Chapter 26
Walang perpektong buhay, walang perpektong tao. Nasa saiyo iyun kung papaano mo tingnan ang buhay mo. Ang mga pagkakamali at problema ay kasama yan, kakambal natin ito. Ito ang humuhubog sa atin.
Life is fair, if only you have time to see and understand it.
Everything went very smooth. Parang hindi kami galing sa matinding dagok ng buhay. Nagpatuloy ang ikot nito sa mga bagong surprisa ng tadhana. After a month ay nakabalik kaming Pilipinas, naoperahan na nga ang aking daliri. It went fine but I can feel the difference and the changes. Hindi ko na ginawang big deal pa iyun, I promise myself to deal with what's only left in me. Hindi naman ako naging baldado nang tuluyan. I still have everything to thank.
Nasa mansion Kami ng parents niya together with mine. Pinag-uusapan ang intimate wedding na gusto namin ni Rain. Tita Shane wanted it grand but we insisted to make it more solemn and private. Hinayaan nalang din naman nila kami total pagkatapos ng kasal ay tutulak na kaming Singapore at doon na mamalage.
Dad and kuya gave up their career for mom. Hindi iyun naging problema, nagtayo na lamang sila ni kuya ng security agency. Okay narin, at mukhang magandang ideya iyun dahil may pinagkakaabalahang babae si kuya, at last. Hindi na siya palaging poker face. Nakakangiti na ito nang hindi pinipilit.
Hinigit ako ni Tita Shane sa garden upang makausap. Nagpahatid siya ng tsaa para sa amin. Si mommy kasi ay nakipag usap doon sa planner na kinuha niya para sa kasal. On hands sila sa kasal namin habang wala naman kaming inambag ni Rain. Sila na raw kasi ang bahala. Dad and Tito Santi are busy talking about the agency , nauna na si kuya dahil may new applicants daw ang agency. Hindi naman nakasipot si ate Chicky dahil masama ang pakiramdam sa paglilihi. Magiging Tita na naman ako.
"Sofia, can I ask you a favor?" Tita said.
"Sure po, Tita." naupo na kami sa ratan chair doon. Her garden is so beautiful, ang daming magagandang bulaklak doon. Kaya may mga butterflies.
"I know that you're a designer but can you wear my design?... For your wedding?" Nag aalinlangan pa siyang sambitin ito.
Natawa ako, akala ko ano.
"Of course Tita." Sabi ko sabay tawa.
"I'm sorry. Did I offend you?" nag aalala niyang sabi.
"Hindi Tita! Naku, wag po kayong mag alala. Wala pong problema." I really make sure that I sound sincere.
Natawa narin siya, at Kahit ganoon ay naririnig ko parin sa boses niya ang pag-alala. Ipinakita niya mula sa kanyang cellphone ang nagawang desinyo. Maganda ito, at dahil intimate ang wedding namin ay sakto lang na hindi ito balloon style gown. It's an off shoulder vintage style gown na marami ang sequence. Kumikinang ito hanggang paanan. Ang ganda siguro nitong suotin,naisip ko.
"Tita, ang ganda po." nausal ko. Hindi ko maalis ang aking mga mata sa cellphone niya. Tita Shane used to make designs, dahil may shop siya. Hobby niya ang magcollect ng mga damit kung kaya ay nagtayo siya ng shop. Mostly ay binibili niya ito sa mga designers at benibenta, nagdedesign siya pero hindi naman siya ang nagtatahi. Hindi rin naman kasi palage. Her shop is still running, by Shantal.
"Ilang buwan ko yan iniimagine, at nitong nakaraan ko lang sinubukan, ipapagawa ko yan sa kakilala kong designer. Mabuti naman at nagustuhan mo. Kakaiba kasi ang feeling ko sa gown na yan e. And I want you to wear it." She said smiling.
Uminit yung puso ko.
"I love it, Tita. Thank you po."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Call me mom..." she heartily said.
Tuluyan na akong naluha sa saya. Hindi ko inakala na ganoon niya ako ka gusto despite of what I've done. Babawi talaga ako ng bongga. Niyakap niya ako, I feel very safe and love. There's no room for hatred and regrets. Only love and happiness.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤