SAVANNAH
"ANONG SABI NG asawa mo? Kailan daw ba malilipat sa pangalan ko ang IB?"
Nanginginig ang katawan kong napatitig sa likuran ni Logan. Naghahanda siya ng makakain para sa amin. Hindi matanggap ng isip ko ang mga nangyayari, hindi ko kayang marinig ang mga sinasabi niya, hindi ko matanggap na sa sobrang sakit wala akong ibang maramdaman kung hindi pagkamuhi.
Gaganti ka, Savannah. Gagantihan mo sila.
Ilang beses ko pang narinig ang boses ni Dr. Yoon na bumubulong sa isip ko at wala akong ibang makita sa paligid ko kung hindi si Logan. Hindi ko rin maintindihan ang mga sinasabi niya. Ang tanging alam ko lang ay nagdidilim ang paningin ko sa kanya, tingin ko rito ay isang demonyo, demonyong nakangisi sa akin at tinatawanan ako sa pagiging tanga ko habang may mga bumubulong sa akin, mga boses na inuutusan ako at parang demonyo rin ang mga iyon na ayaw akong tigilan.
"Talaga bang dalawang taon pa bago masabing patay na nang tuluyan si Savannah? Nagsasawa na 'kong magtago rito. Akala ko pa naman, 'pag patay na si Savannah, makakalabas-labas na 'ko."
Matalim ang tingin ko sa may kutsilyo at walang pag-aalinlangan ko iyong dinampot. Mahigpit ang pagkakahawak ko rito. Kumakabog ang dibdib ko at nanginginig ang buo kong kalamnan.
"Pakilusin mo na 'yang abogado na 'yan para pwede na ako lumadlad na buhay pa 'ko. O kaya gumawa na lang kaya ulit tayo ng bangkay at palabasin nating si Savannah? Anong tingin mo?"
Patuloy pa rin sa pagsasalita si Logan pero mas nangingibabaw sa pandinig ko ang mga bulong, mga bulong na nag-uudyok sa akin na gumawa ng isang bagay.
Patayin mo siya, Savannah.
Gaganti ka.
Gagantihan mo silang lahat.
Pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa 'yo.
Patayin mo siya!
Gaganti ka.
Patayin mo sila!
"Ah! Mamatay ka! Mamatay ka!" sigaw ko sa sobrang gigil at hindi ko napigilan ang sarili ko na saksakin ito mula sa likuran nang paulit-ulit. Kita ko kung paano ito nagulat pero hindi ako tumigil, sinaksak ko siya hanggang sa tumatalsik na sa mukha ko ang mga dugo niya. Humahagok siya pero hindi ako nakaramdam ng awa at patuloy ko itong sinaksak.
"Hayop ka! Hayop ka! Mamatay kang hayop ka! Demonyo ka!"
Walang awa at tigil ko itong sinaksak, umangat pa ang kamay niya para pigilan ako pero hindi ako nakaramdam ng katiting na awa.
Humahagok at sumusuka ng dugo si Logan habang ako ay naliligo na sa mga dugo niya. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa makita ko mismo kung paano siya bawian ng buhay. Kusang pumatak ang luha ko, pero kahit binawian na ito hininga ay wala pa rin akong sawa sa pagsaksak kay Logan.
"Elleria?"
NAPAPITLAG AKO SA gulat nang hawakan ni Logan ang braso ko. Napatitig ako sa kanya at kunot-noo ang tingin niya sa akin.
"Okay ka lang?"
Napakurap ako at napatingin sa sarili ko. Hawak ko ang kutsilyo kaya agad ko iyong nabitawan, napaatras ako at naiiling siyang tiningnan. Humuhulas ako sa sarili kong pawis at dama ko ang sarili kong pagod na akala ko ay totoo ko nang napatay si Logan.
"Hey babe, kung ayaw mo maghiwa ng bawang, it's okay, ako na lang gagawa. Magpahinga ka na sa taas at mukhang hindi okay ang naging usapan n'yo ni Godwill. Mag-ipon ka ng lakas, I'm gonna fuck you so hard later," he said as he leaned closer to me, kissing my neck and cupping my butt.
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...