Epilogue

72.9K 1.6K 273
                                    

SAVANNAH

I COULDN'T SEE anything but I felt how the heat was eating me, yet I felt cold. I couldn't breathe as the water invaded my nasal passage. I barely felt the blanket wrapping around my body and soft lips touching mine, giving me some air to breathe as he held me closer to him.

Gusto kong dumilat pero wala akong lakas at hinihila ako sa kawalan. Nag-aagaw lang ang katauhan ko mula sa realidad at sa kawalan, pero dahil alam kong pamilyar sa akin ang mga labing iyon at kilala ko rin ang mga bisig na yumayapos sa akin ay nanatili ko na tinatagan ang loob 'ko.

"No, no, you can't die. Wake up! Wake up!"

Kasabay ng malakas na paghampas ng alon ay dinig ko rin ang pamilyar na boses na siyang pilit na gumising sa akin, alam ko...siya 'yun...si Will iyon—p-pero paano...paanong nandito siya? Patay na ba 'ko? Bakit nag-e-echo ang boses niya sa pandinig ko?

"Wake up, Savannah! Hindi ka pwedeng mamatay!" ulit niya at nararamdaman ko ang bigat na dumidiin sa dibdib ko na nagbibigay ng hangin sa katawan ko.

"Fuck! Wake up!" he screamed and I felt him pinching my nose, giving me some air to breathe at bigla akong napaubo at lumuwag ang hangin sa dibdib ko.

"Thank God you'e alive!"

Hindi pa ako nakakabawi pero naaninag ko na ang mukha ni Will, basang-basa ang buhok niya at matamis ang ngiti nitong niyakap ako nang sobrang higpit.

Nanaginip lang ba 'ko? O patay na 'ko? Paanong nandito siya? Paanong nakalabas siya ng kulungan?

Bumitiw siya sa akin at marahan niyang hinagod ang mukha ko. Inalis niya rin ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa 'kin, namumula at nangingilid ang luha niyang hinalikan ang noo ko.

"God! You're alive!" he murmured and I was still catching my breath. Mahigpit pa akong napakapit sa damit niya at umubo habang may mga lumalabas pa ring tubig sa ilong at bibig ko.

Hindi ako nanaginip. Ibig sabihin, totoo ang lahat at muntikan na akong mamatay...pero dumating siya...sinagip niya 'ko...paano? Paanong nangyari na...

"Are you okay? Is everything fine? How do you feel? May masakit ba?" sunod-sunod niyang tanong at sinusuri niya ko nang mabuti. May mahapdi sa ilang parte ng katawan ko pero pilit akong ngumiti at inabot ang mukha niya.

Nararamdaman ko siya. Hindi ako nanaginip o nag-iilusyon lang, totoo siya.

"W-Will, n-nandito ka." Umagos ang luha sa pisngi ko kasabay ang matamis na pagngiti niya sa akin.

"Hindi ba sinabi ko sa 'yo po-protektahan kita sa kahit na anong pagkakataon? Hindi kita pababayaan kahit pa buhay ko ang maging kapalit." Nangungusap ang mga mata niya at mas tumamis ang ngiti ko.

Hindi ko alam kung paano siya nakapunta rito o anong ginagawa niya pero masaya ako, sobrang tuwa ang nararamdaman ng puso ko dahil alam ko na kahit kailan hindi niya 'ko pinabayaan, na kahit imposible ay nagawa niya akong puntahan at iligtas.

Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kung hindi ang magpasalamat na buhay pa 'ko, na hindi ako natuluyang patayin ni Elleria, pero natigilan ako nang maalala ang nangyari.

"S-Si Tasya. Will, si Tasya." Bigla ding na hulasan si Will. Mukhang ngayon niya lang din na alala ang sitwasyon. Inalalayan niya akong umupo, nanghihina pa ako at hindi makatayo.

"Dito ka lang." Hindi na ako hinintay ni Will na makasagot at agad siyang tumayo, pero mukhang huli na ang lahat dahil kahit ako mismo ay nagulat sa nasaksihan ko.

"Mamatay ka na!" galit na sigaw ni Tasya, at parang slow motion ang pangyayari nang hampasin niya si Elleria sa ulo ng malaking bato. Napapikit pa ako nang ulitin niya iyon ng ilang beses hanggang sa makita kong nangingisay sa sakit si Elleria.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon