chapter 5

1K 49 9
                                    

Chapter 5

"OKay ka lang ba talaga?" I asked Stephen in a worry.

"Of course, inasahan ko na ito. But at least, I'm free." He said. He still manage to keep it like nothing's happened.

Naawa ako sa pasa niya sa mukha. Kailanman ay hindi ito nasangkot sa gulo at ngayon ay nagkapasa siya mula mismo sa kanyang ama.

"Walang ni isa sa kanila ang nakinig man lang sa akin. Ikinahiya nila ako." Ang sakit ng sinabi niya. Wala ng sasakit pa sa ganitong sitwasyon.

"Ngayon lang siguro yan." Sabi ko. Pampalubag loob.

Mapait siyang ngumiti at inayos ang passport niya at ticket.

"Bakit ngayon mo sinabi e aalis ka pa."

"Sinadya ko yun."

We stayed for minutes in silence before he finally say goodbye to me. I hug him for the last time like I don't want him to go with heavy heart. Hinalikan niya ang buhok ko bilang assurance na okay lang siya.

"Aww..." A dramatic voice interrupted.

Humiwalay kami sa isa't isa and saw Myrell and Rain standing behind us. Nagulat ako syempre at napaatras. Mabuti nalang at alertong pumalikod si Stephen sa akin at hinawakan ang aking bewang.

"Hi, I'm sorry to disturbed your moment... Sofia Martinez, right?" She evily acted.

"Y-yeah...hello." Ang init ng mukha ko sa harap nila. Hindi ako makagalaw lalo pa at nasa harap ko siya. I feel like sufucating.

"What a coincidence..." She added.

Tumango na lamang ako Kahit ang sarap ng umalis sa harap nila. His eagle eyes were permanently darted on me as if I'll be gone if he will blink.

"You must be her boyfriend." tukoy ni Myrell Kay Stephen.

Tinanggap naman kaagad ni Stephen ang kanyang kamay.

"Stephen." He didn't correct it anymore. Who cares anyway.

"Oh, Myrell. And my fiance... Rain.You guys are colleagues right.Nice to meet you. Saan ba ang punta niyo?"

Nang usisa pa talaga. Naiinis na ako. I want to end it right away.

"Ako lang. Babalik na akong Paris. She'll stay." Sagot ni Stephen.

"Oh." She said shortly while her eyes says a lot.

Nag announce ulit para sa flight ni Steph kaya kailangan na niyang umakyat.

"I need to go." Sabi niya sa akin at hinalikan muli ang aking buhok.

"Take care." I face him.

He excused himself from us. Tumango naman ang dalawa bago siya tuluyang umalis. At bago paman siya pumasok sa entrance ay kumaway ito sa akin. Malungkot akong ngumiti.

"How sweet." Myrell commented.

Sweet naman talaga ang mga bakla noh.

"Mauna na ako sa inyu." Kung pwede lang sanang tumakbo ay ginawa ko na ngunit nakakahiya naman. Taas noo parin akong tumalikod sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila sa paalam ko.

"Bye, babe."

Nilakasan talaga upang marinig ko Kahit nasa distansya  na ako. Napakuyom ako sa selos. Mas binilisan ko ang aking mga hakbang papuntang parking lot. Pagkalabas ko ng airport ay Bumuhos ang ulan. Wala namang kulog kaya imposibling hindi matuloy si Stephen, hindi rin mahangin.

I stayed on the parking area. Kapag umuulan kakaibang sakit at lungkot ang aking nararamdaman. Naalala ko palage ang pagmamakaawa ni Rain sa kin. Hanggang kailan kaya ako ganito. Paano ko kaya ito ma overcome. If I added some work loads hindi parin gumagana, napapagod lang ako ng husto. Malayo na nga ako pero nabubuhay parin ako sa pag ibig niya. Siguro kung makikita ko ng may Pamilya na siya ay baka sakali. O kailangan ko lang magsorry at mapatawad niya.

Kiss the RainWhere stories live. Discover now