chapter 2

2.1K 94 9
                                    

Chapter 2

Hindi na nakapagtataka na naconfine ako. This is very usual to me. Mom is starting to rant again.

"My God, Sofia!  Last week ka lang naospital dahil dito tapos ngayon sasabay kapa sa dad mo? Papatayin niyo ba talaga ako?"

Pagkamulat talaga ng mga mata ko ay iyun na ang bungad niya. At hindi pa talaga ito makuntento at nagtuloy tuloy pa. Nahiya ako dahil nandoon silang lahat, I guess, ito yung private room na inupahan nila malapit sa ICU ni Dad.

"Mom, I'll be okay." tanging nasagot ko.

Bumuntong hininga ito.

"I prayed every night na mag-asawa kana sana, Sofia.  So that someone can take care of you all the time..."She said that shocked me, really.

"Mom!"

Natawa si ate Chicky at ang asawa niya,  Ganoon din sina Tita Shane. Ngunit isang pares ng mga mata ang hindi ko matagalan sa talim nito na mas lalo pa yatang tumalim dahil sa sinabi ni mommy.

"Excuse me, po." sabi niya sabay tungo ng pintuan ang lumabas na. Nagkatinginan silang lahat makahulugan. I know what they are thinking and it pained my heart. Humapdi ito Kagaya ng nakagawian.

Sa totoo lang, nang makita ko siya kanina ay Sobrang pigil kong masubsub sa kanya. I missed him so much. Na para bang Kay habang panahon akong nalunod at ngayon lang nasagip. God knows how I wanted to hug him. Pero pinigilan ko ang sarili dahil alam kong pagmamay-ari na siya ng iba. Nag-iwan iyun ng hiwa sa aking puso.

Rain was the most special man in my life, ever since. But thing gone mess when I prefer to chase my dreams without him. Mas pinili ko ang panagarap ko keysa sa kanya. Hindi kasi niya naiintindihan kapag tungkol na sa gusto ko. I want to make my own name, I want to achieve my dreams when he only wanted me on his side. Ayaw niya ako magtrabaho dahil gusto niya akong gawing Reyna. Which is I don't really like. Iyun ang pinagtataluhan namin palage hanggang sa niyaya niya na akong pakasal para lang wala na akong magawa. Hindi rin alam kung bakit ako natakot. Natakot na baka buong buhay ko ay wala man lang akong nagawa doon sa pangarap ko.

On our engagement day, I run from him. Alam ko masakit yun dahil mahal na mahal ko siya, But I still risk. Alam kong wala na akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos niya akong sundan sa Paris at magmakaawa na babalik na kami, ipagtatayo niya ako ng sarili kong shop at pasisikatin sa Kahit anong paraan. Syempre nagalit ako, hindi ko kaya ang ganoon kung hindi ko naman pinaghihirapan.

Tinaboy ko siya Kahit masakit. Ipinakita kong galit ako sa kanya. Naiwan siya sa labas ng apartment na inupahan ko, naiwan sa malakas na ulan.

Sa totoo lang, nagalit din ako sa sarili ko. Paano kung mali pala itong desisyon ko? Matatanggap pa kaya niya ko? I don't think so.

So I worked hard to prove my worth and prove them that I did the right thing. My first year was crazy. Sobrang na miss ko ang lahat sa Pinas. I almost gave up kung hindi lang dahil sa ever supportive kung kaibigan. Madalas akong nagkakasakit pero tinago ko yun sa Pamilya ko lalo na Kay daddy. I'm his baby Princess way back at kung Makakarinig man siyang nahihirapan ako ay kakaladkarin niya akong pauwi. Kaya tinibayan ko ang loob ko. I'm not a baby forever, I want to grow on my own and I wanted to be an independent. Katulad nila ate Chicky at kuya Zick.

Unti-unti ay nakilala ang mga designs ko. May mga nagtiwala ng paunti-unti. At dahil mataas ang kompitisyon sa larangan na ito ay madami din akong mga kontrabida. Hindi ko na lang pinapatulan. Hindi man tulad ng isang sikat na designer na kilala sa buong mundo ay nagkaroon naman ako brand. Nakikilala narin ako at naiimbitahan sa mga malalaking event at gumagawa ng mamahaling gowns. For years umikot ang buhay ko sa industriyang ito. And I called it my own success.

Ngunit Kahit anong tagumpay ko ngayon ay hindi ako nakakatulog sa gabi ng walang earphones  sa aking tenga. Pinapakinggan ang Malamyos na musika na siya ang tumugtog. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi parin siya mawalawala sa sistema ko. Sinadya kong ayaw magkaroon ng balita tungkol  sa kanya upang makamove on ngunit ito lang nakaraan ay nakita ko sa TV na ikakasal na pala siya. And the lucky girl was Myrell, some random girl.

"Anak,  tumawag si Stephen." mom said.

Oh, my bad.  Nakalimutan ko na siya sa pagmamadaling makauwi.

"Anong sabi niya?"

"He's heading here." she answered.

Napabuntong hininga ako.

Dad is recovering. Bumubuti na ang lagay niya Pero hindi parin gumigising. Kuya Zick was so furious, tinutukan niyang mabuti ang kaso ni Dad.

Pinauwi ako ni mom sa bahay upang makapagpahinga ng mabuti ngunit hindi ako pumayag. Masyadong malungkot sa bahay, gusto ko na nasa tabi ako ni dad pagkagising niya.

"May paparty ang mga Arizona. Sumama ka nalang sa ate Chicky mo, I'm sure na mimiss ka din ng mga kaibigan mo." mom said.

Medyo naexcite akong makita sila ngunit alam ko din naman na naroon siya at kasama ang fiance niya. Isa pa, Nahihiya din ako sa kanila.

"No thanks, mom."

Maybe I'll see them some other time, kapag okay na si Dad.

I spent  most of the time taking care of dad. Kinakausap ko siya at pinagdasal na sana ay gumaling na.  I'm sure, mom will demand his resignation soon. Kahit ako man. Sobra narin naman siguro ang sirbisyo niya sa bayan.

"Dad, miss na miss na kita."

A warm hug behind me make me feel a little girl again.

"I know how strong your Dad is. But everytime I looked at him in this state, I'm ... Takot akong mawala ang ang Dad  niyo. God knows how I loved him so much."

Naiyak na rin ako sa sinabi ni Mom. Yes I know. Nakita ko iyun. She loved my dad more than anything in this world.

The next day Stephen arrived.

Dala ang isang bag na gamit ko ay malungkot itong nakatingin sa akin bago ako niyakap.

"Pwede mo naman ipadala nalang o Kahit wag na." tukoy ko sa dala niyang gamit ko.  But the truth is I diverted what he would possibly say.

"Gaga ka talaga. Syempre nandito ako para damayan ka."

Hindi na ako sumagot at niyakap nalang siya ng mahigpit. Kailangan ko kasi iyun. Nahihiya kasi ako sa mga Kababata ko dito.

"Sofia!"

From a far nakita ko ang pagdating ng mga ito at kasama si Rain na ngayon ay sobrang lamig ng tingin.









❤Lyra

Kiss the RainWhere stories live. Discover now