Chapter 15

54.4K 1.6K 226
                                    

SAVANNAH

I CHEWED MY lower lip and held tight to my cup of coffee. Dr. Yoon calmly talked with me. He said that I shouldn't be like that or this but every word heard by my ear left on the other side.

"Savannah, are you listening?" he asked and I just nodded at him. Wala ako sa sarili at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Ang tanging iniisip ko ngayon ay kung may babalikan pa ako sa bahay ni Godwill. Paano kung alam na ni Will? Paano kung bumalik na talaga nang tuluyan si Elleria? Paano na ako? Saan na ako pupulutin pagkatapos ng lahat ng ito? At kung magkasama man sila ngayon, ano bang pwede nilang gawin? Did Will kiss her the way he kissed me? Did they sleep together? Ang daming tanong ang gumugulong sa isip ko—mga bagay na pwede kong abutan o mga bagay na pwede kong ikalubog.

"Savannah."

I swallowed hard and stared at him. His blank eyes leered at me, trying to read my mind, so I forced a smile and hid my frustrations.

"I-I understand. I will do whatever I need to do. H-Huwag ka mag-alala...kakausapin ko na agad si Bruce." Umiwas ako ng tingin kay Dr. Yoon at uminom ng kape. Ayoko na malaman niya itong nangyayari sa akin. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nagkakaganito. Parang nakakalimutan ko na ang totoong pakay ko ng dahil kay Godwill.

Yes, I was eager to find justice for myself, but every time I saw Will, I lost my sanity and all I wanted was to be with him. Enjoy the moment with him and live with this new life, with this new face like I wanted to be Elleria, I wanted to be his wife.

"Savannah, don't forget that you are here for your daughter. Right?" Tumayo si Dr. Yoon at pumunta ito sa likuran ko. Tumango ako sa kanya at naramdaman ko muli ang kirot sa dibdib ko nang maalala ang anak ko. Kinain ako ng konsensya sa mga araw na sinayang ko dahil kay Will. Nakalimutan ko na may iba akong pakay, pero hindi naman naalis sa akin ang paghahanap kay Ava, hindi ako tumigil...kung may bagay akong hindi nakalimutan ay iyon ang patuloy siyang hanapin. At kung iisipin, mas marami pa rin ang oras ko na hanapin si Ava kaysa maghanap ng hustisya. Umasa ako at may puwang sa puso ko na sa oras na mahanap ko si Ava ay matanggap ako, kami, ni Will sa buhay niya.

"And you know that Godwill is the reason of your imprisonment, right?" Hinawakan ni Dr. Yoon ang magkabila kong balikat at tumango ako sa kanya.

Tama siya, hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko dahil si Godwill ang dahilan kung bakit ako nakulong at nawalay sa sari kong anak. Hindi ko dapat siya iniisip at pinapahalagahan. Hindi ako dapat umaasa sa mga bagay na alam kong imposible at walang katuturan. Dapat magalit ako sa kanya. Focus, kailangan ko mag-focus sa kung ano ang totoong dahilan ko sa pagbabalik ko bilang si Elleria.

"And you're using Elleria's face to control Godwill, right?" He lowered his lips to my ear as he murmured those words to me. My tears streamed down my cheeks and it reminded me how my life turned into hell because of them. I touched my face and it broke my heart knowing that it wasn't me...hindi ko mukha ito at kailangan kong palitan ang sariling mukha para maging malaya at makatakas sa mata ng batas. Sumisikip ang dibdib ko at naging bola ang mga kamao sa magkahalong galit at sakit na lumalatigo sa buo kong pagkatao. Hindi ako dapat nag-aaksaya ng oras, dapat pagbayaran nila ang mga ginawa nila sa akin at sa pamilya ko.

"And do you still remember what I've always told you?" I nodded at him while my hands shivered in madness.

"Don't trust anyone. Even Godwill. They are enemies," nanginginig ang kamay at labi kong sagot kay Dr. Yoon habang patuloy na naging masagana ang mga luha sa mata ko. Walang kapaguran na bumabalik sa memorya ko kung paano ako nilalamon ng apoy at unti-unting binawian ng hininga nang dahil sa makapal na usok. Lahat ng sakit at pait ay muling humabi sa sarili kong labi.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon