chapter 12

936 44 4
                                    

Chapter 12

Cass

Fate is taking me to my dreams. In just a week nakilala na agad ang designs ko. Nakatulong ang article na ginawa ni Jande at ang pag promote ni Miss Salvador sa gawa kong gown na kagabi niya ginamit sa kanyang party. Naging busy agad ako sa left and right na nagpapagawa ng mga gowns. Of course I have limits, kasi ako mismo ang gagawa. Si Wing ang nag a-arange ng mga deadlines upang hindi naman ako masyado mamatay sa kakagawa. I've already hired a two assistants para sa mga extra works tulad ng pag beads at cuttings.

" 'Peia, dalawa na yung na declined ko." Pag-aalala ni Wing.

"Okay lang yan." Sabi ko habang isinuot ko sa maniquin ang nagawang gown. I'm going to polished it at tapos na. For today ay dalawa ang nagawa ko. Simply lang kasi ang isa, wala masyadong arte. Sexy plain silk lang for a cocktail party para sa anak ng mayor. Itong tinapos ko naman ay kailangan nalang mga beads.

"Pakitawag nalang si Hannah, ipapagawa ko ito." Utos ko Kay Wing.

Hannah and Princess were the best. Galing sila sa nagsarang clothing line. Na bankrupt ito at swerte ko naman dahil nagbakasakali silang nag apply sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. For future purposes ay magagamit ko sila, at hindi nga ako nagkamali.

Princess  for cuttings, forte niya ito.  At ginagawa na nga niya sa baba ito.

"Magsnacks ka muna, nasa baba na ang pineapple pie na pinabili mo." Sabi niya bago bumaba.

Pwede na akong magrelax muna. Hawak ko naman ang oras ko. But then, dad didn't allowed me to work after 9pm. Bumaba na ako upang kumain, now I didn't pass my meals syempre may mga kasabayan ako and it's a good idea. Pagkababa ko ay may iilan akong nakikitang namimili ng mga gawa ko noon. I still have 20+ gowns and it's for sale now. May iilan naring nabili na.

I smiled to the young lady, Nilapitan ko siya dahil parang nalilito siya sa dalawang gowns sa harap niya.

"Anong okasyon ba dadaluhan mo?" I friendly asked her.

"Ah..." Nahihiya niyang tugon.

"Isang birthday party. Actually debut ng best friend ko at kasama ako sa 18 treasure." Paliwanag nito.

Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. She is slim and tall, has fair skin at mahaba ang buhok. So I prefer the backless fitted long gown. Nababagay ang powder pink nitong kulay sa makinis niyang skin.

"Ito, mas bagay sayo kasi matangkad ka." sabi ko. Of course I've work with the models before.

"Really? Thank you. And it's glad to meet you po. You are the talk of the town kaya sumaglit po talaga ako dito. Pwede po bang pa picture?" Gigil niyang sabi ngunit pinilit namang umayos. Her eyes were twinkling.

"Sure!"

Ako na mismo ang humawak sa cellphone niya at magselfie kami.

"Thank you so much. Your so bait po. Ererecomend po kita sa mga friends ko. Kahit sa mga tita ko na mahilig pumarty." Humagikhik ito.

"Aasahan ko yan ha." Sabi ko dito.

Tumango ito at ngumiti ng pagkalapad. Kinuha niya ang sinabi kong gown at nagbayad Kay Wing. Kinindatan ko naman si Wing nang tumingin siya sa akin.

May mga pumasok pa at nagpapakikala sa akin. Naging instant celebrity yata ako. May nakipagpicture bago pumili ng gown dahil hindi na mahabol sa deadline kung tatahiin ko pa. Meron namang nagpasukat for next month.

It end up so tiring like days before. At 5pm ay umuwi na sila. Nag change shift narin ang security guard ko. I still have energy pa so I decided na tahiin ang mga na cut na ni Princess. I will work until 9pm then I'll go home na. Wing is no longer living at home. Umuwi na siya sa kanila since nakahanap narin si mommy ng tatlong working student. Puro highschoolers.

Kiss the RainWhere stories live. Discover now