chapter 13

956 51 8
                                    

Chapter 13

For the next day ay binaha ang shop ko ng mga tao. Nakikipagkilala pa nga ang iba bago kukuha ng damit o Di kaya ay nagpapasukat. I was overwhelmed by their compliments.

" Peia, kailangan mo na ng mga bagong designs. Yang tatlong babae, magpapadesign daw sila." turo niya sa tatlong babae na ngayon ay tumitingin sa portfolio ng mga designs ko.

"Sure!"

Hindi na ako nagpaligoyligoy pa. I entertain the clients politely and nicely. Umabot kami hanggang lunch and surprisingly ay may dumating na food. Galing sa isang kilalang restaurant.

"Kanino daw galing?" I asked Wing, siya kasi ang kumuha sa delivery.

Hinanap niya ang kung ano sa paper bag.

"Wala namang pangalan." Nasambit nito.

Mayamaya ay tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at hindi nakarehistro ang numero.

"Hello?" Sagot ko.

"Gusto sana kitang samahan sa lunch kaso may meeting pa ako kaya pinadalhan ko nalang kayo. I hope you don't mind." Kahit hindi ko na itatanong kung sino ito ay kilala ko na naman ang boses.

"Oh! Thank you!" Nabulalas ko dahil bigla yata akong naexcite.

I heard him chuckled.

"Okay...bye." Mabilis nitong tinapos ang tawag.

Napakagat labi nalang ako dahil para umaalpas na yata init sa aking pisngi.

"Sino yun?" si Wing.

Agad kong pinalis ang paruparung nagsiliparan sa aking sistema.

"Ah, isang kaibigan." Sagot ko agad at tiningnan ang laman ng paper bag.

Wing's hawk eye never leaves me. Nahihiya na nga ako.

Masigla ko silang inimbita para kumain upang maiwasan ang matanglawin sa isang sulok. Pati ang mga costumers na naroon ang inimbita ko kaya lang ay nagsitanggihan sila kaya kami na lamang kumain.

Later that noon ay mas dumami pa ang dumating. Mom and dad came to visit also. They bought snacks for everyone.

My parents witness the busy people in my shop. Humanga naman sila sa efficiency ng aking mga tauhan. At dahil may alam naman si mom sa line ko ay nang usisa ito.

"I think you'll be needing a new sewer. Hindi pwedeng ikaw lahat ang tatahi niyan. Most likely, gagawa ka lang ng designs at magpopolish." Mom commented.

Siguro nga upang hindi ko ma decline ang ibang clients. She recommended again her best sewers. Kinuha ko na at nagtiwala sa kanya, Syempre mas nauna siya sa ganito. Mas alam niya paano magpatakbo ng negosyo, pagdedesenyo lang naman ang forte ko.

Yeah, I admit it myself na hindi ko pala talaga kaya na mag isa. I'm gonna be needing someones help and I'm happy that they are giving me it for free.

Hindi pala ito ganito kadali gaya ng inaasahan ko. For the next days, palage na kaming pinapadalhan ni Rain ng lunch. Nagsimula narin akong makatanggap ng mga invitations, vlog guesting, guess for a fashion event, or even sa pag judge ng isang pageant. May compliment flowers din at presents.

"Mag oovertime ba tayo?" Pagod na tanong ni Wing. Sa totoo lang, pagod na ako. Yung sastre na recommended ni mommy ay sa lunes pa magsisimula. Minadali ko na nga ngunit sadyang detailed lang ang gowns na kukunin bukas. Dalawang gowns pa ang ipapolished ko at hindi na din sila kailangan dahil ako lang ang nakakaalam sa design na ito.

"Hindi na, ako na dito." Sagot ko. Kaya pa ito.

"Sigurado ka?" nabahala ito.

"Oo." Kung hindi ko ito matatapos by 9pm ay tatawagan ko nalang si dad para dito na muna ako matulog.

Kiss the RainWhere stories live. Discover now