Chapter 26

48K 1.7K 296
                                    

SAVANNAH

HUMAHANGOS AT BALAGBAG kong binuksan ang pinto ng clinic. Bumungad sa akin ang kalmadong mukhang ni Dr. Yoon habang pinapakain niya ang mga alagang isda.

"Sav—"

"Sabihin mo, anong alam mo?!" mariin kong tanong kay Dr. Yoon habang dama ko ang hirap sa paghinga. Agad akong pumunta rito sa clinic para komprontahin siya dahil hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko sa sitwasyon ngayon. Lahat sila...pakiramdam ko pinagkakaisahan ako.

"Anong sinasabi mo, Savannah?" kalmadong tanong ni Dr. Yoon pero umiling at mapait ko siyang tiningnan. Pumasok ako sa loob at hindi ko mapigilan ang sumabog sa galit.

"Sabihin mo sa 'kin, bakit?! Bakit mo 'ko tinutulungan?!"

Ayoko na magtiwala sa kahit na sino pa sa kanila. Alam ko may alam siya.

Nararamdaman ko...tulad nila, ginagamit niya lang din ako. Dahil kung hindi, hindi niya ako hahayaan na gamitin ang mukhang ito, hindi niya ibibigay ang mukha ni Elleria sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng mukhang pwedeng ipalit ay sa taong siyang dahilan pa ng lahat ng ito.

Nasusuklam ako at kahit humarap sa salamin ay hindi ko magawa dahil naalala ko, naalala ko ang kahayupang ginawa nila.

"Ilang beses ko nang sinagot ang tanong na 'yan, Savannah. Tinulungan kita dahil gusto kong makamit mo ang hustisya na dapat ay para sa 'yo."

"Sinungaling ka!"

Buong lakas ko siyang itinulak kasabay n'un ay ang pagbuhos ng mga luha ko sa magkahalong sakit at galit. Kung sasabihin niya sa akin na kasabwat din siya sa pagkakakulong ko ay parang hindi ko na iyon kakayanin.

Dahil iyong kay Will pa lang, nanghihina na ako sa sobrang sakit at hindi ko matanggap na nagawa niya rin akong paglaruan.

Napatingin sa akin si Dr. Yoon, nagulo ang salamin niya kaya agad niya iyong inayos. Tumama ang liwanag sa lente ng salamin niya kaya nagbigay iyon ng kakaibang kinang—pero bakit...bakit kahit anong tingin ko sa mga mata niya, kahit anong isip ko kung sino siya sa buhay namin...wala akong makitang sagot?

"Kung hindi ka maniniwala, hindi ko na problema 'yun, Savannah. Ibinigay ko na sa 'yo lahat ng tulong na kaya kong ibigay, I supported you from the very beginning, and if you still doubt me...go on. You are free to leave."

Napalunok ako sa sinabi niya at marahas na pinahid ang luha sa pisngi ko. Hindi ito ang inaasahan kong isasagot niya sa akin.

I expected him to rattle or to ask me to do something. Hindi ganito na pakiramdam ko ay wala na siyang pakialam sa kung anong gagawin ko dahil naibigay niya na lahat ng tulong na kailangan ko, na okay na siya dahil alam niyang nalaman ko na ang totoo.

What was with him? Tell me what to do, Dr. Yoon, so I could see who you really are. Kung ano ba talagang intensyon mo, kung anong kinalaman mo sa buhay ko—o baka sa buhay nina Will.

Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko mahanapan ng butas ang pagkatao mo, ang kabaitan mo, at ang pagtulong mo sa akin.

Tinutulungan mo lang nga ba talaga ako? O may iba ka pang rason?

"Sa tingin ko alam mo na kung sino ang pumatay sa asawa mo, and if you still need my help, you can still tell me what you want to do. I am willing to help you even if you accused me of being a traitor," he said calmly and turned his back to me as he sat down. Inabot niya pa ang ballpen niya at nakita ko pa kung paano ito muling mag-drawing ng mga mukha. Napatitig ako sa kanya at ilang beses na kumurap at lumunok.

"Buhay si Logan." Huminga ako nang malalim. Sinubukan ko hulihin ang magiging reaksyon niya at tumigil siya sa pagpipinta, nag-angat ng tingin sa akin na muling kumislap ang salamin niya.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon