Chapter 14
(Clarence Traves Guevara)
Kadarating ko lang ng school, 9:45 am palang kaya umakyat ako papuntang fourth floor kung nasaan ang mga Engineering department, buti nalang ay Engineering rin ako, kaso nga lang yong mga Mechanical Engineeriy sa right wing while yong mga Marine Engineering na inenrollan ko ay sa left wing. Nang sana fourth floor na ako ay naglakad ako papunta sa room nina Yasha.
Nang nasa may pintuan na ako ng room nila ay sumilip ako. Nandoon yong instructor nila, busy sa pagdiscuss ng Rankine Cycle sakanila. Hinanap ng mga mata ko si Yasha, kaso ng makita ko siya ay napansin kong parang ang tamlay niya. Ang alam ko kasi pag ito ang subject nila ay sobrang sigla niya. Pero ngayon parang may something sakanya.
Nakatingin parin ako kay Yasha nang may tumawag sakin.
"Clarence, anong ginagawa mo dyan?" tanong sakin ni Xyron na kakaakyat lang ng hagdan
"Ah wala, tapos lumapit ako sakanya"
"Tara na, baka nandoon na si Sir" siya, tapos sabay na kaming maglakad papunta ng classroom.
~~~
Nung 12 pm na ay nagmadali akong pumunta ng cafeteria, naghihintay na dun si Yasha eh. Pagdating ko dun ay nakatingin siya sa kung saan.
Nag order na ako ng panglunch naming dalawa, nang makuha ko na yong food namin ay tumabi ako sakanya.
"Ito na ang food mo"
"T-thanks" sabi niya saka, tapos kinuha niya naman yong food niya.
Kumain na kami ng walang imikan, di ko alam kung bakit parang may something sakanya ngayon. Napansin kong sulyap siya ng sulyap sa may left side namin, kaya napatingin din ako dun, at alam ko na kung anong tinitignan niya.
Sina Samantha at Eugine masayang nag uusap at halatang di nila nararamdaman ang presence namin ni Yasha. Napatingin ako kay Yasha, and alam kong nasasaktan siya ngayon.
Tapos maya maya pa bigla nalang may tumulong luha mula sa mga mata niya. Agad niya namang pinunasan yon pero nakita ko na, at kahit anong punas niya sa mga luha niya ay patuloy parin sa pagtulo ng luha niya mula sa mga mata niya.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at tumakbo palabas ng campus, napatingin ako kay Eugine, nakatingin siya kay Yasha, pero di man lang siya tumayo para sundan si Yasha. Napatingin siya sakin, kaya sinamaan ko siya ng tingin, at saka sinundan si Yasha.
Nandito na ako sa labas ng campus, iginala ko agad yong mata ko para makita ko agad si Yasha, at di ako nabigo, nakita ko siya na kakasakay lang ng taxi.
Pumunta ako ng parking lot at agad sumakay dun at pinaharurot yong kotse ko, at maya maya lang ay nakita ko na yong taxi na sinakayan ni Yasha, nakasunod lang ako sa taxi kung saan nakasakay si Yasha hanggang sa tumigil ito sa harap ng bahay nila.
Bumaba na ako ng kotse ko at sumunod sakanya papasok ng bahay nila, buti nalang kilala ako ng mga maids nila kaya pinapasok nila agad ako.
Umakyat ako papunta sa kwarto ni Yasha, nang nasa harap na ako ng kwarto niya ay sinubukan kong buksan yon kaso nakalock yon mula sa loob. Kaya kumatok nalang ako.
"Yasha, Yasha, open the door please, let's talk" sabi ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Yasha. But no response. Kaya nagpatuloy parin ako sa pagkatok. "Yasha, I just here if you want to talk about it"
Tapos umupo ako sa harap ng kwarto niya, siguro after 5 minutes ay bumukas yong pinto ng kwarto niya at nakita kong umiiyak parin siya, tumayo ako, bumalik siya sa loob ng kwarto niya, sumunod naman ako sakanya. Umupo siya sa bed niya, tumabi naman ako sakanya.
YOU ARE READING
My Bestfriend Last Wish (TaeRin FanFic)
RomanceTo be hurt twice is really painful, that's why when there's another person that maybe I think, can hurt me for the third time, I refuse him and told him that I can ONLY treat him a friend or bestfriend. But I regret. Because when the time comes that...