Chapter 16

51.6K 1.6K 171
                                    

SAVANNAH

MASYADONG NAGING MAHABA ang araw na ito para sa akin. Hindi lang katawan ko ang nanghihina pati na rin ang puso ko—nakakapagod at hindi ko malaman kung saan ba nagmumula iyong bigat sa dibdib ko.

Dahil ba sa pwedeng may relasyon si Elleria at Logan? O dahil sa may nangyari kay Elleria at Godwill?

Hindi ko alam ang sagot at kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko, hindi ko mapagtanto kung bakit ako nasasaktan ng dahil kay Godwill—o baka hindi talaga siya ang dahilan, si Logan talaga ang rason kung bakit ako nagkakaganito.

Ayoko nang mag-isip, gulong-gulo na ako sa mga nangyayari, para bang ang dami kong bagay na hindi na naiintindihan—o sadyang wala akong alam sa mga totoong nangyayari.

Saktong pagbaba ko ng taxi ay bumungad agad sa akin ang maitim at madilim na mga mata ni Will.

Nakatayo ito sa may harapan ng pinto habang nakabulsa ang kamay sa magkabilang gilid ng shorts. Magulo rin ang buhok niya pero hindi iyon nakabawas sa gwapuhan niya.

Ang totoo, mas bagay sa kanya ang simpleng ayos lang, iyong tipo na walang necktie, hindi siya nakasuot ng suit—dahil sa oras na iyon, wala na ang isang attorney na hinahangan ng marami, ang mayro'n lang ay iyong Godwill na kahit walang gawin at sabihin, hindi niya pa rin ako nabibigo na hangaan siya araw-araw.

"Where have you been?" he asked in a low tone as he opened the door for me.

"Kay Tasya," tipid kong sagot sa kanya at diretso na akong pumasok sa loob, pero naamoy ko pa rin iyong natural na amoy ni Will.

He didn't put on any cologne but he smelled good and obviously he was fresh from the bath. Hinihila ako ng amoy niya at tila gusto kong matulog sa mga bisig niya. Pakiramdam ko roon ko lang mararamdaman iyong kaginhawaan sa isip at puso ko.

"Kumain ka na?" tanong ulit ni Will at nailing lang ako sa kanya. Ayoko siyang lingunin dahil naririnig ko pa lang ang boses niya, gusto ko nang makalimutan lahat agad ng mga binilin sa akin ni Dr. Yoon.

I shouldn't trust anyone—especially him—because he was the reason for my imprisonment, but every time I saw him, every time I heard his voice...he was no longer a prestigious lawyer in my eyes but he was just him. Just a simple Godwill—a snob, straightforward, hotheaded, self-centered, and unpredictable.

He was just him, just him...someone who let me in to his house, sheltered and took care of me, and even if he didn't mention it, I could feel it—I found a new home with him and it made me feel wanted in his life.

"I cooked some ramen. Do you want it?"

Natigilan ako sa paglalakad at pilit kong pinigilan ang sarili ko na lingunin siya.

"Aren't you mad at me? Hindi mo ba ako sisigawan o pagsasabihan man lang dahil sa ngayon lang ako umuwi?" tanong ko sa kanya at napayuko pa ako habang mariin na kinagat ang ibabang labi. Huwag kang lumingon, Savannah. You can talk to him without staring at his mesmerizing eyes.

"Why would I? It's not the right time to argue when you're obviously tired and sick," he said and it made my heart melt. Nalukot ang mga labi ko at nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. This was the first time that I heard those words so full of understanding.

Iyong tipo na hindi ko kailangan magsalita at sabihin na pagod ako para lang maintindihan niya na wala ako sa mood para makipagtalo o makipag-utuan.

Nanginginig iyong kamay at tuhod ko, gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya nang mahigpit, pero hindi ko iyon dapat gawin. Hindi umiiyak ang Elleria sa harapan ng isang Godwill Del Valle.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon