SAVANNAH
"WILL, I'M FINE. Pumasok ka na. Baka mawalan ka na ng kliyente kakabantay mo sa 'kin," biro ko kay Will at sinamaan niya ako ng tingin. Kumunot ang noo at namamawis ang ilong niya.
'Di ba sabi nila 'pag nagpapawis ang ilong ay seloso? Kaya siguro kanina pa nakapulupot ang braso niya sa bewang ko at kahit ang laki ng pwesto ay nandito siya sa tabi ko, dikit na dikit na wala nang hangin ang makakadaan sa pagitan namin.
Akala mo naman mawawala ako sa paningin niya kung makalingkis.
In fairness lang kasi, kinikilig ang tumbong ko sa kanya. Ahihi. Kung wala lang kami sa mall baka kanina ko pa siya hinalikan sa sobrang gigil ko sa kanya.
"Nag-aalala ka bang mawalan ako ng kliyente o pinapalayas mo lang ako?"
Humagikgik ako sa reaksyon ni Will. Halatang ayaw niya pa umalis pero alam kong may hearing siya ngayon dahil kanina pa tawag nang tawag sa kanya sila Fred.
Ayaw niya 'ko iwan mag-isa rito sa mall, dito kami magkikita ni Rhyx para ibalik ang memory card niya.
Ang totoo, gusto ko rin na umalis muna si Will dahil ayokong malaman niya kung ano ang nakita ko. May ilang tanong ako kay Rhyx at sana—sana mali ang hinala ko.
Dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko 'pag nagkataon na totoo iyon.
"Hello—ano? Do I need to repeat myself?" inis nitong sabi sa kabilang linya at napahawak ako sa braso niya. Tiningnan ko siya na pwede na siyang umalis.
Urgent iyon at trabaho, mas mahalaga iyon kaysa bantayan niya ako rito sa mall. Isa pa, malapit-lapit na rin naman yata mag-break sina Rhyx.
"Okay, I'll be there at eleven."
Then he hung up.
"Oayk lang ako rito. Sige na."
"Tsaka mo na 'yan ibalik. Sumama ka na lang sa 'kin sa firm," sabi nito at agad akong napailing. May mga lakad pa ako, kailangan kong puntahan si Luis, hanapin si Bruce, at baka tumawag na ulit yung caller.
Hindi alam ni Will iyon pero mukhang nabasa na agad niya ang nasa isip ko at biglang lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin.
"I see...tawagan mo na lang ako 'pag nagkita kayo ni Rhyx, and please remind her not to smile at anyone—especially at boys," mapait niyang sabi at bakas ang inis sa tono niya. Wala pang maayos na setup sa amin ni Will dahil tinanggihan ko pa rin ang gusto niya at ito pa rin akong patuloy sa paghahanap ng hustisya.
"Mag-iingat ka," sabi ko rito ng tumayo na siya. Nalulungkot ako pero ako ang may gusto nito.
Hinalikan nito ang noo ko. "Ikaw din and don't hesitate to call me. Okay?"
Nakangiti akong tumango at pinagmasdan si Will na umalis habang may kausap pa siya sa cellphone, simangot at nagsusungit sa kausap.
Soon, magiging okay rin ang lahat, Will, at sa oras na 'yun...magiging masaya rin tayo at malaya nating makakasama ang isa't isa.
Sa ngayon, kailangan ko munang linisin ang pangalan ko dahil gusto ko na 'pag dumating ang araw na 'yun, maipagmamalaki mo ako sa lahat bilang si Savannah at hindi si Elleria.
Napatingin ako sa isa kong phone. Ito ang ibinigay sa akin ng caller. Dito niya raw ako tatawagan at hindi ko siya pwedeng tawagan.
Medyo weird lang ang caller na iyon dahil sa dami ng alam niya ay nanatili pa rin siyang nagtatanong sa akin kung bakit mukha ni Elleria ang na pili ko.
Ilang beses ko na siyang sinagot, sinabi ko na dahil itong mukhang ito ang malapit kay Will, pero mukhang hindi ito kumbinsido.
Hinihintay ko ang tawag ng caller hanggang sa nakatanggap ako ng isang message sa kanya. Agad ko iyong binasa at napapikit ako nang mariin sa text niya.
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...