrador, pintor, awtor, bakit bigla kang nagbago?"

"Lumilipas ang oras. Kumukupas ang larawan. Kumukulubot ang balat. Nagbabago ang tao—"

"Tumatanda ka ng paurong! Ang ibig kong sabihin, bumata ka. Bakit ngayon mo lang naisip 'to, anak?!" nagagalak na sabi ng matanda, sabay yakap sa kanya. Kumalas ito para tignan siya ulit. "Tao ka na talaga."

Buntung-hininga. Tipid na ngiti. "Salamat po," sabi ni Travis.

"Pero...bakit wala ka kahapon? Mahalaga ang meeting na 'yon." Umupo ito, inalok si Travis na umupo rin. "Di bale, matagal na rin naman nating ginagawa ito. Hindi na sa yo bago ang Art Camp na ginagawa tuwing anniversary ng kompanya."

Para sa ika-pitong anibersaryo ng Malikhain Publishing, magkakaroon ito ng Art Camp sa mga piling paaralan—isang linggong story telling, art lessons at contest at iba pa.

"Ikaw ay naka-assign sa Little Champions Learning School," sabi nito. Yung school sa Salawag, sa tapat ng District Mall. "Feb 17 mag-uumpisa.."

Matapos ang diskusyon ay nagpaalam na siya. Wala naman talagang pasok pag Linggo, nagpakita lang siya sa boss niya—sa boss niyang kahit Linggo tumatambay pa rin sa opisina. Pero nitong Linggo, walang balak magtrabaho si Travis.

"Hi," bati sa kanya ng parloristang may makintab na telang nakapulupot sa leeg. "Kanina ka pa nakatayo diyan. May hinihintay o magma-mani o pedi?"

Paano, dalawa ang salon sa 2nd floor ng District Mall. Sigurado si Travis na itong The Beauty Shop ang salon ni Sam. Kita naman sa poster na nakapaskil sa salaming dingding—ito mismo ang model. May caption na: Be your best beautiful.

Kanina pa naghihintay si Travis sa labas, dala ang kanyang sorpresa; baka sakaling lumabas ng salon si Sam, at magtama ang mga mata nila at kunwaring aksidente silang nagkita. Pero magte-trenta minutos na, ni gahibla ng buhok nito, hindi niya masilayan.

Bumuntung-hininga muna si Travis bago nagsalita. "Hello. Puwedeng...Nandiyan ba si Samantha?"

Nagsalubong ang kilay ng babaeng kanina lang ay masayang bumungad sa kanya. "Ano'ng pangalan mo?"

"Travis."

Biglang ngumiti ulit. Ang gulo. "Sabi ko na nga ba. Akala ko no'ng una, tropa ka ni Jacob. Kahit gwapo ka basta tulad ka ni Jacob, sisipain talaga kita," sabi nito. "Pero ikaw nga si Travis—her knight in shining armor!"

Ngumiti si Travis. Maniniwala na siyang pogi siya, lagpas isa na ang nagsabi. "Ako si Marimar, bestfriend ni Samantha. Wala siya dito. Baka gusto mong puntahan?"

"Nasaan ba siya?"

"Kinuha niya yung kotse sa may condo diyan sa Salawag, dahil hindi niyo na nabalikan kahapon. Tapos, didiretso daw sa sementeryo. Yung sa may Governor's Drive."

"Providence."

"I know right!"

"Sige. Una na 'ko. Salamat."

Nasa hagdan na si Travis nang habulin siya ni Marimar. Natigilan siya sa paglalakad. "Travis, ingatan mo siya ha. Fragile 'yun e." Lumapit ito sa kaniya, tinignan mata sa mata; nagsalita ng puso sa puso. "Pasayahin mo siya. Intindihin mo yung kahibangan at katangahan niya. Kelangan lang niya ng taong uunawa sa kanya. Pakiramdam ko, mas gusto niyang makasama ang isang estranghero kaysa kapamilya o kaibigan ngayon. Kasi pakiramdam niya, kilalang kilala na siya ng lahat ng kakilala niya. Sa nangyari, hinuhusgahan na naman siya. Siguro, mas gusto niyang mapag-isa o...makasama ang estrangherong tulad mo."

Tumango si Travis. Tumalikod at naglakad.

"Travis," sabi ulit nito. "Ingatan mo lang. Kung wala kang balak saluhin, wag mong hayaang mahulog siya sa 'yo. Mahirap na. Baka tumalon ulit ng building." 

Sana Happy EndingWhere stories live. Discover now