SAVANNAH
"OH, GOOD MORNING, Attorney. Did you sleep well?" I smiled and greeted him as he walked in. Salubong pa ang kilay nito nang makita niya akong nasa kusina at naghahanda ng almusal. I shouldn't forget that I still needed to be nice to him and not too harsh. Hangga't hindi ko pa nalalaman ang sikreto niya ay hindi ako dapat magpadalos-dalos sa mga gagawin at desisyon ko, and most of all, hindi ko dapat inisin o galitin nang husto ang lalaking ito.
I needed to win his trust so everything would work according to my plan. Kung kailangan ko munang magbait-baitan sa kanya, why not? Baka iyon lang ang paraan para makakuha ako ng mga impormasyon.
"What's with that face, Will? Ang aga-aga mong nakasimangot. Smile, the sun rose perfectly! Or are you trying to lessen your oozing charm?" I laughed at my own joke, but he didn't and just stared at me intently. Para akong baliw na mag-isang tumatawa habang naliligo ako sa seryosong mga tingin nito. Umubo ako at itinigil ko ang paghalakhak. Mukhang mahihirapan akong i-please ang isang ito. Akala mo ay pasan niya ang buong mundo sa sobrang pagiging seryoso.
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo sa pagtira mo rito?"
"Yeah! I understand."
"Then what the hell are you doing?" he fired back in exasperation, and I shut my eyes, trying to calm myself over his bossy attitude. Kulang na lang kasi ay sigawan ako nito sa mukha o kaya ay isampal niya sa akin iyong bawat letra ng mga sinasabi niya.
"Tumatae siguro ako rito sa kaldero o kaya kumakanta gamit itong sandok," sarkastikong sagot ko kay Godwill, at inis akong namaywang sa harapan niya. Minsan, masama talaga ang masyadong matalino—nawawalan sila ng common sense. Hindi ba obvious na nagluluto ako ng breakfast para tanungin niya pa kung anong ginagawa ko?
Now, I understood why Elleria didn't want to live with this guy. He was a hotheaded man, an angry husband, at higit sa lahat, walang sentido-kumon. Aba! Kahit sinong babae mukhang puputian ng dugo sa kanya.
"Stop being sarcastic, Elle. I told you not to touch anything pero anong ginagawa mo? Nagawa mo pa talagang magluto?"
"E anong gagawin ko? Hintayin na maglakad iyong kaldero papunta sa kalan at kusang gumiling iyong mga sandok? Teka nga, sinasabi mo bang bobo ako at hindi ko naintindihan ang pinag-usapan natin? FYI, Mr. Del Valle, I won't starve myself to death!" Dinuro-duro ko siya ng hawak kong sandok. Nanggigil ako sa kanya at nangangati akong ihampas itong sandok sa ulo niya. I tried to be classy Elleria, but with this kind of attitude, hindi ko mapigilan ng ilabas ang nanggigil na Savannah.
Ang layo-layo ng ugali ng lalaking ito sa asawa ko. Never nga ako sinigawan ng totoo kong asawa, at kahit kalian hindi ako nainis nang ganito ng dahil lang sa bawal hawakan iyong mga kaldero at sandok. Kung matino ang pag-iisip niya, hindi niya ako pagbabawalan sa ginagawa ko.
"Pagbawalan mo ako kung may nakulong na dahil sa pagluluto. Oh, wait, I forgot. You can convict someone even they are innocent cause you are..." I paused and smirked. "...None other than the famous Atty. Godwill Del Valle," mapang-inis kong asar sa kanya at sigurado akong dama niya iyong pait na nararamdaman ko. Everything was still clear in my head—how he accused me, how he blamed me for killing my own husband, and how the world took everything from me.
Sumingkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin, but I will never be afraid with him because I knew he was not good as everyone saw him nor praised him to be. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya, and he tightly closed his fist. Obviously, he was holding in his anger, but I never let my guard down. I sized him up and I arched my brow in anger.
"You are too much to absorb," tiim ang bagang niyang sagot at padabog na nilisan ang kusina. Napangiti ako nang makita ko kung paano siya sumuko. Para pa akong timang na iniwasiwas ang sandok sa hangin.
"Hey, husband, don't you want to eat some? Mahirap na, baka magutom ka sa trabaho mo," mapang-uyam kong sigaw at sinisigurado kong maririnig niya iyon.
"No, thanks. I'm full...full of regrets."
I laughed hard at his serious and witty answer. Well, I need to learn how to enjoy this game—the game of Elleria in Godwill's life. If I did, I'm sure I can play smoothly.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ko, at nagtataka siyang lumingon sa direksyon ko habang inaayos ang suot na necktie.
"At kailan ka pa nagkaroon ng interes alamin ang oras ng pag-uwi ko?"
Gusto kong umirap sa pagiging ambisyoso at feelingero ni Godwill. Akala niya ba mag-aalala ako kung gagabihin siya? Mas matutuwa pa nga ako kung hindi muna siya uuwi para mas mahaba ang oras ko na maghalungkat sa mga gamit niya. But calm down, Savannah! You need to act accordingly.
I sexily stood up and flipped my hair, seductively smiled, and chewed my bottom lip. Marahan akong lumapit sa kinatatayuan niya at mapang-akit kong hinagod ang dibdib ni Godwill.
In fairness, matigas ah!
May ibubuga ang dibdib.
"Husband, aren't you happy that your wife cares about you? Nag-aalala lang ako na baka sa ibang bahay ka umuwi mamaya," mapanuya pero paos kong sabi. Hinila at inayos ko ang suot niyang necktie. Kung hindi lang ako si Elleria ngayon, malamang kanina pa ako naihi sa kakatawa ng dahil sa klase ng reaksyon ng katawan ni Godwill.
As I thought, Godwill could still be attracted to Elleria. Dama ko ang kakaibang panginginig ng katawan ni Godwill, ang pagbagal ng paghinga. At kahit pilit niya pang itago ay nararamdaman ko mula sa likod ng mga kunot niyang noo at salubong na kilay ang tensyong namumuo sa nagdidilim niyang mga tingin. Alam ko, nakikita at nararamdaman ko, na ibang-iba ang epekto sa kanya ni Elleria.
"Don't play with me." Mapagpanggap niyang tinabig ang kamay ko.
Ngumisi ako at kibit-balikat na humalukipkip sa harapan niya. "Basta sabihan mo ako kung pauwi ka na para mapaghanda kita ng hapunan."
Yeah, you better leave me a message so you can't catch me snooping through your things. Hindi ko gustong mabuko nang maaga, ayokong masayang ang ilang taong pag-aaral ko sa pagkatao ni Elleria.
"No need, I can take care of myself."
"But I insist. I'm trying to be nice and to be a good wife. Don't you want that, husband?" Sinundan ko ang bawat kilos ni Godwill. He rolled his sleeves up and I fought with myself not to help him. These scenes reminded me how I took care of Logan. I used to prepare everything for him, na kahit busy ako ay pinipilit kong maging asawa sa kanya.
"I'm leaving. If I'm home late, just lock the doors, and if you're going out...just please, don't let your stubbornness make a mess again," pag-iiba niya ng usapan.
I nodded and took my eyes off him. Apektado pa rin ako ng nakaraan ko, naninikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko si Logan. Ang mga pinagsamahan naming dalawa ay bigla na lang naglaho.
Saktong pag-alis ni Godwill ay nanlulumo akong bumagsak sa may sofa. Hindi ko maiwasang maalala si Logan. Every time he went to work, he used to ask my help to roll his sleeves and knot his necktie. Ako rin ang naghahanda ng makakain niya sa lahat ng oras. I used to be a loving and caring wife kaya paano...paanong ako? Hindi ko kaya...hindi ako ang pumatay sa kanya. Sigurado ako na hindi ako 'yon, and whoever killed him, sisiguraduhin kong babayaran niya ang pagsira niya sa pamilya ko.
You must be strong and never let your emotions prevail over anything else. Hindi na ikaw si Savannah, ikaw na si Elleria, kaya hindi ka dapat maging mahina. Elleria is not as weak as Savannah. Hold your tears and don't ever forget the reasons why you are living with a new face. You only have a couple of months, so don't miss your chance of being unwanted.
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...