Chapter 14
And like old days, magtatabi nga siguro kami. Im too tired to protest, my eyes were aching. But I still need to wash up, para maibsan ang sakit sa katawan. Wala akong tub dito kaya ay nagbabad na lamang ako sa shower. At pagkatapos ng kalahating oras ay lumabas na ako. Nakita ko si Rain na nakadapa sa kama ko, wala ng sapatos at medyas sa paa. Naka boxers at sando nalang ito. Hindi na siguro ito maliligo pa dahil wala naman itong damit dito. He is comfortable, though.
Nagbihis na ako, I have some clothes here. A pair of pajamas were fine, hindi rin naman ako nagdala nighties. And finally, I'm done. I close the lights and take the other side of the bed. A minute of silence then I heard his small snores, natawa ako dahil ganoon parin ito matulog.
Noon, madalas ako ang nakikitulog sa condo niya. I'm just too in love with him para maging conservative. Dad won't mind for he knew Rain as a family friend. At noong malaman niyang may relasyon kami ay hindi ito nagalit. Matino naman kasi si Rain, hindi playboy. Nagkakasundo sila nito palage.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip. At sa sobrang himbing ng tulog ko ay ang bilis tuloy ng umaga. Nagising akong wala na si Rain sa kama, ngunit naroon pa naman ang mga gamit niya. Umiilaw na naman yung cellphone ko sa bedside table. Ginapang ko ito at kinuha. Si Wing ang tumatawag.
"Ang aga!" Bungad ko dito.
"Seven thirty na, buksan mo ang pinto." Sagot nito.
"Antok pa ako." Biro ko.
May narinig akong kaluskus sa banyo.
"Dahil may kasama ka! Asus, shop ito Peia...naku, may panahon ka pa talaga ah." Wing is like a family to me, kaya minsan ay napagsasalitaan niya talaga ako.
Sumimangot ako, paano niya nalaman? Ah! Probably the car.
"Huy! Mali ka nang iniisip. Malisyosa!" Bumangon ako at umayos. Hindi ko naman mapigilan ang pag init ng pisngi.
Bumukas ang pintuan ng banyo at nakita doon si Rain. Bagong hilamos. Our eyes met at mukhang ang bigat yata ng mukha niya.
"Anong problema?" Napatanong ako sa kanya.
"Ang problema ay kanina pa ako dito kaya buksan mo na ang pinto!" si Wing sa kabilang linya. Kausap ko pala ito. Inilayo ko ang cellphone ko at muling binalingan si Rain. Gusot parin ang mukha nito.
Bumuntong hininga itong nakatitig sa akin.
"I already ordered our breakfast." kinuha niya ang kanyang mga gamit at isinuot sa aking harapan. I still can hear Wing in my phone.
"Sandali lang, Wing." binaba ko na ang tawag at nagmadaling tumayo. I head to the door.
"Where are you going?" I heard him behind Kaya binalingan ko siya.
"Pagbuksan ko lang si Wing. Nasa baba na."
He spot me from head to toe. Naka pajama parin naman ako at... O my, wala pa akong hilamos.
"Ako na, mag prepare ka nalang." Sabi niya habang isinara ang huling botones ng kanyang polo.
Nahiya naman ako at tumalima.
Naligo ako nagmadaling magbihis. Naisip ko ang pagtulog namin kagabi, okay lang kaya siya? Bakit parang ang sungit niya yata ngayong umaga? Di kaya naabala na siya sa trabaho niya? Hindi ko naman siya pinilit na magstay ah. Hay naku!
Nang bumaba na ako ay nakabukas na ang buong shop at busy na si Wing sa desk niya. Dumeritso na ako sa mini kitchen namin dahil naghintay na si Rain. May mga pagkain narin sa mesa.
"Let's eat. I still have meeting at ten." Aniya.
Sinipat ko ang relo at 8:30 na. Kailangan pa niyang umuwi at mag-ayos. Tumalima ako at sabay na kaming kumain. Tinawag ko na rin si Wing pero tapos na daw ito. Ngunit ang nagpakilabot sa akin ay ang kanyang mga tingin.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤