chapter 4

1K 44 3
                                    

Chapter 4

"Bakit, ayaw mo pa bang mag settle down?" Stephen asked. Nasa cafe kami malapit sa ospital.

Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo.

"What do you mean?"

His eyes wandered around, at binalik naman agad.

"Kung sa tingin mo ay may napatunayan kana, Bakit hindi." Sabi niya.

Napatunayan?

Okay na kaya ang naabot ko? Ngayong nakuha Ko na ang ipinaglaban ko years ago, ano na ang mangyayari? Maghahangad pa ba ako ng mas mataas? Feeling ko okay na naman ako e,kontento na ako. Ano pa ba ang hihilingin ko?

"Nandito ang Pamilya mo. You can use your talents even if your here, Hindi mo ba namimiss ang hometown mo?" Dagdag niya.

Yes, of course.

But one thing I'm worried about.

"How about you? Hindi lang ito tungkol sa pangarap ko... Atin to!" sabi ko. This is his dream too. Ibinuhos  niya lahat sa akin ang pangarap niya dahil alam niyang hindi niya ito magagawa. He leave his hometown too, for me. He went for Paris para mag architecture, as his parents want for him. Pero ang totoo ay nag double time siya para makamit din ang sariling pangarap but sad to say sumunod ang kapatid niya. His family doesn't have an idea of what he really is. Sundalo ang kanyang ama at puro sila lalaki. Ang dalawa niyang kapatid ay nagsundalo rin ang kambal niya naman ay nagpulis. Itong bunso nila lang ang sumunod sa yapak niyang mag architect. Their family is known for being a good looking man. Mga maskulados talaga kaya natatakot siyang ipaalam na iba pala ang gender niya. Sa school ang daming nag aadmire sa kanya ngunit hindi niya pinapansin, nakakadiri daw kasi. Ngunit mas lalo lang siyang hinangaan ng mga kababaihan. Snob and mysterious daw. Hahaha.

At isa pa, nakatakda na sila sa isang babae pagdating ng araw. Which is very hard for him. Ang pangarap niya sa fashion world ay binigay niya sa akin. He help me with some other things. Full support siya sa akin na hindi naman niya nakukuha mula sa pamilya niya. Kapag kasama kami, siya ang big sister ko. Kampante ang pamilya niya na ako kasama kasi nga General si Dad at Police si kuya.

"Sophie, I'm sorry. Binigyan kita ng pasanin... Ang totoo, masaya ako sa narating mo. Everytime you have an achievements feeling ko meron na rin ako. Masyado na yata akong naging anino mo."
Drama niya.

"Steph, I won't make it without you. Ikaw palage ang sandalan ko. Kahit mahirap kinaya ko. Para sa atin ito." sabi ko.

Sandali ay natahimik kami. Tinitimbang ang mga bagay bagay.

"You should assess again... Ngayong nakuha mo na ang gusto mo hagilapin mo uli dyan sa puso mo kung ano ang gusto nito. Kung gusto mo pa bang bumalik doon at doon na talaga mamalagi o babalik ka dito sa Pamilya mo. You can start your career here. Matibay na ang pundasyon mo Sophie, follow your passion. Marami ang hahabol sayo dito or you build your own kind of world." Madamdamin niyang sabi.

Sa totoo lang, nasanay na ako doon. Nasanay na akong makipagkarera. Masaya ako lalo na at nakukuha ko ng hindi madali ang isang bagay. Ang sarap sa pakiramdam. Ngunit habang buhay nalang bang ganoon? Hindi rin pwedeng dalhin ko ang Pamilya ko doon even if I really want it so bad. Nandito ang buhay nila, dito sila masaya... Am I meant to stay away from them?  O ako lang ang nag iisip ng ganoon? Kung babalik ako dito, magsisimula ako sa una. At alam kong hindi nila hahayaan na maghirap ako tulad sa ibang bansa.

I love them. And I want them near me. Gusto kong makita nila kung saan ako magaling without relying on them.

" Ilang taon nalang, makikilala ko na ang babaeng nilaan nila para sa akin. Gusto kong unahan sila. Sophie, this time ikaw nanan yung gagawin kong pampalakas loob. Marami akong natutunan sayo, Hindi mo lang alam. Gusto kung maging ako, kung ano talaga ako. Kung hindi nila matatanggap ay kalimutan nalang nila ako." Sabi pa niya.

Kiss the RainWhere stories live. Discover now