chapter 22

931 51 6
                                    

Chapter 22

I still wanna eat. Dessert perhaps. But how I would complain? nasa bundok yata ako. I wanna cry for a simple wants na alam ko namang imposibli. Dati naman Kahit hindi makakain ng ilang meals sa isang araw ay ayos lang. Bakit parang nasa pagkain yata ang lahat ng concerns ko? Dahil ba ito sa sitwasyon ko? should I be more thankful that my parents give everything to me? 

Of course I'm thankful. Bakit parang hindi yata sapat ang pasasalamat ko kaya ako nasa sitwasyong ito?

Fuck!

In my mind I'm crying. I just can't do it literally because of the people near me. Ano naman ang sasabihin ko kung magtanong sila?

Instead I prayed and thank God for everything I have. Nababaliw na yata ako.

Lumabas sila sa pintuan ngunit kita ko parin naman sila, hindi ko na nga lang naririnig ang pinag-usapan nila. Tapos na akong kumain at nilagay ko na ang styro sa gilid at ininom ang tubig na naroon pa. Nagtira ako para mamaya at baka wala ng iba pa nito.

Pasulyap-sulyap sila sa akin lalo na kapag gumagalaw ako. Tinitingnan ko nalang din sila pabalik at nagpapatuloy na sa pag-uusap. Sinamanta ko ang panahon na hindi pa nila ako tinali muli. Nagstretching ako dahil sa kirot ng aking likod. Pinasadahan ko ang aking sarili, ang dumi-dumi ko na. I'm so stinky and dirty. Imposibling makaligo ako pero hanggang kailan naman ako ganito?

I still have my necklace and my earings. Naroon din ang aking dalawang singsing. Hindi nila ako ninakawan. My jewelries cost a lot. So iba talaga ang goal nila sa pagdukot sa akin. Sigurado akong ito iyung sindikato na umambush Kay daddy. Narinig ko sila e, nakatakas daw ang isa.

Julius went in. He kneeled down in front of me and untie the rope on my feet.

"Hindi kana namin itatali, Pero wag kang pakampante nasa labas lang kami at nasa gitna tayo ng kagubatan sa lugar na hindi mo inakalang nag-e-exist. Naintindihan mo? Kung Matakasan mo man kami maraming mababangis na hayop ang nakaabang sayo." Sabi niya.

Nangilabot ako sa sinabi niya, daga nga natatakot na ako sa mababangis na hayop pa kaya? Hell, I won't try to escape. Kung ganito naman ka bait ang mga kidnappers ko ay maghihintay nalang talaga ako ng tulong o sa magliligtas sa akin. Kasi kung ganito sila ka kampante sa akin ay nasisiguro kong nakakatakot nga siguro sa labas.

"Hindi ako tatakas!" mabilis kong sagot.

Hindi ito sumagot at tumayo.

"I'm sure you two are not that really bad. I can help out -"

"Huwag mo nang subukan." He said in a very firm tone.

Napatalon ako ng kunte.

"O-Okay...but if ever-"

Pinandilatan niya ako kaya hindi ko na naituloy. Sumipa ang takot sa aking dibdib.  Lumabas ito at sinarado ang pintuan ng marahas. Nangilabot akong muli sa idea mag-isa ako sa bahay na ito Kahit alam kong andyan lang sila sa labas.

Niyakap ko ang aking sarili. Suddenly I feel so lost and hopeless. Mahahanap kaya nila ako? nasa gitna ito ng kagubatan, sa lugar na hindi mo aakalain mayroon pala. Naisip ko si mommy, sobra ang pag-alala niya noong nakaraan sa akin. Hindi pa ako nadukot noon, ano pa kaya ngayon.

Si daddy at kuya, I'm sure hinanap na nila ako. E si Rain kaya? Magkikita sana kami nang lunch. Ano ang sasabihin niya? Naging okay kaya ang pag-uusap ng Pamilya nila sa Pamilya nila Myrell?

Bumuntong hininga ako. Nakakainis ang walang magawa. Wala na akong mga tali pero hindi parin ako makakatakas. I checked for a possibilities. May isa pang pintuan sa gilid ng kusina Kaya lumapit ako. Marahan ko itong tinulak. Nakasarado. Tinulak tulak ko pa, Kahit naman takot akong tumakas ay nagbabakasakali parin ako. Minutes had passed at ganoon parin,  ayaw talagang mabuksan. Wala namang door knob kaya posibling sa likod nila ito sinara. Sumuko ako doon at tumungo sa pintuan. May siwang doon kaya sumilip ako. Nakita ko ang dalawa at nagsisigarilyo habang nag-uusap. Sa di kalayuan ay naroon ang maroon na van.

Kiss the RainWhere stories live. Discover now