lahat kami ay nasa may sala, kung nasa labas ka siguro maririnig mo ang lakas ng musika galing sa karaoke na nasa harap naming magkakaibigan
Lumalabas na sa tv ang mga lyrics at yung mga wonders of the Philippines sa likod nito, sinasabayan namin ang pagkanta ng bawat isa. Ang iba sa amin umiinom, may iba na kumakanta lang, iba nagkwkwentuhan at nag aasaran. Heto ako, hawak ay tubig dahil di naman ako umiinom, at kumakanta kasama sila. Wala kaming pake kung sintunado ba o hindi, basta enjoyin lang daw namin ang mga nangyayari ngayon. Carpe Diem nga ika nila.
Pagkapindot ng numero, lumabas ang pamilyar na kanta sa screen, nagsimula tumugtog ang pamilyar na mga nota
"Uy di ka pa kumakanta! kanta mo to eh! Dali." Sinabi ng isang kong kaibigan sa lalakeng nasa tabi ko, sabay pagtulak ng mikropono sa kanyang kamay
"Ah eh" napangiti siya at napatawa, kinuha niya ang mikropono at tumayo, pumunta sa harap
"kamukha mo si paraluman nung tayo ay bata pa...." simula siyang kumanta
napatingin ako sa kanya, ramdam ang mainit na yakap ng kanyang boses
Nakatingin lang siya sa tv at kumakanta na para bang wala kami sa kwarto.
"Nakakaindak, nakakaaliw, nakakatindig balahibo...."
Apat na salita at di ko alam kung bakit ba sakto ang mga salita na iyon para matukoy ko siya.
nagkatinginan kami, nginitian niya ako, naramdaman ko ang pag init ng aking mga pisngi, tumingin na lang ako sa ibang dereksyon kung hindi ko iyon ginawa siguro natunaw na ako sa aking kinauupuan.
"Magkawak ang ating kamay at walang kamalay malay, tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay"
ngayon sinasabayan na niya ng kembot at sayaw ang kanyang pagkanta, nawawala na siya sa tugtog ng musika, hindi ko mapigilan na matawa at matuwa sa kanya dahil ang saya saya niyang tignan.
"La la la laaaaa la la la laaaaa...."
Ang aming mga kaibigan ay kumakanta na kasama siya, ang iba ay kunwari may hawak na gitara at nag rarakrakan, yung iba nag sumasabay sa agos ng nota, ang iba tinaaas na kanilang kamay, ako naman kinakanta ko ang mga lyriko at nakangiti ka kawalan
bigla siyang lumapit sa akin, hinawakan niya ang aking kamay, hinatak ako pataas, "hali ka dali sabayan mo ko!" Ang udyok niya
"Hoy di ako kumakanta" napatawa ako ngunit hinila na niya ako sa gitna
"Sabayan mo lang ako! La la la laaaaa" at bigla binigay ang mikropono sa akin
"La la la laaaa" ang kanta ko habang sinasabayan ko siya kumanta at sumayaw
"Magkahawak ang ating kamay..."
Hawak niya pa rin ang aking kamay, at sumusunod ang aming katawan sa daloy ng musika, inikot niya ako at inikot, wala ako magawa kundi tumawa habang tinatapos namin ang kanta
"Tinuruan mo ang puso ko na umibig nang tunay"
nakatingin ako sa kanya at pareho naming sinambit ang mga katagang iyon ngunit ang problema ay ang pagsambit ko ay tutoo, ang sakanya ay simpleng lyriko lamang ng eraserheads.
nasa harapan ko ang lalaking nagturo sa akin paano umibig nang tunay ngunit ang nasa harap niya ay isa lamang sa kanyang matalik na kaibigan.
"La la la laaaa, la la laaaa...."
habang patapos na ang kanta, inikot niya ako muli at sa pagharap ko, bumungad sa akin ang kanyang ngiti.
"Limang minuto lang Lord. please po." Ang sinabi ko sa loob ng utak ko. Sinusubukan magdasal at hilingin ang paghinto ng mundo kahit ngayon lang.
Ngayon. Ngayon na para bang kami lang ang nasa kwarto, siya lamang ang nakikita ko at walang iba.
Kami lang, walang problema. Kami lang, wala sila. Kami lang, walang iba na pumupukaw sa kanyang attensyon kundi ako lang.
Kami lang, siya at ako, tinitignan niya ako na para ba ako lamang ang nasa mundo, na ako ang kanyang mundo. Kahit ngayon lang, universe. Patagalin niyo lang itong saglit na ito na para bang ako ang kanyang pinili, na para bang ako ang kanyang mahal.
Ngunit tulad ng mga kanta, natatapos din ang mga pangyayari. Hindi ako pinagbigyan ng kalawakan sa aking hiling. Dahil malapit na matapos ang kanta, humihina na ang boses ni Ely Buendia, at sabay sa paghina ng kanta ay ang pagbitaw niya sa aking kamay at pagbalik niya ng mikropono sa kalalagyan nito. Sinunod ko ang paglagay ng aking mikropono sa tabi, binigyan niya ako ng isang pang ngiti bago umupo, binalik ko naman ng bahagya at binababa ang aking ulo para hindi nila mahalata ang mga luha ko na dahan dahang pumapatak at lumalabas mula sa aking mata.
- g.b. // first Filipino tagalog piece here! Ito yung piece na sobrang proud ako alrkfoddk aaaaaa!!

BINABASA MO ANG
things i'll never say out loud
Poetrymy most vulnerable written through the art of words. 🏅#1 in literature 🏅#1 in sad poems 🏅#2 in prose 🏅 #26 in poems 🏅 #40 in tula 🏅 #49 poetry