Chapter 24
Rain
Inuwi ko ang jar, Tita Lian let me take care of it. Ibinalita ko ito Kay mommy and she was crying for her lost grandchild. We gave her/his a decent grave. Sa harden ng aming mansion doon namin siya hinimlay. Doon sa paboritong spot ni mommy kung saan naroon ang kanyang mga paboritong bulaklak. Pinasadya ni mommy ang kanyang munting lapida.
Descansa En Paz Angel
Once again I mourn for our Angel.
Pasensya na at hindi ka makikilala ng mommy mo, Anak. But I'll promise you, I will take good care of her. Sana din gisingin mo na siya.
"Ako na ang bahala dito, Anak. Hindi natin siya lilimutin." sabi ni mommy.
I told Tita Lian about it. And she promise to visit home for it. After all of this. Nagkausap narin kami ni General, nalungkot din siya sa pagkawala ng apo dahil matagal na raw niya itong pinangarap. Hindi naman siya nagalit sa akin dahil hindi namin naipaalam sa kanya ang estado namin ni Sofia.
-----
I cursed several times now. Hell! How couldn't I? It's the third time na nag seizure si Sofia in just one day. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko, para akong nilalagutan ng hininga everytime na e-rerevive siya. I can't cry anymore, my tears are already dried up. I feel that my head is dried up too. Nakakabobo ang walang magawa sa sitwasyon niya ngayon.
The Neurosurgeon is on his way. Galing pa itong amerika kung kaya ay medyo natagalan. Meron namang nagmomonitor sa kanya na mga resident neurosurgeon but also they can't risk her case. Takot din sila Kay General kapag hindi naging successful ang operasyon.
Bilib na bilib ako sa efforts ng kanyang mga magulang. Si General ay palaging nangungulilat sa mga doctor. Paulit-ulit na din siyang pinapaliwanagan ay naninigurado parin. I give all what I can do. The best doctors and nurses. The hospital facilitaties and apparatus she needed ay binibigay ko ang pinakamoderno. Kumuha din ako ng dalawang extra room ng ospital, Kahit hindi pwede ay nagawan ng paraan ni daddy. Isa para kina Tita Lian na ayaw umuwi at isa para sa akin. Sabi naman ni dad na hindi ko na kailangan munang magtrabaho, he understand who is my priority. But still, I check some files and documents through my laptop. Hindi rin naman kasi ako nakakatulog.
"Quit your job, Ezekiel! Ikaw din Enrique! Magretire kana! Hindi niyo ba talaga ako patatahimikin ha? Ilang buwan lang ang lumipas mula noong ambush mo, Enrique! At ngayon naman si Sofia. Maghihintay pa ba akong ikaw na naman Ezekiel ang makaratay sa ICU ha? Pinaparusahan niyo ba ako?" I heard Tita Lian's screaming. Hindi na niya naisarado ang pintuan ng silid dahil sa galit niya at pag-aalala Kay Sofia, kanikani lang.
Walang sumagot sa kanya at tanging ang iyak lamang niya ang maririnig. Nagkatinginan kami ni Chicky na hindi na tumuloy sa loob. Nakita kung pumatak ang kanyang luha. She's been silent since she was here. Hindi siya nagtatagal ngunit madalas naman ang bisita niya. Meron na kasi siyang anak. Her husband is just behind her. Tinalikuran niya ako at yumakap sa asawa. She sobs.
Nakakapanglumo. Galit na galit din ako. Gusto kong maghiganti gamit ang sarili kong mga kamay pero hindi na ako tinirhan ng mag-ama. Justice was serve already. I should be happy though but how? Nasa bingit pa ng kamatayan si Sofia.
Kasing dilim ng gabi ang pagkatao ko ngayon, gabing walang buwan at bituin. At Kahit araw naman ay hindi ko iyun naramdaman. Nangangapa ako ngunit galit at pag-aalala lamang ang nahahagilap ko. When I ever be lighten up again?
" Kumusta kana? Alam kong hindi pa siya okay kaya ikaw nalang tinatanong ko."
That afternoon Myrell visits. Hindi ko inakala pero ayos narin. Some of our friends and relatives are here also. Hindi ko nga lang naaasikaso. Nakafucos lang kasi ako sa kanya. Madalas si Tita Lian ang nakakausap nila.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤