chapter 1

3.8K 108 5
                                    

Chapter 1

Lakad takbo na ang ginawa ko pagkalapag ng eroplano sa airport. Walang sumundo sa akin kaya nakipag-agawan ako ng taxi sa isang babae na nauna naman talaga sa akin.

" I'm so sorry, Miss.  Im really in a hurry.  My father is critical." halos maiyak kong sabi dito.

Kita ko sa kanyang mukha ang galit ng unahan ko siya sa pintuan ng taxi ngunit agad namang napawi iyun sa rason at pakiusap ko.

"Thank you so much.!" napaingus kong sabi. Tumango naman siya at tumabi.

It's really a big help. In just 30mins ay nakarating ako sa hospital  kung saan naconfine si dad. Nagtanong agad ako sa reception at sinabi niya kaagad ang kinaruruonang ICU ni dad. Pagkadating ko, nanlumo agad ako sa nakita.

I saw mom outside the room, she was held by my brother in the bench.  Mugto ang mga mata at sobrang pagod.

"Mom! Kuya. " sa mahinang boses.

Agad naman akong tiningala ni mommy.

"Sofia!" She run to me and cried. Mas lalong nalusaw ang puso ko.  My mom was tough and strong. And seeing her this way?  It must be worst. Masama talaga ang lagay ni dad. I cried in pain and pitty.

Ang dami nang sinalong bala ni Dad,  ever since. Kahit noong wala pa kami sa buhay niya, Hanggang sa dumating si ate Chicky, si mommy at kami. Pero lahat ng iyun ay easy lang sa kanya. But now, na ambush siya. And his life is in very critical. He is in danger.

My tears run down my face, I saw him helpless with the life support over his body. Ang dami niyang bandage at pasa. My dad is in early 50's, Kakayanin pa kaya ng katawan niya ang mga natamong sugat?  How about his internal organs? I know my dad as my living superman but reality slaps me seeing him this way. For I know, this is the worst happened to him.

Hindi siya pwedeng lapitan Kahit kami, except for the doctors and nurses . Hindi rin pwedeng walang doctor o nurse sa kanyang tabi dahil maya't maya siyang minomonitor.

Atay at baga ang nadali sa internal organ ni dad. Mabuti at hindi kidney o puso. But still, he is in critical.

"I'm afraid we'll lose him." mom cried again.

"That's not gonna happen,mom. He is a fighter.  Hindi niya tayo iiwan." Pagpapatatag ko sa loob ni mommy at maging sa akin. Nasa likod namin si kuya, walang sinasabi. At alam ko sa pagkakataong ito ay nagpupuyos na siya.

Umupo kami ni mom,  samantalang nakatayo lang si kuya sa harap namin.

"Nahuli na ba ang gumawa nito Kay, dad?  Kuya? "

Tumiimbagang ito bago sumagot.

"Mahuhuli ko siya, Sofia." mariin niyang sagot.

Tumango ako, my brother is the full replica of my father. Kaya nga nagpulis din ito dahil gusto niyang maging si dad. Kaya Naniniwala ako sa kanyang mahuhuli niya ang gumawa nito Kay dad.

Tumayo ako at muling dumungaw sa salaming pinto ng ICU ni dad. Nakakaawa talaga siya. Kahit kailan ay hindi ko siya nakita sa ganitong lagay. Parang piniga ng sobra sobra ang puso ko.

"Sofia! Dumating ka agad?" gulat niyang saad.

Nilingon ko si ate Chicky kasama ang asawa niya na may dalang mga pagkain.

"Ate!"

Niyakap ko siya, namiss ko din siya. For how many years ngayon lang ulit kami nagkitang personal. She seldom called me. Nagkaanak nalang uli siya sa panagalawa niyang asawa.

Tumango sa akin si kuya Thad.

"Hindi mo naabutan sina Tita Osang at Tita Toni. Nakaalis na sila. Pero sina Tita Amber  at Tita Shane  ay mamaya pa naman."

Tumambol bahagya ang puso ko nang sabihin niya ang pangalan ni Tita Shane. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya. Since I left, I never heard a word from their side. Alam ko naman na mabubuti silang tao, but I left a scar to our family and hers.

"kumuha kami ng private room malapit dito. Ayaw na kasing umuwi ni mom, doon na tayo kumain." sabi ni kuya Zick.

"Mauna na kayo. Bantayan ko pa ng kunti si dad." Sagot ko.

"Okay, but don't be long." si mommy.

Sa Di kalayuan lang naman at natanaw ko din silang papasok.

Yesterday, when mom called about dad ay nasa opisina ako at kakapasa lang ng mga designs ko. I rushed to my apartment to get my passport and my wallet. I didn't bother to pack a things. I hurried to the airport para makauwi agad. And now I realized,  hindi ako nakapagpaalam Kay Stephen. I also left my phone, kaya alam ko marami na roong tawag niya at message. Maybe later I'll call him.

'Dad, please! Fight for your life. I'm here already.'

The last time we talk, ang sabi niya uuwi ako sa birthday niya. It's his 53rd birthday. At wala akong sinagot na tama. I didn't promise him anything, that's why I'm so guilty.

'Wake up, dad.  Nandito na ako.'

A tear escaped from my eyes again.

Kumirot ang tyan ko. Naramdaman ko agad ang asim dito. My vision blurred in an instant. Oh, God!

Sunod na pagkirot nito ay napayuko ako, Napahawak ako sa glass door ng room ni dad.

'ouch! '

Kailangan kung makapunta kina mommy kundi ay bubulagta ako dito. Ngunit isang hakbang ko ay nanginig na tuhod ko.

No!!!

But a strong arms carried me easily. Tyempo namang tumunog na talaga ang tyan ko.

"Nakalimutan mo namang kumain? Huh, mas inuuna mo talaga ang ibang bagay Kaysa kalusugan mo." Malamig na sabi ng kung sinong bumuhat sa akin. Ngunit may ideya na ako basi sa kanyang boses.

My head turn upside down as my tummy stumbled. And he is right,  for 13hours flight going here hindi ko naisip kumain. Kahit noon paman problema na nina mommy ang pagpapakain sa akin. I'm really not Into foods. Hindi naman ako pihikan ngunit nakakalimutan ko talaga ang kumain. When I decided to go to France,  mom always called just to inform me na oras na ng pagkain.  Hindi ko naman talaga sinasadya e, Pero kung hindi ako makakakita ng pagkain ay Hindi talaga ako magkaka idea na kumain. Kaya hindi ako nawawalan ng food supplements  sa aking bag. Meron din akong alarm kung kailan iinumin ito.  I have mu alarm to eat in my phone but I usually put my phone anywhere. At Kahit aalarma ito ay hindi ko rin papansinin. Thank God to Stephen. Dinadalhan niya ako lage ng pagkain. At kapag my out of town siya, naoospital talaga ako.

"Rain? "








❤Lyra

Kiss the RainWhere stories live. Discover now