Chapter 10

58.7K 1.7K 287
                                    

SAVANNAH

"INAYA MO LANG ba ako para maglinis nitong mga kalat mo?" iritable kong tanong kay Tasya. Kasalukuyan kaming nagliligpit sa condo niya at ako itong naaasar dahil may lakad sana ako ngayon. Pupuntahan ko na sana si Bruce para komprontahin siya.

Alam kong balisa ito noong puntahan namin siya ni Tasya at mali rin na mukha ni Elleria ang gamitin ko para tanungin si Bruce, pero desperada na ako. Gusto ko nang matapos ito para makaalis na rin ako sa puder ni Will. Naisip ko na hindi maganda kung ipagpapatuloy ko ang ginagawa kong ito o kung magtatagal pa ako sa puder ni Will. Darating at darating ang panahon na babalik si Elleria at kakailanganin ko nang umalis. Hindi ako dapat magpadala sa kung anong libog ang nararamdaman ko para kay Godwill.

"Sandali lang 'to. Ibibigay ko lang itong mga lumang gamit ko roon sa isang hospital, mayro'n kasi silang fundraising para sa mga may sakit," ani Tasya sabay bukas sa cabinet na puno ng mga damit.

"Uy, nandito pa pala ito," ganado niyang sabi sabay hila sa isang kahon.

"Pwede bang mamaya na lang 'yan? Ito na unahin natin," Pinaglalagay ko iyong mga lumang damit sa karton at nakangiting umupo si Tasya. Napairap ako sa kanya. Nagmamadali na nga ako tapos siya pa itong mabagal kung kumilos.

"Elleria, tingnan mo, nandito pa pala 'yong hiniram ko sa 'yong hikaw noon. Nako, nakalimutan ko ng ibalik sa 'yo 'to."

"Sa 'yo na. Bilisan mo at ayusin na natin ito." Iirapan ko sana si Tasya pero natigilan ako nang mapansin kong pamilyar ang hawak niyang hikaw. Agad akong napalapit kay Tasya at inagaw iyon sa kanya. Nakita ko na ito. Pamilyar sa akin ang hikaw pero hindi ko maalala kung saan ko nga ba ito nakita noon.

"Elle, sorry na kung hindi ko naibalik agad. W-Wala akong balak na angkinin 'yan dahil alam kong paborito mo ang limited item na nakuha mo pa sa isang auction." Galing ito sa auction? Ibig sabihin, swerte na kung may dalawa o tatlong tao lang ang may ganitong hikaw, pero saan at kailan ko nga ba ito nakita? Bakit hindi ko maalala?

"Are you mad?" nakayukong tanong ni Tasya. Pansin kong may peklat ito malapit sa batok. Mukhang nakawit ang hulma na iyon, pero mas naisip ko na baka nag-o-overreact lang ako. Paano naman magiging pamilyar sa akin ang hikaw ni Elleria? Hiindi ko nga siya kilala. Baka nagkataon lang na kamukha ito ng ibang hikaw o kaya ay nakita ko sa mga litrato niya.

Tama, baka nga sa mga litrato ko lang ito nakita.

"No, I'm not but I'm gonna take this one," I said as I put it in my bag. Maybe soon, I could use this. Hindi ko alam kung saan o paano pero pakiramdam ko mapapakinabangan ko ito.

"So? Let's go? Kailangan na natin ito madala sa ospital," nakangiting aya ni Tasya at nagmamadali niyang nilagay ang mga luma niyang gamit sa kahon at ganoon rin ako. Tasya kept babbling. Napakadaldal talaga nitong si Tasya kaya nga hanggang sa pagda-drive ay walang hinto siya sa pagku-kwento kahit pa buhay na ng ibang tao ang sinasabi niya.

"Napanood mo ba iyong balita? Pinatay ng babae yung asawa niya."

Napairap ako sa mga sinasabi nitong si Tasya. Puro chismis ang dala niya. Balita na nga, ikukwento pa sa akin.

"They thought he was killed by his wife, but when they looked at the autopsy, heart attack pala ang cause of death." I nodded and we got out of the car while carrying the boxes. I followed Tasya as she stepped inside the hospital, talking with herself since I wasn't listening to her. I wans't interested in her story. Kating-kati na akong makaalis para puntahan si Bruce.

"Marami na talagang patayan at krimen ngayon sa atin kaya ang swerte mo rin kay attorney. Even if you don't like each other, he keeps on protecting you. Imagine where you'd be right now if he wasn't on your side." Biglang nanlaki ang tainga ko nang marinig kong sabihin niya ang attorney. Nagtataka na talaga ako rito kay Tasya. Madalas niyang binabanggit si Godwill.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon