Chapter 6
Kinabukasan ay binaha si dad ng bisita. Noong umaga ay dumating ang isa pang General na kasama ni dad, at mga intelligence. Nailipat na kasi siya sa private room at mas bumuti na ang kalagayan. Sobrang saya ni kuya nang malaman ito. Mas pinag igihan pa nito ang paglutas sa kaso.
Umalis ako dahil masyado kaming madami sa kwarto niya. May naghihintay pa sa labas upang makita siya. Bumaha din ng recovering gifts. Mamayang gabi pa dadalaw ang mga Tito at Tita ko and some other friends. Ngayon ko napagtanto na marami ang nagmamahal Kay dad.
Saglit akong nakipagmeeting sa interior designer na mag aayos sa studio ko. Sinabi ko sa kanya ang mga nais upang makagawa na siya ng plano. Kina ate Chicky na ako kumuha ng mga tao upang ipaayos ang lugar ko.
"Hindi kaya sobra pa namang maaga para dyan? Kakarecover palang ni dad." sabi pa niya noong kumunsulta ako. May firm kasi ang asawa niya. Kung ayaw naman niya ay Kay Tito Theo nalang ako lalapit.
"Gusto ko siyang e surprise. Mukhang ayaw niya kasing maniwala na dito na ako." Sagot ko.
"Wag kang mag-alala, hinahanda ko pa lang naman."
Ngumiwi ito.
"Mukhang ang laki na talaga ng pinagbago mo." komento niya.
"ate, sa ibang bansa kung tatanga-tanga ka lalamunin ka ng buhay. Kaya naging instinct ko narin." Wala sa sariling paliwanag ko.
She was amazed by what just I've said.
"You are so far from a baby girl we had before. You're all grown up to be a strong and brave woman. I'm so proud of you Sofia." Her words touch my heart. Ito naman talaga ang gusto ko, that I'm not going to be their baby forever. I hoped to hear this from dad.
After my meeting with Billy ay bumili ako ng food para mamaya. I know mom will prepare but I just want some pineapple pie for dessert. I have to practice my meals. Iyun nalang ang kulang para pagkakatiwalaan na ako nila mommy ng husto. Lately, sinisiguro ko na nga na nakikita nilang kumakain ako. Nakakatwang isipin na ang pagkain pa talaga ang nakakaligtaan ko palage.
Pineapple Pie is one of my favorite food. Madalas akong binibilhan ni Rain nito dahil favorite rin naman niya. Sa isang suking dessert shop ako huminto, may kunting renovation lang pinagkaiba nito dati. Ngumiti ako nang may maalala pagkapasok doon. Isang pares ng mga ang agad tumutok sa akin. I smiled sweetly.
"Hi, Liliane." Bati ko sa babae. Nandito pa pala siya hanggang ngayon. Dati part timer lang yata ito at ngayon ay mukhang may position na. Sa dalas ko namin dati dito ay kilala na niya kami ni Rain.
"Ma'am Sofia!" Gulat niyang sabi.
"Hi," Natutuwa kung turan.
"Ang tagal niyong hindi na gawi dito. Nag abroad kayo?" Amazed niyang tanong.
Tumango-tango ako.
"Dalawang box sa 'kin." Sabi ko, alam na niya kung ano ang tinutukoy ko. Tumango naman siya at nagbalot.
"Bakit hindi niyo kasama si Sir Rain." Naitanong nito habang may pinipindot sa cash register.
I hold back and wonder.
"Hindi na ba siya nagawi dito?"
"Naku, sabay kayong nawala. Kaya inakala kung nag asawa na kayo at nangibang bansa." Sagot niya.
Imposibling hindi niya nababasa sa magazine at maging sa news papers. Minsan din sa showbiz news.
"Ikakasal na siya sa iba, hindi mo alam? It's all over the news." Mapait kung sabi. Hindi ko aakalain na ako pa talaga ang magsasabi nito sa kanya.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤