Chapter 34

12 0 0
                                    

Chapter 34

(Yasha Marie Estrella)

Inaayos ko ang kumot ni Clarence, siguro mga 30 minuto narin akong naghihintay kay tita, sana talaga pumayag sila.

Nag antay pa ako ng ilang minuto at saka lang pumasok ulit dito si tita, naghintay naman ako sa kung ano ang sasabihin sakin ni tita.

"Napag usapan na namin ng tito mo, at pumayag siya, kinausap narin namin yong doctor at okay lang daw"

"Thank you po tita, thank you po talaga" ako

"Nga pala, tinawagan ko ang Mommy mo at ipinaalam ko na nandito ka. Mamaya naman ihahatid ka ng tito mo pauwi, okay?"

"Okay po tita"

"Yasha, pwede bantayan mo muna si Clarence, umuwi kasi sina Clein at Cheska, kami naman ng tito mo bibili ng makakain, okay lang ba?"

"Oo naman po tita"

"Oh sige, maiwan na kita"

"Ayan ah, bukas ako ang magbabantay sayo kaya gumising kana, okay? Di pa natin tapos yong bucket list at saka dadagdagan pa natin yon diba?" napabuntong hininga nalang ako. "Hay, sana talaga magising kana"

~~~

"Thank you po tito sa paghatid" ako, kadarating lang namin sa bahay, bumaba natin ako ng kotse.

"Ano? Susunduin kita bukas?" tanong sakin ni tito

"Wag na po, magpapahatid nalang ko ako kay Dad" sagot ko

"Oh sige"

"Sige po, bye tito" at pinaandar niya na yong kotse niya, ako naman pumasok na sa loob ng bahay.

"Yasha, ikaw ba yan?" narinig kong sabi ni Mom pagpasok ko ng bahay.

Naglakad naman ako papuntang dinning dahil doon galing yong boses ni Mom.

"Yes Mom" sagot ko at lumapit sakanya at hinalikan siya sa cheeks, ganon din ang ginawa ko kay Dad.

Umupo ako sa tabing upuan ni Dad.

"I heard about Clarence from his Mom, how is he?" tanong ni Mom

"Yon po, dapat kanina inalis na yong mga apparatus na nakakabit sakanya, pero nakiusap ko ako kina tita na kung pwede bukas nalang, kasi gusto ko siyang bantayan magdamag bukas, pwede po ba?" tanong ko

"Syempre naman Yasha"

"And Dad, pwede mo po ba akong ihatid bukas sa hospital?'

"Of course"

"Yes, thank you Mom and Dad" tapos hinug ko sila.

"Sige na, sige na, mabuti pa umupo kana ng makakain na tayo" Dad, sinunod ko naman siya.

Umupo ulit ako sa tabi ni Dad at nag umpisang kumain.

After naming kumain ay agad akong pumunta ng kwarto ko, magshower ako, at pagkatapos ay nahiga na ako at maya maya lang ay agad din akong makatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naligo agad ako at magpalit ng damit. Pagkatapos ay pumunta ako ng kitchen, at nagluto ng bacon and eggs , pati hotdog, gumawa rin ako ng pancake, tapos nagtoast din ako ng tinapay.

Nakapaghain na ako nang dumating sina Mom and Dad dito sa dinning.

"Yasha, ikaw ba naghanda ng lahat ng ito?" tanong sakin ni Mom

"Yup, umupo na po kayo, magtitimpla lang po ako"

Umupo naman sila ako naman nagtimpla ng black coffee for Dad, lemon tea for Mom. Pagkatapos ko magtimpla ay bumalik na ako ng dinning at ibinigay sakanila ang mga inumin nila, tapos naupo sa tabi ni Dad at nag umpisa ng magbreakfast.

My Bestfriend Last Wish (TaeRin FanFic)Where stories live. Discover now