Chapter 10
The sky seem so dark at this time, mukhang uulan pa yata. Nagmadali akong pumasok sa kotse dahil nag umpisa na ngang umambon. At sakto sa aking pagpasok ay nagsimula na ang mga pinong ulan.
I sigh, kumo ba nakita ko si Rain ay uulan na din?
Mahina kong pinasibad ang sasakyan dahil sa gumugulong isipan. Nang balikan ko ang itsura niya kanina ay bukod sa mga malamig niyang titig ay nakitaan ko din siya ng pagkagulat. Is he surprised that he saw me here and not in Paris? Ayaw na niya ba ako dito?
Bumuntong hininga muli ako.
Unti-unting lumakas ang ulan, mabuti nalang at hindi nawawalan ng payong ang bawat kotse sa bahay. It's moms idea for this unexpected rain or even for the sun's heat.
I parked my car in front of my shop. It's still close pero naroon na ang security guard na hi-nire ni daddy.
"Ma'am! Good afternoon po." salubong sa akin nito at kinuha ang payong ng makasilong ako upang mabuksan ang shop. Ngumiti ako sa kanya.
"May nagtatanong na naman po kanina, ma'am." Sabi pa nito.
"Talaga?"
"Opo, dalawang babae po. Mukhang dyan lang sa condominium na yan nakatira." Dagdag niya.
"I will let you know if when, para masagot mo naman sila." Ang sabi ko at pinihit na ang glass door ng shop and come in.
Actually, si mommy nalang ang hinintay ko upang buksan ang shop na ito. Nagpapabook pa kasi siya ng Pare para magbless nitong shop sa opening. Kahit ako ay gusto ko naring buksan ito as soon as possible.
I put my things in my assistant's table. May tatlong portfolio na naroon ang mga designs ko. Binuksan ko ang isa upang maghanap ng posibling magugustuhan ng unang client. Sooner or later ay tatawag iyun kapag nagkaoras.
I flip and flip the pages pero wala akong maisip kasi hindi ko pa naman siya makikita. Siguro Hihintayin ko nalang yung tawag niya. Isinara ko ang portfolio at binalik sa pagkakaayos.
Gagawa nalang muna ako ng designs. Napansin kung may nakamasid yata sa akin. So I look at the door only to find Rain outside my door. Nilapitan ko siya at pinagbuksan. Sobrang lakas na pala ng ulan sa labas. Yung guard ko ay nasa gilid lang, hindi naman siya naaabot ng ulan.
"Anong ginagawa mo dito?"
Mataman niya akong tiningnan. Hindi ko masabi ang kanyang tingin, Galit ba ito o ano.
"Pasok ka muna." sinabi ko nalang dahil hindi talaga siya nagsasalita.
Sumunod naman siya at nilibot ang aking shop ng kanyang tingin.
"Maupo ka." I offered him the sofa in case. Humakukipkip ako sa di kalayuan niya. I use the table to support my hips.
Ano bang kailangan niya?
"So, this is your shop." Finally I heard him.
With his corporate suite, he really looks like a Lord. Ang lakas talaga ng appeal niya na kailanman ay hindi ko talaga maitatangge sa aking sarili na hanggang ngayon ay nahuhumaling parin ako.
"Yeah."
"Anong pinagkaiba nito sa inoffer ko sayo dati?" I can almost hear his bursting anger and arrogance.
Nakalas ko ang aking braso at tumayo ng mas matatag. Binabalik niya sa akin ang lahat.
"Malaki." I take a hold of myself, very firm. Alam ko kung saan ito pupunta at sinasabi ko wala itong naidudulot na mabuti. Ipapaintindi ko sa kanya ang hindi matanggap ng pride niya.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤