PROLOGUE

1.5K 50 4
                                    



29 de Abril, 1889

Ytinatangi cong Segismundo,

Marahil sa panahong magaua mong basahin itong calatas na ito, nagaua nang tumauid ng acuing calulua sa cabilang buhay cung saan sasapitin co ang haplit at dalit ng acuing nagauang sala sa mundong ito.

Minsan co nang nai-pangaco sa iyo na tanging iyo lamang ang acuing buhay. Na cahit ang sacsing langit at ang mga anghel na tumatanao mula sa canilang mga bintanang ulap, hindi magagauang tutulan ang pag-alay co sa iyo ng lahat ng siyang acuin.

Noong isang gabi, sa acuing panaguimpan, icao at aco ay nag-lalayag tangan ng pilac na barco sa caragatan na culay sapiro patungo sa isla cung saan humahalic ang haring arao sa caniyang pag-lubog. Dumaong tayo roon at mag-casama nating itinayo ang isang munting cubo cung saan tayo nanahan. Hindi man mag-tapat ang aguas ng bubobg, masaya naman tayo sa ylalim nito. Cahit na malayo sa ating naca-guisnang buhay, o sa rangya na ating tinamasa, doon ualang tacot at pang-huhusga sa ating ca-ibahan. Doon sa islang iyon, malaya nating guinawa ang mga bagay na ualang ngalan ngunit tayo lamang ang siyang may alam.

Sa panaguinip na yaon ay binuo ang mga pira-pirasong ala-ala ng mga masaya nating mga nacao na sandali sa mapait nating buhay habang nacamulat ang ating mga mata.

Sa piling mo ualang alinlangan.
Sa piling mo ualang ibang alam cungdi ang ligaya.
Sa piling mo ualang silbi ang oras na lumilipas.

Ngunit matapos ang arao na ito, ma-aaring ang pangarap na iyon maging pangarap na lamang na minsan naging manining na estrella sa madilim na langit ng tag-init. Batid cong hindi mo na aco nais pang macuita matapos ang mga caganapan ng araw na ito. Hindi co mai-alis sa isip co cung paano mo aco pinag-tabuyan. Cung paano pag-salitaan nang ni sa hinuhap hindi malirip ng acuing ysipan na iyong masasambit sa acuin. At cung paano mo aco nagauang i-tanggi.

Acuing iiuan ang pag-ibig co sa iyo. Ang pag-sintang ytinadhanang iyo lamang. Ang mga pangarap na mabuti pa siguro ysinaboy na lamang sa carimlan.

Na-aala mo pa ba noong minsang ipinaliuanag mo sa acuin na hindi ca na naniniuala na sa langit o sa dagat-dagatang apoy lamang tayo lahat tutungo matapos nating lisanin ang mundong ito? Naniniuala ca pa rin ba sa nabasa mong minsan sa aclatan tungcol sa mga caluluang naglalacbay mula sa isang buhay patungo sa susunod nilang buhay? Sabi mo pa noon, magtatagpo muli lahat ng mga caluluang pinagtagpo sa buhay na ito sa susunod nilang buhay.  Na patuloy lamang tayong ypa-panganac, mabubuhay, at yayao upang muling mag-balic sa mundong ito. Paulit-ulit na mangyayari ito hanngang sa ma-ytama ang mga pagcacamali o pagbayaran ang mga sala sa nacaraang buhay.

Cung may catotohanan man ito, isa lamang ang acuing hiling. Ypahintulot naua ng puso mo na maglaan ng mumunting bahagi nito para sa acuin. Na hindi mauaglit sa iyong isipan ang acuing ala-ala. Na hindi mauala sa iyong puso ang natitirang pagtangi at pagsinta mo para sa acuin. Dahil baon co ang lahat ng icao sa acuing puso at ysipan hanggang sa acuing huling pag-hinga.

Acuin nang iiuan sa buhay na ito ang mga patac ng luhang dala ng acuing pag-tangis, taglay lamang ang pag-ibig mo na minsan naging acuin, Segismundo.

Hanggang sa pagtagpuin tayo muli.

Manantiling Iyo,
Rafael

The Coño Boy 6: Ten Lifetimes With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon