Chapter 25

48.4K 1.6K 149
                                    

GODWILL

INIS KONG SINABUNUTAN ang sarili ko. Kahit anong gawin kong tawag kay Savannah ay hindi niya sinasagot ni isa sa mga iyon o kahit mag-reply man lang sa mga text ko.

After that night she ran away, she kept running, at kahit anong habol ang gawin ko ay hindi ko siya naabutan. Bigla na lang siyang naglaho.

Alam ko nasaktan ko siya. Masakit para sa kanya na malaman lahat ng totoo, at iyon ang dahilan kung bakit ko iyon itinago sa kanya, para protektahan siya sa sakit, pero kahit ano palang gawin ko...hindi ko habang-buhay na maitatago ang katotohanan sa kanya. Kahit anong mangyari, malalaman niya lahat at masasaktan at masasaktan siya.

At sa huli, imbis na protektahan siya mula sa sakit ay mas na doble pa iyon na kahit ako, nasasaktan na rin sa mga nangyari.

I admit—we used her and I was the reason for her imprisonment, pero hindi ako kasama sa nag-set up sa kanya para makulong siya. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari noon.

I just did my part as a lawyer.

"I want you to do something for me."

Hindi na ako nag-abala pang tapunan ng tingin si Elleria nang basta na lang itong pumasok sa opisina ko. Siguradong problema na naman ang dala niya, panay sakit na lang ng ulo ang ibinibigay niya sa akin.

Kung hindi niya lang sana nalaman ang tungkol sa sikreto ng pamilya namin, hindi sana ako mahihirapan na dispatsahin si Elleria, hindi sana ako parang asong ulol na sunud-sunuran sa mga sasabihin niya.

Fuck her! Pinagsisihan kong iniligtas ko siya noong mga bata pa kami, e 'di sana hindi siya parang langaw na buntot nang buntot sa akin.

She ruined my life and she got rid of everyone who used to be my friend, at higit sa lahat, hindi man niya aminin, alam kong siya ang dahilan kung bakit nawawala pa rin si Gia.

Gia was our childhood friend. Alam naman niyang kapatid lang din ang turing ko kay Gia, tulad ng tingin ko sa kanya, pero dahil sa sobrang kakitiran ng utak ni Elleria, iniisip niya na may gusto ako kay Gia. Kaya simula noon, palagi niya itong sinasaktan, and Gia never fought back, she didn't like fights na sobra kong kinaiinis sa babaeng iyon na ako pa itong nagtatanggol sa kanya sa kamay ni Elleria at sa iba pang nag-b-bully sa kanya.

"Gusto kong ikaw ang humawak ng kaso na 'to at siguraduhin mong makukulong si Savannah."

Napatingin ako kay Elleria at walang modo niyang ibinato ang isang folder sa harapan ko. I frowned at her and smirked as I leaned my back against the chair.

"Pati ba naman kaso ng iba gusto mo ipaayos sa 'kin? Masyado ka namang nag-e-enjoy sa pagiging sunud-sunuran ko sa 'yo."

Kailan lang niya nalaman na hindi ako anak ni dad, na hindi ako totoong Del Valle, pero parang taon na agad ang lumipas sa dami ng mga pinapagawa niya sa akin. At siyempre, ako itong uto-uto ngayon pero dahil lang iyon sa ayoko na mapahamak ang pamilya ko, ang mga taong pinahahalagahan ko.

Kaya habang naghahanap pa ako ng tamang tyempo para malusutan si Elleria ay hinahayaan ko muna siyang mag-enjoy at magdiwang sa mga ginagawa niya kahit pa hindi na ako natutuwa sa mga pinapagawa niya. Kung hindi lang talaga dahil sa Del Valle's code, hindi sana mangyayari ito. It was a black code of our family na hindi kayang sakupin ng kahit na anong legal na batas, at siyang mahigpit na ipinapatupad sa buong angkan namin.

"Oh well, I enjoy this—you as a cute dog, barking...it feels good, but I'm worried if you've ever been caught by Señor Marvolo...kilabutan ka na, my dear."

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon