Chapter 8
I never though asking an apology can be this hard. It's heartbreaking. It's killing.
I cried it out that night. Again, Im back to what I left years ago. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyun but it's so heavy for me take. Kahit ang layo ng narating ko ay ako parin talaga ang dating si Sofia niya. Marupok at mahina ang puso.
I will change this system this very moment. His getting a family soon. Kung mapapatawad man niya ako o hindi ay hindi na dapat iyun ang mahalaga. Ang dapat kong patawarin ay ang sarili ko. At hindi na babalikan ang mahinang si Sofia.
From now on, I'm no longer Sofia. I want my name as Cassiopeia not the weak Sofia. Well, except for my family but not with my friends.
Tinapon ko sa basurahan ang headphones na matagal kong kasama sa pagtulog. Mga regalo niya sa akin dati ay ikinahon ko. Nilinis ko ang silid mula sa mga bagay na magpapaalala sa akin sa kanya. Alam kung immature ang ganito pero aanhin ko naman mga iyun. Inumaga ako kaya naman ay tanghali na ako bumangon. My foot still hurts pero bearable naman.
"Oh, how's your sprained foot?" Mom asked as I step down slowly. Nasa sala sila ni dad at nagbabasa ng magazines.
Kagabi ay Kinarga ako ni kuya nang makita sa harden. Buti nalang at iniisip niyang umiyak ako dahil sa paa.
"Hindi na masyadong masakit." Sagot ko.
"Really?Hindi ba namaga? Baka kailangan mo magpatingin sa Doctor." Si dad.
"Nah, it's okay dad. Mamaya wala na to. Hindi naman namaga dahil naagapan."
They still insist. Pero hindi na ako nagpapilit, matapos silang halikan ay tumungo na akong dining but I still heard mom.
"Pinapatunyan niya talaga iba na siya."
"Bakit, Dapat bang mabahala?" Si dad.
Narinig ko pa silang nagtawanan.Nang makita ang pagkain sa mesa ay saka lang Kumalam ang sikmura ko. Nagpunta lang pala ako dito upang makainom ng tubig. Pinaghanda ako ni Wing ng mga kubyertos kaya kumain na ako Kahit nagluluto na sila para sa tanghalian.
"Ginising po kita kanina 'Peia, kaso ang lalim pa talaga ng tulog niyo." Sabi niya. Ganoon na talaga tawag niya sa akin.
Ngumiti na lamang ako at naalala ang mga niligpit kagabi.
"Ah, Wing. Kunin mo nga yung nga nakakahon sa kwarto ko. Yung nasa tabi ng tukador. Pakitapon."
Matagal ng naninilbihan si Wing sa amin. Actually ay working student siya sa amin mula pa noon high school. And I think malapit narin siyang magtapos ng College.
"Sige, kukunin ko na." Tatlo silang working student dito ang dalawa ay nakapagtapos na at nagtatrabaho na. And mom is looking for another one since Wing is almost over here.
I like moms idea, marami siyang natutulungan. Si Ate Aura lang all around dito na hindi studyante.
Kumain ako ng tinapay na nilagyan ko ng mayo at lettuce. Fried egg at chicken naman ang nasa plato ko. Hmm, nasaan kaya si kuya. Nakita ko ang pagbalik ni Wing dala ang mga pinakuha ko.
"Mukhang maayus pa naman ang mga ito 'Peia." Sabi nya at tinitingnan pa ang iba.
"Hindi ko na gusto at hindi na nagagamit e."Sagot ko ng hindi ito tiningnan.
"Ay, akin nalang kung okay lang sayo." sabi niya.
Natigilan ako at iniisip ang ideyang iyun.
Hell no!
"Wag! Bibilhan nalang kita kung gusto mo."
Agad kong sabi. My God, I can't afford to see those things in the other hand. Mas mabuting sa basurahan mapunta.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤