Chapter 16
Hindi na namin napag usapan uli iyun. Siguro pareho kaming dalawa na ayaw sa banta ko. Akala ko, I'm better without him and now? What is this? Nagpapakabaliw na naman ako.
"Natatakot ako sa sinasabi mo but at the same time ay kampante ako dahil mas safe ka." Stephen said over the phone. Sinabi ko sa kanya ang mga nangyayari sa akin dito.
"Sinubukan ko na siyang itaboy." I said.
Nasa kwarto ako ngayon at nag-aayos for the Gala Night. Invited ako. Guest lang naman and take note sasamahan niya ako.
"Sofia, alam natin pareho na hindi iyan ang gusto ng puso mo. Ang tanong, ano ang reaction niya."Sagot niya.
"Yun na nga e,buti hindi siya pumayag." I tried to keep myself in sane.
"Ayun!" Napahagalpak pa ito.
"Stephen naman eh!"
Patuloy parin ito sa pagtawa.
"You know what, I have this feeling na e kacancel niya iyung engagement niya with his fiancee at makikipagbalikan siya sayo." Sabi pa niya.
My heart shamelessly skipped.
"Sofia! Nandito na si Rain!" Mom called outside my room.
"OK po!" Sagot ko.
"Andyan na si Prince Charming." Paimpit nitong sabi.
"Stop it." Saway ko dito.
Sinipat ko ang itsura ko sa salamin. I wear a sexy back gold silk long dress na may slit hanggang hita. Gold din ang clutch ko at itim ang stelittos. Pinakulot ko ng kunte ang aking buhok kaya umikli ito at nagpahid ng manipis lang na make up.
" I'm happy for you, Sofia." He said.
"Masaya ka na nahihirapan ako?" I pout.
"Wag ka nga! Alam ko na yan. Kung wala siyang plano sa inyu bakit pa niya iyan gagawin? Maybe he is just waiting for the right time." He dramatically said.
"What? Right time para magkagulo?"
"Ang nega mo naman. Just go with the flow."
"Hay naku Stephen, I have to go. Bye. I will call some other time." Paalam ko dito.
"Okay Darling, bye. Enjoy!!" Malagkit niyang sabi sa huli.
Nailing nalang ako.
As I step down the stair case, he look up to notice me. He look so gorgeous, he wear a tuxedo paired with gold nectie. He look so perfect even without a smile on his lips. Tumayo ito at sinuri ako.
Ngumiti ako, Sayang naman kasi kung hindi dahil ang ganda gabi at naka formal attire kami. Since that day hindi ko na siya binati. I'm always mute, when he opens a conversation ay hindi ako sumasagot. Hindi rin naman siya nangungulit.
"You two are really look good together." Mom complimented. May dala itong mga paper bags that I'm sure mga regalo iyun for dad.
It's his birthday at hindi siya nagcelebrate. Ayaw niyang gawin iyung tyempo para makaatake ang kalaban. Pero Kahit ganoon ay may mga nakakaalala parin. We only had a great lunch kanina kasama ang mga taong nandito sa bahay at simpleng pag-alala nalang sa kaarawan niya.
"Thank you, Tita." He answerd.
"Okay, you two enjoy." She said as she kiss me goodbye.
Gininaya na niya ako palabas ng bahay, his expensive car parked at our entrance. I slid inside and notice the bouquet of flower in his seat. Nang buksan niya ang pintuan doon ay kinuha niya agad ito at binigay sa akin.
YOU ARE READING
Kiss the Rain
General FictionCassiopeia Martinez or Sofia Martinez Dream or Love? ❤