Chapter 15
I can't believed that Dad let him. He just smile, for God sake. Ipinagkanulo niya ako, Nakalimutan ba niyang ikakasal na ito sa iba? Isasatinig ko sana iyun kanina ang kaso nakakahiya sa dami ng tao.
Bakit pa ba siya nakikisali sa problema nang aming pamilya? Matagal na kaming tapos, ano nalang ang iisipin ng fiancee niya? O Kahit ng pamilya niya?
Ah! Sumasakit na talaga ulo ko kaiisip. kanina pa ako lakad ng lakad dito sa aking silid. Nag-uusap pa sila sa labas kasama ang iilang mga kapulisan. Narinig ko si kuya kanina na pinagsasabihan si Dad, Bakit daw kasi pakampante ito at inalis ang mga nagbabantay sa amin. Wala naman akong napansing nagbabantay sa amin since bumalik ako. Meron palang ganoon?
Oh well, dati meron.
Noong tinawag na ako for dinner ay wala na ang mga pulis, ang naroon ay si Rain. Mataman niya akong tiningnan, na para bang kung kukurap siya ay mawawala ako. Naintimida tuloy ako.
Nag iwas ako ng tingin at pumunta na sa pwesto ko na katabi lang kung saan siya nakaupo ngayon.
Si dad sa kabesira, si mommy at kuya naman sa kabila. Hindi ko na nakita si Wing, siguro at umuwi na.
"May problema ka ba, Anak?" Panimula ni daddy. Napatingin ako dito at napansing sa akin lahat ng atensyon.
"Wala naman po." Hindi parin ako maayos sa totoo lang.
"Bakit ka naman napadpad sa Manila Bay? You know what, wala talaga sa isip namin na mapunta ka sa lugar na iyun. Of all places, doon talaga?" Nahihiwagaang niyang tanong.
Naalala ko ang nangyari kanina sa shop. Nanlaki ang mata ko, nandito si Wing kanina malamang tinanong siya ni daddy. Sinabi kaya niya?
Napatitig ako sa kanya.
"Anong ginawa ni Wing dito?" naitanong ko agad.
Naningkit ang mga mata ni dad. Mukhang may alam ito.
"She was the last person na nakausap mo kaya tinanong namin siya." Si mommy ang sumagot.
O my God!
I know that my face looks so constipated. Nandito si Rain, mom!
"Ang sabi niya-"
"Wala namang problema. Okay na yun." Nakita ko kung paano hawakan ni mommy ang kamay ni dad na nasa mesa upang hindi na ipagpatuloy pa ang sasabihin. Yung acid ko ay umaakyat na yata sa tensyon na nararamdaman ko.
Pahamak ka Wing.
Nag usap ang mga mata ng mga parents ko bago ito bumaling sa akin. Si kuya naman ay pagod akong tiningnan. Habang nararamdaman ko mapanuring tingin ng katabi ko.
Halos ibuga ko ang hangin na naipon sa baga ko nang mga panahong iyun. Sinabi nga talaga ni Wing. Humahapdi na ang labi ko sa Kakagat.
Bumuntong hininga si Dad.
"Oh well.... Kumain na tayo." Deklara ni Daddy.
Parang ayaw ko na yatang kumain, hindi rin naman ako gutom.
Matagal bago nagsimulang kumain si Rain, nararamdaman ko parin ang paninitig niya pero hindi ko siya binalingan Kahit kunte.
But at least as a respect. Kumain na ako.
Sa hapag ay ang criminal parin ang topic nila. Kuya Zick was very serious about it. Nakakagulo ng utak ang mga pinag-uusapan nila pero nakakatakot ito para sa amin. Nagtalaga si dad ng mga tao na magbabantay dito sa bahay, at ang makakasama ni kuya sa kaso.
Maaga akong nagpaalam sa kanila. Ang sabi ko ay magpapahinga na ako. Hindi naman nila ako pinigilan.
After I clean up myself mom came in. Nasa tokador ako at nagsusuklay na. I'm all ready for bed.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤