Chapter 19

50.6K 1.9K 408
                                    

SAVANNAH

"I WANT YOU FOR myself, Savannah."

Nagulat ako sa sinabi ni Will at kusa akong bumitaw sa kanya. Ilang beses akong kumurap at hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Y-You—"

"I know who you are, Savannah," he said and I shook my head in disbelief. I was surprised and my knees became weak as my hand shivered in fear and shock. I almost fell when he abruptly wrapped his arms around my waist.

He was holding me tight and straightly looking at my eyes. Kita sa mga mata niya ang pagkaseryoso at sinasabi nito na alam niya—alam niya at kilala niya ako.
Wala akong ibang marinig kung hindi ang mabilis na tibok ng puso ko.

Nawala lahat ng tapang ko at gumuho lahat ng mga plano ko. Dapat ay maging masaya ako, dapat magdiwang ako, dahil sa unang pagkakataon ay tinawag niya ako sa sarili kong pangalan, pero hindi—nagtatalo ang kalooban ko. Gusto kong tumakbo palayo sa sobrang takot pero may isang parte sa puso ko na sinasabi na ito na 'yun—ito na ang hinihintay ko...ang mapalapit sa kanya bilang ako, bilang si Savannah.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa gilid ng kama, inalalayan niya ako dahil sobra akong nanghina at hindi makapagisip ng matino.

Hindi ganito ang inaasahan kong sitwasyon sa oras na makilala niya ako bilang Savannah.

Inabot sa akin ni Will ang isang basong tubig, nag-aalangan man ako ay kinuha ko iyon at ininom nang diretso.

Hinahagod din niya ang likod ko at dama ko ang pagluwag sa paghinga. Nahihirapan na pala akong huminga nang maayos at sobrang naninikip ang dibdib ko, naramdaman ko rin ang panginginig ng mga kamay at laman ko.

"Hey, calm down," nag-aalala nitong sabi and he gently massaged my hands. It was way better than taking my meds.

Unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko at hindi tulad ng gamot na may ibang epekto, hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong pagkahilo o pagha-hallucinate.

Nagawa ni Will na pakalmahin ako sa simpleng paghilot niya sa palad ko at paghaplos niya sa likuran ko.

"Breathe, Savannah. Inhale...exhale..." he said and I obliged. I took a deep breath and inhaled some air before I exhaled it.

He was worried and I could see and feel it as he kept holding my hands. Hindi ko naiwasan na titigan si Will habang marahan pa rin niyang hinihilot ang palad ko. Kalmado na ako pero siya ay patuloy pa rin sa ginagawa niya.

"I didn't mean to surprise you. I shouldn't have said it that way," nag-aalala niyang sabi at ako itong wala sa sariling napangiti habang nakatitig sa kanya.

For real, Savannah? Nagagawa mo pang ngumiti sa kabila ng sitwasyon mo?

Why not? He looks so cute, he's really worried for me, for Savannah—and not for his wife, Elleria.

Sigaw iyon ng malandi kong utak at pilit kong hinihila ang sarili ko sa katinuan.

Hindi oras para lumandi ngayon, Savannah. Isipin mo kung anong pwedeng mangyari ngayong alam na ni Will na hindi ikaw ang asawa niya.

And now he knows you as Savannah, you can surrender yourself to him without any fear and doubt that he was thinking of someone while making out.

Aba! Aba! Pwede yatang lumandi muna ako bago ako palayasin, 'di ba?

O baka hindi niya na ako palayasin 'pag ginalingan ko ang performance. Dapat pala nanood muna ako ng porn kanina para makakuha ako ng ideya kung paano gumiling nang maganda.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon