Chapter 27
"I'm happy that you're finally okay. No more pain anymore. Hanga ako sa ginawa mo." Stephen smiled at me.
Nasa office kami ni Rain, sinundo namin siya sa airport ngayon lang. Rain asked to stop by his office dahil may kailangan lang daw siyang pirmahan dahil nakalimutan niya. Madali lang naman daw kaya pumayag ako at okay lang naman daw ayun Kay Stephen. Friends na sila at alam na ni Rain ang hidden gender ni Steph. Hindi pa nga siya naniwala noong una ngunit pinapakinig ko siya sa likod ng laptop one time na tumawag si Steph. Sinadya kong kumustahin si Gustav para maniwala si Rain sa sinabi ko. At, hindi pa nga tapos si Steph sa pagshare ay umalis na si Rain patungong banyo, ang gago umaktong nasusuka. I almost burst in laughter. Nagtaka tuloy si Steph kung bakit lumobo ang aking mukha.
"There is nothing I can do with what already happened. But for my future..." I smiled sweetly.
"Mabuti yan."
"Hindi mo talaga alam ang naramdaman ko noon. Sinabi ko pang sana ako nalang yung nasa sitwasyon mo." He dramatically said.
"Let's not talk about it anymore. Ilang beses mo nang sinabi yan.Masaya ako ngayon. Sobra. I assure you that." I highlighted my last word.
Sinimangutan niya ako.
" Sino namang hindi." Umirap ito. Kung ano-ano pa sinabi niya habang sinuyod ang buong silid. Kunte nalang ang laman nitong office niya kasi nailipat na ang iba sa Singapore. At pagkatapos ng kasal ay dadalhin namin ang natirang kakailanganin pa niya. Doon na siya babasi.
Nakaupo lang ako sa sofa, minamasdan ang kaibigan. Napunta siya sa mesa ni Rain. Inangat niya ang baby angel na figurine. Maliit lang ito na pwedeng gawing key chain. Pinakita niya ito sa akin.
"I find it weird. Nagninong ba siya? Wala namang pangalan." Sabi nito. Inikot-ikot na parang may hinahanap.
"Bakit naman weird? Decoration naman talaga ang mga figurine." Sagot ko.
"Yeah, decorations nga. Pero, sa office ng lalaki talaga? Hindi pwedeng sa bahay parents?"
"Meron naman talaga niyan sa bahay nila. Bakit, Di ba pwede ?" I usually saw an angel figurines and paintings in their house. Sa bahay namin sa Singapore ay mayroon din. Hindi sa bahay namin, or hindi lang siguro mahilig si mom.
"Mostly sa mga grandparents ang mga ganyang decors,kasi uso yan noon. But now. I doubt... But if it runs in their bloods, maybe."
Hindi talaga matanggap ng sistema niya ang figurine na iyun. Is it big deal? Pero naisip ko rin na ang mga angels figurine ay pang feminine, ito yata pinaglalaban niya. So inisip ko, noon parang wala akong nakitang ganoong figurines ni mommy Shane sa mansion nila together with the tomb in her garden, lately lang. Siguro nauso ulit.
"Sige na nga, baka nag ninong siya.hahaha." Tumawa pa ito.
After Rain's short errands we finally head home. Steph will stay in the mansion for his whole stay here. Hindi pa rin kasi sila bati ng Pamilya niya even if he tries his best to reconcile with them. Ikinakahiya parin siya.
Hindi ko na siya hinayaan pang maghotel dahil na miss ko siya. I want to catch some things I miss in Paris. At spent much time narin with him while his here. Nahiya man siya Kay Rain ay wala din siyang nagawa sa gusto ko. Napag-usapan narin namin ang tungkol dito.
"You're spoiling her too much." Nasabi nalang niya matapos sabihin ni Rain na wala namang problema kung magstay siya sa mansion.
Natagpuan namin sa salas sina mommy at mommy Shane, busy with organizers.
"Steph,iho! Kumusta ka!?" tumayo agad si mommy nang makita kami. After she kissed me ay si Steph agad ang kinamusta niya.
"I'm great Tita!...you look stunning!"
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤