SAVANNAH
MAAGA AKONG GUMISING kanina para maghanda ng almusal namin ni Will, pero hindi ko na siya hinintay na magising pa at umalis na ako.
Aalis lang pero babalik pa rin.
Duh! Hindi pa oras para maglayas ako 'no, hindi pa natuloy ang dessert time namin.
Ngayon lang kasi kami magkikita ni Bruce kaya umalis ako at may ilang oras na rin akong naghihintay sa kanya rito sa may coffee shop.
Habang wala siya, pinagdugtong-dugtong ko ang mga pangyayari mula sa umpisa.
Kahit papaano ay nagkaka-progress na itong ginagawa ko. Kasalukuyan na rin akong gumagawa ng paraan para mahanap si Caine, si Caine lang din kasi ang makakapagsabi sa akin kung saan ang anak ko, pero tulad ni Luis, hindi ko pa rin mahagilap kahit anino niya.
Iniisip ko nga kung tinataguan ba nila ako o sadyang hindi ko lang sila mahanap. At pati itong si Bruce mukhang walang balak na siputin ako.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya pero laking gulat ko nang hindi na iyon nag-r-ring at out of coverage na rin siya.
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko habang nagpalinga-linga sa buong coffee shop, nagbabakasakali na nandito na siya. Muli ko itong tinawagan pero nakapatay na talaga ang cellphone niya.
Nakakainis! Alam kong wala siyang balak na makipagkita sa akin noong una pa lang kaya nga pinilit at sinubukan ko pa siyang takutin para harapin niya ako ngayon at umo-oo naman siya, pumayag siya kaya anong dahilan niya para taguan ako?
Hindi ito pwede, kailangan ko siyang makita at makausap. Kung sino man ang nagmanipula ng CCTV footage, sigurado ako na malaki ang kinalaman niya sa pagkakakulong ko o baka siya mismo ang dahilan kung bakit ako nakulong.
Tumayo na ako, hindi na ako umaasa na darating pa si Bruce at mas mabuti na puntahan ko na lang ito sa kanila at tinawagan ko rin si Tasya. Mga ilang ring pa iyon bago niya ito sinagot.
"Hello, Elle," bungad agad sa akin nito.
"May iba ka pa bang number ni Bruce?" diretso kong tanong kay Tasya.
"Wala na. Bakit? May problema ba?" tanong ni Tasya na mukhang nag-aalala sa kabilang linya. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa sobrang inis ko.
Kung medyo minamalas ka pa nang konti, wala pa akong masakyan na taxi.
"Elle?" Nag-aalalang tawag sa akin ni Tasya.
"N-Nothing. I'm just wonde—" Bigla akong natigilan sa pagsasalita nang mahagip ng mata ko si Luis.
Hindi ako pwedeng magkamali, si Luis ang nakikita ko.
Madalas nagsusumbong sa akin si Logan dahil nag-away na naman sila ni Savannah.
Hindi ko akalain na magagawa niyang patayin si Logan.
Si Savannah, lagi niyang pinagbibintangan si Logan na nambabae.
Walang sabi-sabi kong ibinaba ang tawag kasabay n'un ay ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Naninikip iyon at parang nagdidilim ang paningin ko kay Luis.
Mahigpit ang hawak ko sa phone ko at nagtatagis ang bagang ko sa sobrang galit at parang sirang plaka ang boses niya na paulit-ulit kong naririnig ang mga kasinungalingan niya ng araw na iyon.
Tandaan mo, hindi ka dapat maawa sa kanila.
Sinira nila ang mukha mo, Savannah.
Gaganti ka. Gagantihan mo sila.
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...