This is one of my most awaited part.
May isa pa haha. Enjoy!
Keep safe everything!
♥️♥️♥️SAVANNAH
"SIGURADO KA BANG wala nang masakit sa 'yo?" tanong ko kay Tasya at mahihiya siyang umiling. May benda ang ulo niya at may ilang gasgas ang braso nito, pero sabi ng doktor hindi naman malala ang mga sugat niya.
"I-I'm fine. Thanks," she said and she lowered her head. Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin, matamis akong ngumiti habang marahan na hinahaplos ang kamay nito.
"No, ako nga dapat ang magpasalamat sa 'yo. Kung hindi mo 'ko niligtas baka patay na ako o ako ngayon ang nakahiga d'yan."
Unti-unting napangiti sa akin si Tasya at masaya ako na kahit papaano ay hindi na masama ang tingin niya sa akin.
"Thank you kasi kahit masama na ang nasabi ko sa 'yo, kinakausap mo pa rin ako."
Binitiwan ko ang kamay niya at tipid na ngumiti sa kanya. "You are you, hindi mo kasalanan ang kasalanan ni Elleria," paliwanag ko kay Tasya.
"Excuse me po." Napalingon kami ni Tasya sa babaeng nurse. Lumapit ito sa amin at sinuri niya pa ang lagay ni Tasya bago napalingon sa akin. "Kayo 'yong nasa ER din kanina 'di ba?" tanong nito at agad akong tumango. "Nakalimutan n'yo pong inumin ang gamot na binigay ni doc," sabi nito at inabot sa akin iyong gamot.
Napatingin ako sa nurse at inisip kung may binigay ba sa akin na gamot iyong doctor kanina. May ilang sugat din kasi ako pero 'di naman malala iyon para inuman ng gamot.
"Tasya, pwede bang akin na lang 'to?" tanong ko kay Tasya habang tinuturo ang tubig niya.
"Yeah, it's fine," sabi nito habang nakatingin pa siya sa nurse na inaayos ang suwero nito. Ininom ko na lang iyong gamot at saktong bumukas ulit ang pinto.
"Tasya—" Muntikan pa akong masamid nang marinig ang matinis na boses ni Elleria pero agad din siyang natigilan nang magsalubong ang mga tingin namin.
Agad na sumingkit ang mata niya at ako itong walang ganang inilapag ang tubig. Nagpaalam ang nurse at pilit na ngumiti si Tasya na halatang kabado na baka may mangyari ulit na gulo.
"Elle—"
"Oh, well! Well, well! What the hell are you doing here?! Pati ba naman si Tasya gusto mong angkinin sa akin?"
Mataray na lumapit si Elleria at pilit na bumangon si Tasya.
"Please, Elle—"
"Stop talking, Tasya. Hindi ikaw ang kausap ko!" kontra niya kay Tasya at mas nag-iinit ang ulo ko sa ka-malditahan ng isang 'to.
Ang lakas ng loob niyang pumunta rito gayong alam ko na siya lang ang may motibo para patayin ako kaya siguradong alam niya rin na si Tasya ang naaksidente at hindi ako.
"Oh, bakit hindi ka makasagot, Savannah? Alam mo bang pwedeng pwede kitang ibalik sa kulungan ngayon din? Isang tawag ko lang sa mga pulis siguradong pupunta sila rito para damputin ka!"
Kinuyumos ko ang kamao ko sa sinabi niya pero hindi ko napigilan ang tumayo. Sumasakit ang ulo ko sa boses niya at kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya.
"Sige, bakit hindi mo gawin nang magkaalaman tayo kung sino ang unang makukulong sa 'tin? Huwag mo akong takutin, Elleria, dahil ikaw ang totoong kriminal!" gigil kong sigaw sa mukha niya at nagulat ako nang bigla ako nitong sampalin.
Napahawak pa ako sa pisngi ko at nakangisi akong dinuro-duro ni Elleria sa noo. "Matapang ka? Bakit? Dahil sa kinampihan ka ni Will, iniisip mo na kaya mo na siyang pasunurin? Hahaha! You're insane, Savannah. Dahil kahit anong gawin mo, ako lang...ako lang ang susundin ni Will. Kayang-kaya kong baliktarin lahat ng sasabihin mo."
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...