Chapter 03

74.6K 2.2K 306
                                    

SAVANNAH

TITIRIK NA ANG mga mata ko sa gutom, pero wala pa rin akong nahalungkat na papeles o ebidensya sa buong bahay ni Godwill. I think I could only find it inside his office or in the master's bedroom, but I didn't have the keys for those. All I had was for the main door.

I sighed in frustration. Kanina ko pa balak sirain iyong mga doorknob, pero ayoko na magduda siya o maghinala sa akin. Maayos ko pa nga ibinalik iyong mga gamit sa kung paano iyon nakaayos bago ko ginalaw. Sobrang linis ng buong bahay at hindi mo aakalain na busy ang nakatira rito. Siya kaya ang naglilinis? In fairness ah, kung siya ang nagme-maintain, malinis at halatang metikuloso siya. Mahihiyang dumapo ang alikabok sa bawat pasimano ng bahay.

Napapagod kong ibinagsak ang katawan sa may malaki at puting sofa na hugis S. Napaisip tuloy ako kung ano na nga ang tawag dito. Parang ta-tan-taranta? Hindi e, basta parang malapit do'n. I already saw this kind of sofa before in my husband's online cart. Binili niya nga iyon pero walang dumating sa bahay.

And I wasn't sure what the purpose of this sofa was, but it felt comfortable on my back.

"Why the hell are you lying on my tantra?!"

Bigla akong nahulog sa sofa nang dumagundong ang baritonong boses ni Godwill. Nanliliit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. It brought chills to my nerves—the good kind, yet it feared me a bit. I composed myself and tried to act as Elleria.

"So what? Bawal ba akong humiga dito sa ta—"

Oh shit! Ano na nga raw ang tawag dito?

"Tantra," he supplied, stepping forward, and I forced myself not to step back.

"Y-Yeah, tama...bawal ba akong humiga d'yan sa tantra mo?" I crossed my arms, raised my brow at him as if he was the one overreacting in the situation.

Parang upuan lang, ang damot-damot niya. Pinagpag niya pa iyon na kinairap ko.

"Naligo ako, 'no." Hindi ko napigilang mag-react. Feeling niya ba ang daming germs sa katawan ko kaya ayaw niya ako pahigain sa tantra niya? Tss! Maarteng lalaki. Buti na lang gwapo siya at mukhang yummy kaya may karapatan siyang maging choosy.

"Are you asking me to have sex with you?"

Nawala lahat ng dugo ko sa katawan sa sinabi ni Godwill at ang mas nakakahiya ay iyong mga tingin niya sa akin—like I was the one who initiated the conversation about sex or I was the one who teased him. I tried to collect my senses to answer him back, but the cat got my tongue.

He smirked and shook his head in disbelief. "What's wrong, Elle? It's your expertise, right?"

I swallowed the lump in my throat, blinking my eyes in confusion. Iniisip at dina-digest mabuti ng isip ko ang mga sinabi ni Godwill, and I remembered that Elleria was good at bed, the total opposite of me.

"Oh! That! Ha ha!" I faked a laugh and covered my mouth like I was having a good time with him, like I enjoyed what we were talking about. Sumimangot siya sa akin at ngumisi ako, pero deep inside I was thinking of a good excuse.

Susmaryosep! Anong level ng kamanyakan ba mayro'n si Elleria? Hanggang ilang rounds ba sa kama ang kaya niyang itagal?

"I can have a good time with others, but not with my oh-so-boring husband. Mahirap na, baka hindi ako mag-enjoy." Inirapan ko si Will at agad siyang tinalikuran.

Okay, breathe, Savannah! That's below the belt, but that's Elleria! She's rude to everyone—kahit pa sa asawa niya. There's nothing wrong, huwag kang makonsensya dahil siya—sila ang may atraso sa 'yo.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon